Babalik at babalik.
Ang pluma'y sa papel muling hahalik.
Mga letrang pilit iwaksi'y mananatili,
Upang buhayin ang pusong nais manahimik.
Pinilit mo mang tumakbo't lumayo,
Tanikala ng nakaraan mananatiling nakagapos.
Hindi mo matatakasan,
Hindi mo maiiwan.
'Pagkat minsan sa buhay mo,
Ipinagkasundo mo ang iyong talento ---
Kapalit ng kalayaan ng iyong mga ideya
Ay ang walang tigil mong pagmamahal sa pagsusulat.
-ds-
BINABASA MO ANG
Minsan Ako'y Nagsulat ng Tula
PoetryMadalas, habang nakatitig sa kawalan, dumadaloy ang mga salitang nagmumula sa kasuluk-sulukan ng isip. Mga salitang bumubuo ng mga ideya. Madalas, lumalabas ito sa paraang makulay, maiksi at may ritmo. Hindi ko man ito kalakasan bilang nangangar...