Habang nag-uusap ang tatlo, Darya, Paulo at Kai, ay inaliw ko ang sarili sa paglalaro ng Among Us, ako pa yung impostor. Madami rin akong nalaman tungkol sa kaibigan ni Paulo. One, half Irish siya at Kelly and middle initial. Two, sa Boracay sila nakatira kahit Dad niya ay isang Ilokano. Three, sa Iloilo siya nag-aaral which nabigla ako kasi napakalayo pa ng school niya.
"Nasaan pala parents mo, Kai?" Tanong ni Darya.
"Nasa casino bro," tanging sagot ni Kai at ininom ang Heineken. Mag-oorder pa sana siya ng mai-inom lalo't nandito na kami.
"No need. We're not allowed to drink," sabi ko sa kaniya at tumayo. "Mauna na ko sa kuwarto, Darya, Pau," sabi ko sa mga pinsan dahil nilalamig na.
"Loosen up, Sorin," sabi sa'kin ni Kai habang nagce-cellphone na. Parang close na kami at puwede na niya 'kong sabihan ng ganiyan.
"No thanks, Kai. I'm good. Mauna na 'ko sa inyo, enjoy and please huwag na uminom," paalam ko sa kanila.
Bago ko pa nga lang nga siya nakilala ay first name basis na kaagad kami. Ang ganda ko naman ata.
"Sunod na lang kami mamaya, Riri!" pahabol na sabi ni Darya sa'kin, naitawag pa ang nickname
ko. Ukininam.
Naligo ako at bumihis dahil gusto ko pang maglakad lakad sa resort na ito. Pupunta na lang siguro ako sa Fira pool side. Nagsuot lang ako ng black racerback top at high-waisted denim shorts. Nag spray lang ako ng perfume at kinuha ang phone, airpods at wallet ko. Bago pa man ako makalabas ay pumasok ang mga pinsan ko.
"Oh. Saan ka pupunta?" tanong ng medyo lasing kong pinsan. Tinutulungan na lang siyang makatayo ni Paulo.
"Sa pool side lang. Magpapahangin,"sagot ko sa kaniya habang papunta na siya ng banyo.
"Matutulog na naman 'yan mamaya pagkatapos niyang maligo, Ri. Ako na bahala. Gusto talaga uminom eh," sabi ni Paulo sa'kin.
"Ikaw sana binabantayan niyan ah," patawang sabi ko sa kaniya at tinapik na lang siya sa balikat.
Habang naglalakad ay ngingitian ako ng mga crew ng resort kaya sinuklian ko rin sila. Kaunti lang ang maalala ko dahil matagal-tagal na rin akong 'di nakapunta rito.
Pumwesto ako sa pinakadulo ng pool side na malapit din sa dagat. Full moon ngayon at makikita ang mga bituin. Kaunti na lang ang taong naliligo sa pool at ang iba nama'y nag na-night swimming sa dagat.
Nag order ako ng watermelon shake at sinuot ang airpods. I played Redbone by Childish Gambino on repeat. I don't know pero favorite song ko talaga ito.
I was watching the sky at the moment. I decided to take a pic of it and posted it on my Instagram.
sorin.alouette: 23:11 Let's watch the stars fill the night with magic. -Christy Ann Martine.
![](https://img.wattpad.com/cover/240798731-288-k951065.jpg)
BINABASA MO ANG
Palaro Series #1: Home Run
RomancePalaro Series #1 Palarong Pambansa baseball player and pitcher Kai of Region VI came back to his hometown in La Union days before their game in Vigan and did not expect to catch feelings to his teammate's cousin Sorin, surfer in La Union and a stude...