Frox's POV
'San na sunod nating punta?' tanong ko kay Nathan palabas sa restaurant. 'Bibili ako ng snack KO para mamaya' at diniinan pa talaga ang ko ha. 'Anong tingin mo sakin? Nanghihingi ng pagkain sayo? I have a lot of money baka gusto mo ako pa mag pa aral sayo?' singhal ko sakanya. 'Waw hiyang hiya ako ah? Nung lumayas ka nga sainyo ako nag pakain sayo noh'
Yes ganito talaga kami ni Nathan, nag aasaran, nagpipikunan at nagdadamayan. Kahit asar na asar ako sa kanya best friend ko pa din to. Wala na kasi syang pamilya kaya nung nagkakilala kami nagkasundo kami agad kasi iniwan din ako ng magaling kong mommy.
'Hala sorry, sorry talaga' sabi nung babae kasi natapakan lang naman yung puti kong sapatos na fila na ngayon ay parang dumi na ng hayop. 'Damn! Bat kasi hindi tumitingin sa dinadaanan' sabi ko sabay kunot ng noo.
Vivianne's POV
Lalabas na sana kami kaso na iihi ako. 'Celene punta muna ako sa cr ha, hindi ko na talaga kaya' sabay galaw galaw ko sa paa ko. 'Oh sige go, basta be faster okay? I'll wait you sa labas.' Lumabas na sya at kinuha ko na ang wallet ko.
Nang papunta ako ng cr, tumakbo ako at dahil sa bilis ko tumakbo kasi dati nung bata pa ko naghahabulan kami ni lola ng nakatungkod sya hehe. Eh kasi naihi ako sa kama namin tapos naihian ko din yung kamay nya kasi- 'Hala sorry, sorry talaga' sabi ko sa nakabangga ko ayan tuloy napa upo ako sa sahig. Nang tingnan ko ang nakabangga ko....
'Damn! Bat kasi hindi tumitingin sa dinadaanan' jusmiyo ang gwapo mga tih mabenta to saamin. 'What are you looking at?' 'Are you deaf?' habang sinasabi nya yan nakatingala pa rin ako sa kanya. Bigla nalang may nag abot ng kamay sa harapan ko.
'Miss okay ka lang?' sabi nung kasama ng lalaking nabangga ko at inabot ko na din ang kamay nya. 'Ahh oo okay lang, salamat ah' sabi ko at inayos ang pantalon ko. 'So ako dito na nabangga mo di mo lang papansinin?' sabi nung nabangga ko. 'Ah-eh-ah sorry' sabay yuko ko, ang sungit naman pala neto. Gwapo nga kaso masungit parang alaga ko lang na pusa noon na si inday.
'Wag mo nang pansinin yan miss, by the way anong pangalan mo miss?' sabi nung tumulong sakin. 'Ako?' sabi ko. 'Bat mo pa hinihingi pangalan nya? Bingi ata yan.' Sabi nung masungit na lalaki. 'Hindi ako bingi ha natulala lang say-' hala patay 'Ah yeah, sanay nako dyan' sabi nya sabay kindat at umalis na at ako dito kilig na may halong irita.
'Ehem miss HAHAHA baka mahulog ka sa lalaking yon' sabi nung kasama nyang lalaki. 'E-eh hindi noh' nakakahiya naman kasi kung sasabihin kong Oo. 'Nakalimutan mo palang sagutin tanong ko miss' ay oo nga 'Ahh oo ako si vivianne tawagin mo nalang akong vivi' sabi ko at ngumiti sa kanya. 'Ohh vivi, vivi kohh' sabay gawa nya ng kamay na puso. 'Oo vivi hehe' at sinubukan kong gumawa din. 'Ako? Di mo ko tatanungin kung ano ang pangalan ko? Hays sige ako si Nathan at yung lalaking kasabay ko si frox yon' sabay saludo nya at umalis na.
Ahh Frox pala ang pangalan ng masungit na pusa na yon...
BINABASA MO ANG
Just your promdi girl
RomansaSi Vivianne ay isa lamang simpleng babae na probinsyana at lumuwas sya papuntang maynila upang ipagpatuloy ang kanyang mga pangako sa kanyang namatay na namagulang at makakatagpo ng dalawang mayamang lalaki na magkaibigan at dahil kay Vivianne nagka...