This story is based on what I imagined everytime I hear this song. I apologized on some grammatical errors and typos in my story.
[PLAGIARISM IS A CRIME! PLEASE give some respect to my story.]
E N J O Y ! ! ! ^_^
A Thousand Years (One-shot story)
WRITTEN BY: Niesxh a.k.a. topsy_turvy
ALL RIGHT RESERVED 2012
= = = = = = =
Endless life is a kind of life that I have. We are different from people around us. Maraming taon na ang nakalipas pero heto pa rin ako... nabubuhay sa aking nakaraan.
"Let's go Winter. Bumili na tayo ng food sa cafeteria." Hindi na ako umimik at sumama na kay Keylla para bumili ng pagkain dahil recess time na.
Si Keylla lang ang tanging kaibigan na meron ako. Hindi nya alam kung anong klaseng tao ako pero hindi na nya yun kailangan pang malaman.
Sa libo-libong taon na lumipas, ngayon lang ulit ako bumalik sa pag-aaral. Nung una kong nabasa ang pangalan ng paaralang ito ay hindi na ako nagdalawang isip na pumasok dito bilang third year high school.
Fortez High. Sa tuwing iniisip ko ang pangalan ng paaralan ko ngayon. Bumabalik ang mga nakaraan na kahit kailan ay hinding-hindi ko makakalimutan.
"Alam mo Winter, kung hindi ka lang naglilipstick baka iisipin kong vampire ka. The way you acted na parang walang emosyon. Tapos red eyes ka pa na parang naka-contact lens. Ganyan si Edward sa Twilight eh. Syempre, hindi naman talaga nag-eexist ang vampire diba? Hehehe." Sabi ni Keylla nang makaupo na kami galing sa pagbili ng pagkain dito sa cafeteria.
"Hindi ako naglilipstick." Walang emosyon kong sabi.
"T-talaga? Patingin nga?" Sabay hawak sa labi ko gamit ang daliri nya at tinignan nya agad ito.
"Wala ngang marka ng lipstick... ang pula-pula ng lips mo. Perfect na nga tingin ko sa'yo eh. Maganda at matalino pa. Kahit siguro hindi ka na mag-aral Winter eh. Halos alam mo na ang lahat." Nakinig lang ako sa kanya. Kumakain lang ako ng pagkaing binili namin kanina habang daldal lang ng daldal si Keylla. Sanay na rin sya na ganito ako, nakikinig lang.
"Nga pala Winter, bukas na ang prom night natin! Excited na talaga ako kasi masquerade party ang theme eh! ^_^ Basta pumunta tayo ha? As I promised, ako ang bahala sa'yo! Dadaanan na lang kita bukas sa bahay nyo ha? ^_^" Tama, bukas na pala ang prom night. Wala naman talaga akong balak pumunta. Makulit lang talaga si Keylla. I can go to that party without her help. Napilitan lang akong dumalo at umoo sa gusto nya para lang tumahimik sya.
"Ikaw bahala." Ang tangi kong sagot.
Naalala ko pa ang huling party na dinaluhan ko. Libo-libong taon na ang nakalipas.
-- FLASHBACK --
It was a bright full moon when Sunder and I went to the birthday party of Mr. Luke Montellos, my father. Sunder is my boyfriend. Alam kong natatakot sya ngayon dahil isa lamang syang normal na tao. Montellos's family is a vampire and yes, I'm a vampire but I love Sunder so much.
Pagpasok pa lang namin sa lugar kung saan dinadaos ang party, lahat ng mga mata ay nakatingin sa amin. Tuloy-tuloy pa rin kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kinaroroonan ng pamilya ko.
BINABASA MO ANG
A Thousand Years (One Shot Story)
Historia CortaHe loves me... even if I am a vampire...