DISCLAIMER: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
This story does not associate with universities, resorts, etc.
~~~
"No, Darya. I'm not going." I pushed my cousin lightly dahil hawak niya ang kamay ko at ang susi ng sasakyan.
She wanted me to go with her sa rest house namin sa Vigan and also to watch games.
"Sorin Alouette! I just wan-" I cut her off when she called me by my first and second name then she dropped my purse at kumalat ang mga gamit ko.
"Woah! Stop there, Darya Nesrin. You don't have to call me that," telling her while getting my purse, well was about to, when she saw the flyer of Palarong Pambansa.
"Wait, akala ko ba hindi ka manunuod?" She smirked and continued. "Well, I guess you're going with me?" Pangungulit niya pa rin sa'kin.
"Well, I'll watch Paulo's game, Dar. Kung anu-ano ang iniisip mo," I then hurriedly fixed my stuff and got out from Blue Jays leaving my cousin behind. Baka may ime-meet pa siya knowing hindi siya sumunod sakin.
Nang nasa loob na ako ng Raptor, I crumpled the flyer and tossed it to the back seat. Darya really can't move on from him. Parang siya pa yung naging girlfriend. It's been four years.
I sipped on my iced coffee while a white Raptor parked next to mine. May kargang surfboard sa taas. I find it cool for we have the same car accessories, except for the color.
Tumawag ako kay Kuya Baste para i-ready ang gate pag uwi ko. After the call ay ang pagbaba ng isang lalaki sa driver's seat na siyang pag-alis ko rin. I played Frank Oceans' songs while driving home.
Saktong pagdating ko sa beach house ay dumating na raw ang bagong surfboard ko kaya't si Kuya Baste na lang ang pina-park ko ng sasakyan.
"Morning anak, s'an ka galing?" Bati ng Mommy nang makapasok ako sa bahay. She just had her breakfast siguro dahil umiinom na siya ng kape. Nakaalis na siguro si Daddy.
"Morning po," bati ko pabalik at bumeso. "Blue Jays lang naman po at nakipag-usap kay Darya."
"She's here? How about Paulo?" Tanong ni Mommy.
"Yes, my. May training pa po ata, getting ready for the game."
"Well, manunuod ka ba?" Mommy asked without having an eye contact.
"For Paulo's game, I will. I'm going na po," paalam ko at pumunta sa taas para magbihis.
I picked out a red one piece swimsuit to match my surfboard at naglagay muna ng black na cover up. Plain red lang ang surfboard pero nagpa engrave ako ng intials sa deck na kulay itim which I do everytime na magpapagawa. Pinalagyan ko na ito ng wax kay Kuya Baste. Naglagay na rin ako ng sunblock at sinuot ang anklet.
Sinilip ko ang dagat mula sa bahay and the waves were great dahil Summer dito sa La Union at marami na din ang mga turistang dumadayo para mag surf.
"Feels great to be back," sabi sa sarili habang sinusuot ang leash bago tahakin ang dagat.
Sumakay muna ako sa surfboard hanggang paparating na ang isang baby wave at tsaka pagtayo ko. Ilang ulit ako nakipaglaban sa mga alon hanggang sa mapagod at umahon na.
I watched foreigners doing their stunts while some of them ay naliligo lang at naglalaro ng beach volleyball. Kinuha ko ang towel at nilagay sa balikat ko while sipping on my mango shake.
"Mas matao ngayong araw, Riri. Nangan kan?" Tanong ni Manang Lysa habang nililigpit ang mga gamit ko.
"Haan pay, Manang. Sabay na lang kami nila Mommy mamaya," inalis ko ang leash sa paa at tinali ang buhok ko.
"May gwapo akong nakita kanina, Ri. Parang may kamukha iyon," ngumingiti at parang kinikilig na sabi ni Manang. "Agalluadka, Ri, baka mapano ka sa kaka surf mo."
"Salamat, Nang," Nginitian ko si Manang at nagpaiwan na muna. I captured the beautiful sunset and captioned it "Napintas ka" which means "You're beautiful" and posted it on my story.
Habang nag sc-scroll sa Instagram, nakikita ko rin ang mga kaibigan kong nag be-beach and it made me smile. While watching the waves, it somewhat reminds me of my childhood and happy moments with my friends and with him.
After I messaged a resort for a reservation ay niligpit ko na rin ang mga natirang gamit and call it a day. Sa kagustuhan kong mag beach, yayayain ko sina Darya at Paulo bukas na samahan ako.
"Hindi ganyan, Steph," rinig kong tawa sa kalayuan. "Don't be nervous." Naka topless ito at naka talikod sa akin.Pang athlete ang katawan at moreno. Tinuturuan niya ang isang babaeng beginner ata sa surfing.
I shook my head sa iniisip. "Uso move on, Ri," sabi ko sa sarili at inaakalang siya iyong iniisip ko habang papasok sa gate ng bahay.
"Am I doing it right, Kai?" Tanong ng babae na dahilan ng paghinto ko sa paglalakad. Tumalikod ako sa pangalang narinig.
"Yes. Yes you are." Sagot ng lalaki habang nakatingin sa sa akin. I noticed the surfboard na nakatayo sa gilid niya and it was from a white Raptor na nakita ko kanina sa Blue Jays.
It's his. The surfboard, the baseball gloves from the side and the duffel bag with the initials KTC.
Kai Torryn Cariño. My Palarong Pambansa ex. Damn. So hot in here.
![](https://img.wattpad.com/cover/240798731-288-k951065.jpg)
BINABASA MO ANG
Palaro Series #1: Home Run
RomancePalaro Series #1 Palarong Pambansa baseball player and pitcher Kai of Region VI came back to his hometown in La Union days before their game in Vigan and did not expect to catch feelings to his teammate's cousin Sorin, surfer in La Union and a stude...