FALL IN LOVE IN FIRST KISS

14 3 1
                                    

CHAPTER 1

~°Karen's P.O.V.°~

Nakatayo ako ngayon sa harapan ng pinakamalaki at pinakasikat na school na Templeton Academy. Matagal ko ng pinangarap ito.

"Cringggggg!!!!!, Cringggggg!!!"

"OMG, yung bell yun" late na pala ako. Napatingin ako sa relo ko. "Meron akong 15 seconds para hanapin ang room ko, malapit nako"15,14,13. Sinimulan ko ng tumakbo.10,9,8. Habang hinahanap ko ang aking room ay nagbibilang ako....... 3,2,1.

Hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang sa may nabangga ako. Tsss paharang-harang kasi. Kasalukuyan kaming nasa hagdan nung nabangga ko siya at malapit na ako mahulog dito. Pag nahulog ako dito tiyak diretso ako sa hospital. Bigla akong hinawakan sa kamay nung nabangga ko, at may malakas na nabasak sa di kalayuan. Kaya nagulat ako at napahawak ako sa kuwelyo niya na hindi ko naman sinasadyang mahatak kaya napalapit ako sa kanya hanggang sa dumikit ang mga labi namin sa isa't isa. Di ko sinasadyang makita yung I.D. niya nakalagay Lee, Jishu , Class A. So..............matalino siya.

~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~°~

Nasa classroom nako. Sa class C. Hindi kasi ako masyadong matalino. Wala sa aming teacher ang aking atensiyon sapagkat naalala ko ang nangyari kanina. Pagkatapos ko siyang mahalikan maraming estudyante ang pumalibot sakanya. Kaya sa sobrang hiya tumakbo ako ng mabilis, buti nalang di nila naabutan yung scene na iyon. Lumingon ako ng isang beses at nakita ko siyang may dinampot na bagay habang pinipicturan ng mga babae sa paligid niya. Sana di na kami magkita muli sobrang nakakahiya.

"Miss Karen, Karen Anderson!" narinig ko may nagsasalita sa harapan ko. Yung teacher ko pala yun, pahiya nanaman ako.

"Umm, sorry po ma'am" tinawanan ako ng mga kaklase ko.

"Sige I'll give you a chace Miss Karen, What is our topic today" napalunok ako doon. Buti nalang napatingin ako sa apat apat kong kaibigan at tinulungan nila ako.

"LA-YERS-OF-THE-AT-MOS-PHERE" bulong sakin ni Celine mula sa aking harap.

Tumayo ako at sinabi. " Layers of the atmosphere"

"Well done, I hope youre friends did not teach you Miss Karen" umiling yung teacher namin at nagpunta na sa harapan ng board at sakto naman na nagbell. "Okay class dissmiss" nagsitakbuhan lahat palabas sa classroom, ganito ba talaga sa Class C?

"Karen" lumapit sa akin ang apat na pinakamatalik kung kaibigan na sina Celine Gomez, Queenxie Flores, Angelica Santos at Jhana Rances.

"Tara doon tayo sa labas" sabi ko habang nakatulala sa kawalan.

"Karen, para sayo" May lalaki sa likod ko na biglang nagsalita. Ahh si Cyrus pala ang leader ng gangster sa Templeton Academy.

"Sayo nalang" Tanging nasabi ko dahil wala ako sa mood.

"Tanggapin mona!" Hinawakan ako sa braso nung isa sa mga kasama ni Cyrus.

"Ano ba nasasaktan ako!" Sinabing wala ako sa mood ehh.

"Wag mo siyang sasaktan" Inawat ni Cyrus ang lalaki na humawak sa braso ko.

"Umalis na nga kayo, nangugulo nanaman kayo ehh" Pagtatanggol ni Jhana.

"Ikaw" lumapit sakin si Cyrus at sinenyasan niya ang mga kasama niya na hawakan ang mga kaibigan ko. Binulungan ako ni Cyrus.
" Kapag di mo tinanggap to may mangyayaring masama sa kanila, okay" Sabi niya habang nanggigigil. Inirapan ko siya at kinuha ang binigay niyang flowers

FALL IN LOVE IN FIRST KISSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon