Amielle's POV" Gaga! " Sabay ang pagbato sa akin ni Lexa ng throw pillow.
Binato ko ulit iyon pabalik sa kanya at nagkibitbalikat. "Hello,girl! Konti na lang oh , magse- celebrate na kayo ng 2 years anniversary. Susukuan mo pa si Madz.""Nagbago na siya. Hindi ako tanga para lang lokohin niya lang." Aniko, alam kong niloloko niya ako.
" Sure ka bang niloko ka ni Madz? Sa pagkakaalam ko, hindi siya ganun eh." At nagagawa pang depensahan ng babaeng 'to ang manloloko na yun.
"Oo, dinig na dinig ko si Cassie. At isa pa, hindi niya maiwasan ang babae na yun." Naiinis kong tugon.
" Okay.. so what's your plan? " tanong nito.
"Pwede bang dito muna ko for 3 days? Aasikasuhin ko lang ang ticket ko papuntang Canada. "
" Okay ka lang talaga, girl? Ni hindi ka magpapaalam sa jowa mo?! "
" For what? "
" Very wrong move ! Hala.. bahala ka na nga, basta paghinanap ka sa akin. Sasabihin ko kung nasaan ka. "
Di na ko kumibo. Alam ko namang naging close na din si Lexa at Mads.
Ang gusto ko lang muna , magpalamig ng ulo. Galit ako sa mga nangyari. Galit ako kay Madz at sa Cassie na yun.End of flasback.
Nakatulog na naman ako sa sama ng loob.
...............
6am
Lexa's ApartmentNamumugto pa ang mata ko ng gumising ako.
Teka,umiyak ba ko kagabi?
Bakit ko pa kasi kailangan iyakan? Eh, tapos na nga. Kailangan siguro ng panibagong ambiance. Kailangan ko maging positive sa lahat ng oras. Kailangang kalimutan ko muna ang usaping puso. Ayokong mawala sa focus. Nagsisimula na kami ni Lexa sa bagong career namin. Kaya dapat yun muna ang unang focus ko.
Mabilis akong naghanda para pumasok sa Cafe.
Naroon na ang mga staff at si Lexa.
" Goodmorning , madam !" Bati ni Lexa sa akin. " Mukhang puyat ah!"
"Di mo man lang ako ginising para sabay na tayo" maktol ko sa kanya. 8am na kasi ako nakapasok.
" Sa lahat ng ayoko ay yung nanggigising ng tulog. Oh siya, trabaho na. Sabi nila Lily, matao ngayong sunday. Mukha talagang kailangan magdagdag ng tao. "
"Okay, doon muna ko sa kitchen. "
Pagsapit ng 9am ay unti unting nagkakatao na ang Cafe. Naging busy na kaming lahat.
Totoo din talagang may nagsusungit na mga kustomer. Pero ngiti pa rin ang isinusukli namin. Sa maghapong pagtatrabaho at pagdagsa ng mga tao ay nakaramdam na din ako ng pagod.
" Amielle, gusto mo bang mauna na umuwi? " Tanong ni Lexa sa akin. Napansin niya siguro ang pananamlay ko.
" Hindi , sabay na tayo umuwi." Tanggi ko sa kanya. " Masasanay din ako dito. "
" Ikaw bahala. 8pm na kasi. Baka pagod ka na. "
"Ayos lang nam....." Di ko na natapos yung sasabihin ko ng bumukas ang pinto ng Cafe. At sabay kaming napalingon ni Lexa. " Welcome to Lex Mabell Cafe ....." Napihinto naman agad ako ng bumungad sa akin ang mukha ni Madz. Namumula ito at nakangiting lumapit sa amin.
"Hi girls..." Bati nito. Nailang akong bigla. Natahimik kami ni Lexa.
"Ah.. hi Madz. Ah .. anong sayo? Ako na mag assist." Bawi ni Lexa ng di ako kumibo.
YOU ARE READING
Hot 'N Cold (Lesbian Story)
Non-FictionKung pwede ko lang ibalik sa simula ang lahat. Pipiliin kong makilala ka ulit pero bilang kaibigan nalang. Mas masakit na kasi ngayon, parang di mo na ako kilala. 😢 I started to write another stories. Pls support. -Yemsi