Prologue

20 0 0
                                    

Nandito ako sa tapat ng salamin. Tinitignan ko kung ayos na ba ako tignan.

'Pwede na to' saad ko sa isip ko

Umalis na ako sakay ng kotse ko habang nag mamaneho ako nakikita ko ang mga taong galing sa college na masayang naglalakad,may mag isa lang,meron namang kasama kaibigan nila,meron namang teacher's pet at higit sa lahat di mawala ang kasama ang jowa nila.

Ng makarating na ako sa pinuntahan ko ay agad na akong bumaba sa sinasakyan ko.

Hinanap ko sya sa maraming tao ngunit nabigo akong hanapin sya. Nag lakad ako ng kaunti ng biglang may humila saakin at dinala ako sa madilim na lugar!

"Anong ginagawa mo dito!" Galit na saad nya saakin ngunit tinignan ko lang sya.

"Alam mo pag tinatanong kita di ka na nga sumasagot walang kwenta pa pinapakita mong expression!" Inis na saad nya talaga dahilan para matawa ako.

"Bat ka natatawa? Ano bang nakakatawa sa sinabi ko?!" Saad nya

"Ang cute mo kase pag nagagalit ka,namumula ka ehh" saad ko sabay kurot sa pisnge nya dahilan para mag iwas sya ng tingin saakin na ikinatawa ko ulit.

"A-ano ba t-tawa ka ng tawa" saad nya.

"Ano bang ginagawa mo dito?" Saad nya ulit at napangiti naman ako dun.

"Sabi ko naman sayo,hanggat di ka nag nababagi hindi kita titigilan kaya kung ayaw mo ko makita maging mabuti ka na lang." Saad ko sa kanya

"Bakit mo ba ginagawa yan ha! Bakit mo ko binabago??! Ano ka ba talaga." Saad nya dahilan para mapaseryoso ako.

"Gawin mo nalang sinasabi ko at wag ka ng matanong!" Nanlilisik na matang saad ko sa kanya dahilan para magulat sya. Magsasalita na sana sya ngunit umalis na ako agad at sumakay ng kotse.

-End of Prologue-
#

Fallen Angel inlove with Bad Boy (On Going)Where stories live. Discover now