Chapter#1

5 3 0
                                    

"Warrios kailangan nyo ng umalis at na sasayang lamang ang inyong panahon"

"Masusunod po"sabay sabay na wika ng apat na mandirigma ng Entire world.. yumoko ang apat tanda ng pag galang at  isa isang nag sipasokan sa portal patungo sa mundo ng mga tao..
  
Inatasan sila para sugpuin ang mga kapwa nila mandirigma na tumalikod sa kanilang pamumuno,na gustong sakopin ang mundo ng mga mortal..

¤¤¤¤¤¤
Sa isang sira sirang bahay ay bigla nalamang lumitaw ang mga mandirigma mabuti na lamang ay walang kahit na sino ang nakakita sa kanila.
    
"Wohh,ito na ba ang lugar ng mga tao"nanlalaking mata na wika ng isa sakanila  0__0
 
"hindi ko akalain na ako ay makakabalik sa lugar na ito"

"Tsk tayo ay humayo na at mag hanap ng ating masisilongan"

Nag simulang mag lakad ang apat na mandirigma hanggang napunta sila sa kalsada na kung saan ay maraming mortal ang napapatingin sakanila sa kadahilan na kakaiba ang kanilang mga kasuotan,samantalang ang mga kababaihan naman ay pawang kinikilig sa Anyo ng mga mandirigma na maitutulad mo  sa mga sikat na lalaking modelo ng bansa. ngunit hindi maiiwasan na pagtawan sila na wari'y moy galing costume party. Ngunit hindi naman ito pinapansin ng mga mandirigma at patuloy lamang sakanilang pag lalakad.........hanggang  sa nakarating  sila  sa  isang hindi kalakihang  bahay at may naka dikit na  puting papel sa  may bakod  nito na naka  lagay  na For rent.
   
"Ano kaya ang ibig sabihin ng guhit na yan "   mandirigma3

"Wag ka ng mag tanong wala kanaman kamuwang muwang eh"
mandirigma 4
 
"Ammpptt,,, eh kung isaksak ko ito sayo" sabay taas ng kaliwang kamay at waring nag liwanag ito sabay litaw ng isang espada.

Halos manlalaki ang mga mata na tatlong mandirigma sa ginawa nito,  mabilis din itinago ni Jacxiel mandirigma 3 ang kanyang sandata dahil may palapit na isang mantandang babaeng mortal.

"Mga iho,gusto nyo bang rentahan ang bahay na ito" ani ng matanda

"kung maaari sana" mandirigma 1 khero ang leader ng apat

"nako oo naman"sabay ngiti ng matanda,basta ba magbigay kayo ng paunang bayad" dungtong pa nito..

nalilito man si jacxiel ay hindi nalang ito nagsasalita.
 
maya maya ay may kinuha si khero sa bulsa ng suot nitong damit,isang Kapirasong ginto na nag palaki ng mata ng matanda.
inilahad ni khero ang kamay na may hawak na ginto sa mantada, mabilis pa sa Alas kwatro na kinuha ito ng mortal na pawang naka ngiting aso,,

"nako!ito ang susi maaari na kayong pumasok" natatarantang Iginaya ng matanda ang apat papasok ng bahay.

Pagkapasok palang ng apat sa loob ng bahay ay agad nilang nilibot ang loob nito,meron itong isang sofa at katapat nito ang isang maliit na belog na mesa may dalawang kwarto at hindi kalakihan na kusina at Cr.

   

Imortal's Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon