PROLOGUE
Vivianne’s POV
Eto ako ngayon nakatulala sa mga maiiwan kong ala-ala dito sa bahay namin. “hayst, lola lolo aalis na po ako, sabi nyo nga kailangang ituloy ang buhay kahit anong mangyari.” Patay na kasi sila dahil sa katandaan.
Ako nga pala si Vivianne Levista syempre babae ako halata naman sa pangalan eh 17 years old. Kung nagtataka kayo bat andito ako sa bahay nila lolo at lola dahil lang yun sa ina kong mabuti at iniwan ako. Duuh nakakairita at the same time nalulungkot din ako.
Luluwas nga pala ako papuntang maynila ngayon, doon na ako mag a-aral at mag ta-trabaho din para may pang tuition fee. Alam kong mahirap pero kayanin kasi para mabuhay ako noh duhh.
Kinuha ko na ang dalawa kong bag na binili pa ni lola noon sa palengke at lumabas na ng bahay.
Pag labas ko naman nakita ko ang lahat kong kapit-bahay na nag aabang saakin. “Vivi mag ingat ka don ha, kung may umaway sayo don reresbakan naming ng tropa ko” sabi ng isa kong kaibigan na lalake na may mga tropang parang mamamatay tao MWEHEHE. “Salamat kim, kayo rin dito. Aalis na ho ako baka di ko na maabutan ang bus.”
Nang nakarating na ako sa may bus agad akong sumakay dala ang mga gamit ko. “Andami naman pala ng tao mabuti at maaga ako.”
At ng makita ko ang uupuan ko biglang lumaki ang mga mata ko kasi ang katabi ko ay lalaking sobrang pula ang mata. “Dyos ko lord, gabayan nyo po sana ako.” At dire-diretso akong umupo. Nako, naamoy ko pa yung alak sa lalaking to kaya minsan pinipigilan kong huminga.
Salamat at nakarating agad ako, eh kaso kelangan ko pang mag taxi kaya ayon pumara pa si kyot na vivi.
“Manong sa mesha street lang ho.” At kung nagtataka kayo kung saan ako titira eh mag bo-boarding house lang naman.
Nang Makita ko ang mga dinadaanan naming sobrang iba pala dito. Eh syempre naka sanayan ko na ang probinsya. Natatakot din ako kasi wala akong mga kakilala dito.
Nung nakita ko na ang boarding house ay agad akong nagbayad kay manong at agad bumaba. “Sana kasya pa tong pera ko sa susunod na araw.”
Pagkapasok ko palang sinuyod ko na ang buong lugar. “Ikaw ba si vivianne?” Agad naman akong napating sa matandang babae. “Opo ako po si vivianne, you can call me vivi po.” Taray English yon mga ate ha. “Ah ako nga pala si linda, tawagin mo lang akong manang linds, dalawa pala kayo sa isang kwarto at wag kang mag alala kasi babae naman at agad kayong magkakasundo neto.” Hays mabuti naman at tumango lang ako. “Oh sya halika dito” at agad naman akong sumunod.
Pag pasok ko agad naman akong namangha kasi sobrang linis, magkakasundo talaga kami ng babaeng to. “Dito ang kwarto nyo hija, eto din ang susi. Pag may problema pindutin mo lang yung bilog sa ibaba ng kama mo.” Hightech naman pala ditto, sosyal ha. “Sige po manang linds, salamat din.’’
Agad ko namang sinirado ang pintuan at nilagay ang mga dala ko sa higaan. “ I guess this is the start” At agad kong inayos ang mga gamit ko.
Comment for dedications and thoughts :>

BINABASA MO ANG
Just your promdi girl
RomanceSi Vivianne ay isa lamang simpleng babae na probinsyana at lumuwas sya papuntang maynila upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangako sa kanyang namatay na namagulang at makakatagpo ng dalawang mayamang lalaki na magkaibigan at dahil kay Vivianne nagka...