Sa lahat ba naman ng pwedeng malasin bakit kami pang napakahirap hirap! Diko na alam nahihirapan na ako kasi everytime na may nangyayari wala akong magawa.
" eunice, okey lang yan siguro naman maaayos din ang lahat" alo saakin ng mga kaibigan ko.
"oo nga naman eunice, ngayon pa ba? Malapit na yung birthday mo kung makangawa ka dyan." ginatungan pa ni tong si alejandro nakakainis.
At dahil nga sa napakadaming projects, at mga requirements na kailangan gawin bumagsak ako. Kasi may mga requirements akong hindi na i-pass dahil sa kakulangan sa pera.
Kaya naman nagalit saakin si papa nun, bakit daw may palakol ako dapat daw wala kasi sayang yung pinangpapa aral niya saamin grabe ka eunice ang galing mo talaga.
Sobrang lungkot ko nung mga sumunod na araw, diko na alam kung paano lumilipas ang araw ko na puro tawa sa paaralan at puro kalungkutan sa tahanan.
Pagdating ko ng bahay sakto dumaan muna ako sa tindahan at bumili ng kendi para sa mga kapatid ko. At ako ang nasorpresa dahil tagibang na ang bahay namin wala na bumaba yung bahay namin.
Dun pa lang, nung mga oras nayon ayoko ng mabuhay gusto ko na lang tapusin ang buhay ko dahil hindi kona kaya.
Sabi ng kapitbahay namin lumindol, pero ang totoo niyan? Sinuro ng kalabaw yung bahay namin, akalain mo yun yung bagyo hindi nagiba yung bahay namin pero yung kalabaw gogogo?
#linDOLL
#CARABAOQUAKE🐃🐃🐃
BINABASA MO ANG
Maikling kwento [on-going]
Short StoryThe story of a young girl, who fall inloved in the age of 15.