TITLE: She's Just My Alipin
Date Made: May 21, 2019--
"Uy andyan na sila."
"Ang ganda talaga nila, sexy pa!"
"Padaanin nyo! Padaanin nyo!"
"Pa autograph naman po!"Iilan lamang 'yan sa mga naririnig ko tuwing dumadaan kami sa hallway ng aming campus. Malayo palang kami ay nakaabang na ang maraming tao upang purihin at magbigay daan sa dalawang naggagandahang dilag dito sa aming paraalan, sina Keesha Alfonso at Ayra Evasco.
At ako lang naman si Faye Juaniza, ang alalay nilang dalawa. Oo, alalay. Ganon sila kayaman at kasikat para kumuha pa ng alalay. At ang malala don, AKO PA TALAGA ang napili nilang gawing utusan.
-BEST FRIENDS. Iyan ang turingan namin ni Ayra sa isa't isa. Simula pagkabata ay mag kasama na kami, 'yon ay dahil hindi ko lang sya kaibigan, kun'di kinakapatid rin. Sanay na kaming magkasama sa lahat ng bagay, sa kahirapan man o kaginhawaan. Lahat ay 'di namin alintana, basta mag kasama lang kaming dalawa.
"Faye! Andyan si Ayra," sigaw sa'kin ng aking ina sa kalagitnaan ng aking pagkain.
Tumayo kaagad ako at tumakbo patungo sa pintuan.
"Hi ay-ay!" Masigla kong salubong sakanya.
"Hi rin ey-ey!" bati nya pabalik.
Yun ang tawagan naming dalawa, 'ay' sakanya, at 'ey' naman sa akin.
"Ano'ng ginagawa mo ey?" Tanong nya sakin.
"Kumakain ako, tara kain tay--" bigla akong napatigil.
"Bakit ey-ey?" nagtataka nyang tanong.
"Tuyo lang kasi ang ulam namin, kumakain ka ba non?" kamot-ulo kong tanong sakanya.
Tumawa naman sya.
"Baliw to, oo naman! Masarap kaya yan! Tara kain tayo!" sabi nya, habang papunta na sya sa lamesa kung saan nakalagay ang mga pagkain.Binigyan ko sya ng plato at kanin, kumuha na rin sya ng tuyo at sabay kaming kumain.
Napatingin ako sakanya. Nagkakamay sya kahit alam kong di sya sanay do'n, kaya napangiti na lang ako at mayroon akong kaibigan na katulad nya.
Si Ayra ay mula sa isang mayamang pamilya. Lumaki sya sa States, at halatang halata iyon sa kanyang kilos, itsura, at pananalita. Samantalang ako, kailangan pang kumayod at dumiskarte para lang makahanap ng makakain at pampakain sa buong pamilya.
Masaya ako at nararanasan kong matikman ang masasarap na pagkain, nakakapunta ako sa magagandang lugar at nararanasan kong maging mayaman, kahit saglit lang. At iyon ay dahil kay Ayra.
"Ey-ey!!!!" masayang banggit ni Ayra sa aking pangalan, habang tumatakbo patungo sa'kin.
"Oh bakit? Ansaya mo ata ngayon ah"
"Guess what? Nililigawan ako ng isang Jacob Reyes!!!" masigla nyang sabi, at kitang kita sa kanyang mata ang kasiyahan.
"Weh? Jacob? Yung campus heartthrob? Wow!! Congrats!!!" masigla ko ring sabi, habang niyayakap sya.
Pero sa totoo lang, hindi ako masaya. May gusto ako sa Jacob na 'yon. Sino ba naman ang hindi maiinlab don? Campus heartthrob nga diba. Pero di naman na problema 'yon. Kayang kaya kong ipaubaya 'yon kay Ayra. Marami pa namang lalaki dyan. Ang kinatatakutan ko lang, na kapag naging sila, sisikat sya, at makakalimutan nya na 'ko.
Days passed, nalaman kong sila na nung Jacob. Masaya ako para sakanya, pero napawi ang sayang iyon nang makita ko syang papalapit sa'kin na may kasamang babae, mukhang yayamanin katulad nya.
"Faye," tawag nya sa pangalan ko. Napatigil ako at napatitig sakanya. Unang beses palang nya akong tinawag sa pangalan ko, at unang beses palang tong nangyari na 'di masaya ang pagbati nya sa'kin.