CHAPTER 2
Pagkauwi ko ng bahay nakita ko si momshie na pinapalayas. Kaya tumakbo ako kaagad papunta sa kanya.
"Lumayas na kayo!" Galit na galit na sigaw ni aling Melda.
"Bigyan mo pa kami ng palugit, magbabayad naman kami" Nagmamakaawang sabi ni momshie.
"Oo nga aling Melda, isa pang pagkakataon. Magbabayad naman kami, kinapos lang kami ngayon" Paliwanag ko.
"Lumayas na kayo! naka ilang palugit na ako. Tsaka may bagong lilipat dito bukas. Kaya lumayas na kayo!" Binato pa niya saamin ang mga gamit namin tsaka siya umalis" Wala kaming ibang nagawa ni momshie kundi ang magligpit ng mga gamit namin. Ilang buwan narin kasi kaming di nakakapagbayad sa renta, siguro mga apat na buwan na. Yung pera kasi ni momshie binayad niya na sa tuition ko sa Templeton Academy. Kasalukuyan kaming nagpupulot ng mga damit namin sa kalsada. Biglang may pumarada ng kotse sa tapat namin. Bumukas ang pintuan ng kotse at may bumaba na napakagandang babae at isang lalaki, siguro mga kaidaran sila ni momshie. Lumapit sila saamin na parang awang awa.
"Stanley!" Sabi nung magandang babae. Alam niya pangalan ni momshie? Pangalan nga pala ni momshie ay Stanley at di siya babae kundi bakla. Nasanay lang kasi akong tawagin siya ng momshie kasi bilin niya. Napakabait ni momshie, siya ang tumayong nanay at tatay ko simula ng iwan kami ng tunay kong nanay, hahaha saklap ng buhay ko no. Tumayo si momshie ng tinawag siya ng babaeng iyon.
"Maegan" Pagtawag ni momshie sa pangalan ng babae at kaagad siyang niyakap nito.
"Long time no see, Stanley" Sabi nung lalaki na kasama nung Maegan. Nginitian lang siya ni momshie.
"Anong nangyare sa inyo, bakit kayo nagpupulot ng mga damit?" Tanong nung Maegan na nagaalala sa amin. Ang gulo sino ba sila. Bakit parang malapit sila kay momshie.
"Pinalayas kasi kami ng may ari ng bahay" Sabi ni momshie.
"Diba sabi ko naman sayo pag may kailangan ka huwag kang magdadalawang isip na mag sabi saamin" Pinupunasan nung Maegan ang luha ni momshie.
"Oo nga tama si Maegan. Dapat sinabi niyo saamin ito para matulungan namin kayo" Sabi nung lalaki.
"Doon muna kayo manirahan sa bahay namin habang di pa kayo makakahanap ng malilipatan, okay lang naman honey diba?" Agad naman tumango ang lalaki.
"Salamat Maegan at Robert" Momshie.
"Ohh ito naba si Karen?" Tanong ni ate Maegan. "Ang laki mo na ahh, ang alam ko magkasing edad lang kayo nung panganay ko. Call me tita Maegan tapos siya tawagin mo nalang din tito Robert okay?" Di na ako nakatanggi, sobrang bait nila saamin.
"Okay po" Tanging nasabi ko.
"Sumakay na kayo sa kotse" Sabi ni tito Robert. Sumakay na kami ni papa sa kotse.
May mga magaganda pa palang loob ngayon. Suwerte talaga buti dumating sila. Nakarating na kami sa bahay nila ay hindi sa mansion nila, napakalaki. Parang dreamhouse ko lang ahh."Yaya hatid mo na sila sa kuwarto nila"
"Opo ma'am" Hinatid ako ng yaya sa kuwarto ko. Sobrang ganda para akong prinsesa. Napakasaya. Inayos ko ang mga gamit ko sa loob ng kuwartong ito. Narinig kong may pumasok sa kuwarto.
"Hi dear" Sabi ni tita Maegan.
"Hello po" Tanging nasabi ko.
"Nagustuhan mo ba ang kuwarto na ito?" Tanong niya saakin. Halata sa kanya na napakabait niya.

BINABASA MO ANG
FALL IN LOVE IN FIRST KISS
RomancePapasok na sa school si Karen ngunit malapit na siyang malate kaya naman tumakbo siya sa abot ng kanyang makakaya hanggang sa may nabangga siyang isang lalaki. Isang sikat, famous at heart throb sa kanilang school. Nasa hagdan sila ng magkabangga si...