Five

383 8 9
                                    

Five

Aw..

Ang sakit ng batok ko..

Magkaka stiff neck pa yata ako ah. Tsk.

Teka?!

Asan ako??!

Nanlaki ang mga mata ko nang ma-realize kong wala ako sa bahay. Pinagmasdan ko ang paligid ko. Madilim. Mag-isa lang ata ako.

Feeling ko nasa warehouse ako.. mayroong dilaw na ilaw sa tapat ko na bahagyang gumagalaw-galaw. Yung mga nakikita ko sa movies kapag pinaaamin ng pulis ang isang salarin. Tatayo sana ako pero doon ko napagtantong nakatali sa likod ko ang mga kamay ko,  ang mga paa ko ay nakatali rin pero sa harap ko lamang. Mahigpit ang pagkakatali sa akin, at hindi talaga ako makakaalis mula dito.

So para nga akong nasa pulisya. Pero since nakagapos ang magaganda kong kamay at paa, ihahalintulad ko ito sa kidnapping.

Psh. Kidnapping pa ang peg. =__=

O_O

T-teka?!

Alone?

Feeling ko nasa warehouse ako?

Ilaw na gumagalaw-galaw?

Kidnap?

Kidnap?!

K-kidnap?!!!

WAAAAH! >(@_@)<

Eh diba mayayaman lang ang kinikidnap?!

Eh hindi naman ako may---- >_<

Pero hindi naman kami ganun ka-ya----- >_____<

Pero---- *Tok tok tok*

Narinig ko na may naglalakad papalapit sa akin. Kinakabahan ako kasi madilim, hindi ko maaninag kung sino ang papalapit sa akin.

“S-sino yan?” pagmamatapang kong tanong kahit natatakot na ako.

No Response.

*Tok tok tok*

Nararamdaman ko na ang presence ng unknown creature na ito na malapit na siya sa akin. Huminto ito sa may ilaw at laking gulat ko nang maaninagan ko ang taong tumambad sa akin. Instant, naghau-halo ang emotions ko.

Hindi ko mawari kung ano ang nangyayari ngayon. Kung bakit ganito ang nangyayari ngayon.

Mula sa aking mga mata, naguunahang magsi-agusan ang mga maaalat na likido sa aking magkabilaang pisngi. Naguguluhan ako. Anong nangyayari? Bakit ganito?

Bakit Siya?

“Finally, you’re awake” aniya.

“Bakit?”

Ngumiti lamang siya sa tanong ko. A smile without emotion.

Lumapit siya lalo sa akin. Hindi pa nakuntento, inikutan pa ang inuupuan ko habang hinahaplus-haplos ang buhok ko.

“BAKIT?!” sigaw ko. Gusto kong kumawala sa sa pagkakagapos at harapin siya ng ayos pero masyadong mahigpit ang pagkakatali ng mga ito sa  akin.

“Wala. Galit lang ako sayo” Sabi niya na hindi na ngumingiti ngayon.

Hindi ako makapaniwalang nagawa niya sa akin ito. Ni wala rinn akong maalalang nagawang kasalanan sa taong patuloy na naglalakad paikot sa upuang kinagagapusan ko.

“Tell me, anong nagawa ko? Bakit kailangang umabot sa ganito?!”

“Hindi ko din alam eh. Basta ang alam ko lang, galit ako sa’yo. Pwede na bang reason yun? FATE? Tss.”

Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Kung anong nararamdaman ko bukod sa takot sa nilalang na ito. Nanghihina ako, gusto ko nang mag-breakdown. Naguguluhan ako, ayaw pumasok sa utak ko ang nangyayaring ito.

Natatakot ako sa kanya ngayon, para bang hindi siya ang kaharap ko.

Hindi siya ito! Panaginip – bangungot lang ito. Hindi ito totoo. Hindi!

“Hindi ito totoo! Hindi ikaw ang Fate ko! Hindi ikaw si Fate! Impostora ka lang! Kilala ko siya, hindi niya magagawa sa akin ito! Hindi!” Sigaw ko habang patuloy sa pagluha. Ayokong isipin na totoo to. Ayoko!

“Ibig sabihin lang nun ay hindi mo pa talaga ako kilala..” *smirk*

Gusto kong magalit sa kanya pero hindi ko kaya. Hindi ko alam. Natatakot ak, oo. Sobra. Hindi ko alam kung ano ba talagang gagawin niya sa akin.

“Gally… Bakit kailangang umabot sa ganito? Ano ba talagang ikinagagalit mo sa akin? May nasabi ba akong masama sayo naa na-down ka? Mag-usap tayo. Ayusin natin to. Gally…” pagsusumamo ko.

“Ayokong makipag-usap sayo! Walang dapat ayusin! Walang aayusin!” Mataas ang boses niyang sabi. Huminto siya sa pagikot at humarap sa akin. Tumambad sa akin ang mga mata niyang nagbabaga sa galit. Maya-maya’y ngumiti siyang muli at..

*CHUP*

Hinalikan niya ako sa magkabilaan kong pisngi.

“That’s my version of Judas’ Kiss. I’m not sorry for doing these to you. I’ll never be” Lumayo siya ng kaunti sa akin at tumalikod. Para bang may kinukuha siya sa dilim. Nang humarap siya, tumodo ang takot na nararamdaman ko. Parang kinukurot ng pino ang puso ko, parang tinutusok ng sangkatutak na patalim.

Bakit?

Dahil may hawak siyang baseball bat.

Yung customized baseball bat niya na favorite niya.

Na ako ang nagregalo sa kanya noong birthday niya..

Iniangat niya ito sa ere at handa nang ipalo sa ulo ko iyon. Sigurado ako doon. Siguro nga matindi ang galit niya sa akin.

Sumisikip na ang dibdib ko kaiiyak.

“May you rest in peace, Heartofa

Ipinikit ko ng mariin ang mga mata kong maga na sa kaiiyak. Iniyuko ko ang aking ulo at naghihintay sa palong matatamo ko galling sa kanya.

-----------------------------------------

shemay! haha. ayan po muna. nalulugaw ako eh, haha :DD

kailangan ko muna magpractice ng english. Good news, medyo nagi-improve na ako although I just started last Saturday. haha! COOL :DD

sorry talaga if bitin. enjoy!

lololoooooooooove :* 

I'm DyingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon