Start

12.1K 249 28
                                    

Start

--

"Buntis ka?"

Halos mapatalon ako sa sobrang gulat nang biglang bumungad si Tita Fely sa harapan ko.

"Ti-tita sorry po. . ." Nanginginig kong kinuha ang kamay ni Tita para mapakinggan niya ako ngunit hindi ko pa man iyon nahahawakan ay tinapik niya na kaagad ang kamay ko.

"Sinasabi ko na nga ba! Walang magandang dulot sa 'yo ang lalaking 'yon!" galit niyang sigaw sa akin.

Napaiwas ako nang bigla niyang sampalin ang kaliwang pisngi ko.

"Tingnan mo, sinira niya ang buhay mo! Ang tigas-tigas kasi ng ulo mong bata ka!" muling sigaw niya sa akin.

"Ti-tita, tama na po!" Pagmamakaawa ko dahil ayaw niya akong tigilan sa pagsampal.

"Mahal po ako ni Andrew, alam ko pong papanagutan niya ako at ang baby namin." Lakas-loob kong sabi. May tiwala ako sa boyfriend ko, at alam kong tatanggapin niya 'to.

"Mahal? Nagpapatawa ka ba, Sydney? Hindi mo kilala ang ugali ng mga mayayaman! Paano ka nakakasigurong tatanggapin ka ng lalaking 'yon, ha? Hindi ka ba nag-iisip?" gigil niyang sabi.

"A-aray! Tita tama na po!"

Muli kong pagmamakaawa kay tita nang itulak niya ako ng malakas.

"Lumayas ka dito! Layas!" pagtatabuyan sa akin ni Tita Fely.

"Tita, papatunayan ko po sa inyo na mabuting tao si Andrew." paninindigan ko.


Tumayo ako para muling kumbinsihin si tita na matatanggap ako ni Andrew.

"Sige, patunayan mo! Siguraduhin mo na pakakasalan ka ng lalaking 'yon. Dahil kapag hindi, huwag ka nang umasa na pababalikin pa kita dito, naiintindihan mo ba?" sabi niya pa.

Matapos akong itapon ni Tita sa labas ng gate ay kaagad akong pumara ng tricycle. Kailangan kong puntahan si Andrew, kailangan niyang malaman na magkaka-anak na kami.

"Manong, dito na lang po!" sabi ko sa tricycle driver.

Nang makababa ako ng tricycle ay kaagad akong kumatok sa dorm ni Andrew.

Michael Andrew Claveria, ang nag-iisang anak ng mayamang pamilya Claveria. He's an engineering student. Third year college na siya samantalang ako naman ay graduating sa Senior High.

Nagkakilala kami noong grade eleven ako, siya naman ay second year, and we're on a relationship for almost a year. Sa susunod na buwan na ang aming first anniversary, and I think, magandang balita at regalo para sa amin itong baby sa sinapupunan ko.

"Sydney? Wh-what are you doing here?" Kabado at gulat na gulat ang ekspresyon niya matapos niya akong pagbuksan ng pintuan.

"Pu-pwedeng pumasok? May importante akong sasabihin sa 'yo Andrew. . ." Kinakabahan at hinihingal ko pang sabi. Sinubukan kong ipasok ang sarili ko sa loob ngunit buong pwersa niyang iniharang ang katawan niya sa pintuan.

"Sydney, wait!" pigil sa akin ni Andrew nang subukan kong itangkang ipasok ang katawan ko sa pintuan.

"Ba-bakit? May problema ba?" Nauutal kong tanong. Pakiramdam ko'y muli na namang namumuo ang mga luha ko, at anytime ay pwede na naman itong tumulo.

"Babe, who's there?" tanong ng isang babae.

Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses ng babae na iyon.

"Sandali, sino 'yon? May kasama kang babae dito?" dismayado kong tanong.

Pilit kong isinisiksik ang sarili ko sa pintuan para tingnan kung sino ang babae.


"Oh, hi?" bati nito sa akin.

Natigilan ako nang bumungad sa akin ang isang magandang babae. Bagong paligo lang siya dahil basang-basa pa ang mahabang buhok niya. Tanging puting tuwalya lang din ang nakatakip sa katawan niya.

"I'm sorry. . ." nakayokong sabi sa akin ni Andrew.

Tuluyan nang bumagsak ang mga luha ko sa aking mga mata. So, maybe it's my karma. Karma ko na siguro 'to dahil sa hindi ko pagsunod kay Tita Fely, right?

"Andrew, bakit?" nanghihina kong tanong.

"We're getting married." Simple at mataray na sagot ng babae na hindi ko alam ang pangalan.

Lalong nanghina ang buong katawan ko nang ipakita nito ang engagement ring sa daliri niya.

Nakatingin lang ako kay Andrew habang tuloy-tuloy ang pagdaloy ng mga luha ko. Hindi ko mabasa ang emosyong mayro'n sa mga mata niya, ngunit isa lang ang nasisigurado ko, at iyon ay totoo ang lahat ng sinasabi ng babaeng kasama niya rito sa apartment niya ngayon.



"I. Hate. You!" mahina ngunit buong tapang kong sinabi sa pagmumukha niya.

Sinubukan kong sampalin si Andrew ngunit nang akmang i-aangat ko na ang kamay ko ay nanatili lang itong naka-angat, hindi ko siya magawang sampalin kahit na ang sakit-sakit nitong ginawa niya sa akin.


"I'm sorry, Sydney. Umalis ka na!" pagtataboy niya sa akin.


Huling salitang sinabi niya bago niya tuluyang isinara ang pintuan ng apartment niya.

Wala na akong nagawa kundi ang iiyak lahat ng sakit na nararamdaman ko.

"Baby, promise ni mommy na aalagaan at palalakihin kitang masaya. Hindi ko ipaparamdam sa 'yo na may kulang sa 'yo. Kahit na- wala kang amang makikilala dahil niloko niya ako. Hindi niya ako binigyan ng pagkakataon para sabihin sa kanya ang pagkabuo mo." pagkausap ko sa baby ko sa loob ng sinapupunan ko.

Pinahid ko ang mga luhang bumabasa sa pisngi ko. Pagkatapos ay taas-noo kong nilisan ang lugar na mula ngayon ay kasusuklaman ko na.


"I hate you, Michael Andrew Claveria! Pinapangako kong pagsisisihan mong niloko mo ako! I hate you!"

My Ex-Boyfriend's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon