Chapter 25

6.9K 166 6
                                    

The Promise of Forever

--

"For you," Nagulat ako ng abutan ako ni Drew ng tatlong pirasong plastic na bulaklak. Alam kasi niya na magbuhat pa noon ay allergic ako sa amoy ng kahit na anong bulaklak.

Kaagad nasuklian ng ngiti ang aking pagkagulat habang kinukuha ko sa kamay ni Drew ang tatlong piraso ng mga bulaklak.

"Thank you." Nakangiti kong sabi ng tuluyan ko nang mahawakan ang bigay niya.

"Anything for you." Sweet niyang sagot na ikinakilig ko.

Narito kami ngayon sa park, hinihintay namin sila Michelle at Sunny. Ang sabi kasi ni Michelle ay susunod na lang siya sa amin ni Drew dahil may pupuntahan raw kami.

Isinama niya na si Sunny dahil magbuhat no'ng ipinakilala namin ni Drew si Sunny sa kanila ay halos hindi na siya pakawalan ni Michelle. She really loves her niece that much, to the point na minsan halos nakikitulog pa siya sa bahay para lang makasama si Sunny.

"Saan ba talaga tayo pupunta, Drew?" Nakanguso kong tanong sa kanya. Halos kalahating oras na kasi kami dito sa park, kakahintay kay Michelle subalit heto at wala pa rin.

"Basta." Seryosong tugon niya. Napasimangot na lamang ulit ako. Ang totoo kasi ay nababagot na ako dito dahil wala si Sunny na mangungulit sa akin.

"Stop pouting." Seryosong sabi niya ng hindi tumitingin sa akin.

"Luh, bakit?" Pagtataka ko.

"Psh." Napabuga na lamang ako ng hangin. Ito talagang si Drew, ang hirap intindihin minsan. Minsan kasi sweet siya, tapos minsan naman bossy.

"Sino ba 'yang katext mo?" Bahagya akong sumilip sa phone niya para tingnan kung sino ang kausap niya dahil kanina pa kunot na kunot ang noo niya habang nakatingin dito. Subalit kaagad niya itong inilayo sa akin na tila ba may tinatago siya.

"It was nothing." Malamig niyang sagot bago tumayo mula sa damuhang kinauupuan naming dalawa at tuluyang lumayo sa akin.

"Problema no'n?" Naitanong ko na lamang sa sarili ko.

Dahil busy naman si Drew at talagang nababagot na ako rito kaya magkukwento na lang ako ng mga nangyari sa buhay ko sa nakalipas na dalawang buwan.

It's December fifteenth today, which happened to be my 23rd birthday. Wala namang ganap ngayon dahil nasa ibang bansa si Mama at Papa para um-attend ng seminar. Last week pa sila umalis at sa susunod pa na linggo ang balik nila.

Sa nakalipas na dalawang buwan, ang daming nagbago. Naging kompleto na ulit ang pamilya ko at masaya akong kasamang naninirahan sila mama, papa at ang anak kong si Sunny.

Samantalang si Drew naman ay araw-araw ang pagbisita sa amin ni Sunny, at sa araw ng Sabado at Linggo naman ay lumalabas kaming tatlo, minsan kaming buong pamilya sa side ni Drew at sa side ko.

Sa loob ng dalawang buwan, masasabi kong ako na 'yong pinakamasayang tao sa buong mundo dahil sa daming blessings na natanggap ko sa kabila ng mga paghihirap na pinagdaanan ko sa mga nagdaang taon.

God is really good!

Si Tita Fely naman ay nananatili sa kalungan, at ang asawa naman nito ay ipina-deport sa Pilipinas. Tinanggalan ito ng karapatan para hindi na muling makapasok ng bansa.

Samantalang si Belle naman ay ipinagpatuloy ang pag-aaral niya. Nasa Russia siya ngayon para doon ayusin at simulang muli ang buhay niya. I told her to stay with us, kasama si mama at papa ngunit masugid ang pagtanggi niya.

Gusto niya raw maging independent kagaya ko. Gusto niyang mamuhay mag-isa na walang inaasahang iba kundi ang sarili lamang niya. Since it was her decision, kaya wala na akong nagawa kundi ang maging masaya na lang para sa kanya at ibigay ang aking suporta.

My Ex-Boyfriend's ComebackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon