CHAPTER 1

8 1 0
                                    


" Lexa ! " , pasigaw kong tawag sa bestfriend ko. Bahagya pa kong kumaway para makita niya ako.

Mabilis naman niya akong nakita.
Ngumiti siya habang kumakaway din sa akin.

" Looking good, Amielle. How's Canada? ". Tanong niya ng makalapit ako.

"Wonderful". Masaya kong tugon.

5 months ago noong ihatid ako ni Lexa dito sa airport. At ngayon, sinusundo naman niya ako.

Bestfriend ko talaga.

Dumiretso kami sa apartment na inuupahan ni Lexa. Balak ko din namang maghanap din ng uupahan. Kaya lang makulit itong si Lexa. Doon na muna daw ako tumuloy sa kanya para may kasama siya.
She live with her own. Kaya walang magiging problema.
Kahit kulitin ko siya magdamag ay walang ibang maiistorbo kundi siya lang.

By the way, I'm Amielle Mabell Natividad. 23 years old. Graduating sa fine arts. Yun nga lang sa business management ang career ko. Business partner ko si Lexa. It just a small business cafe.

High school friend ko sya noon nang
magsimula kaming mangarap.
Its more about art. Pero ewan ko ba, napunta kami sa pagbi-business.

.....

" Kaen na tayo", ani Lexa.

8pm na ng gabi. Ni hindi man lang nagpatulong sa akin sa paghahanda ng hapunan namin.

" Ano'ng niluto mo ,Lex...." tanong kong natatawa. " ..siguradong nag ala chef ka na naman. "

" Dont worry , girl ... " nakapamewang pa sya. " ... Pag di masarap, ipapahanap ko si Madz ! "

Natigilan ako. Alam kong biro niya lang yun. Ang sakit lang din kasing magbiro nitong napakabait kong kaibigan. Ipaalala pa talaga.

Natikom ng dalawa niyang kamay ang bibig niyang napaka careless.

"Sorry! Sorry ! Di ko napigil, ang sarap naman kasi talagang magluto ni Madz e ..." At lalo pa siyang nataranta. " Ayyy ayan na naman nabanggit ko na naman."

" Kumain na nga tayo " Patay malisya kong sambit.

Bakit ganun? Akala ko, sa limang buwan kong paglayo ay wala na yung sakit. Bakit pangalan mo palang ang naririnig ko ay may kumirot na naman sa puso ko.

MADZ.

Bakit parang gusto kitang makita?
Bakit parang di na naman mapakali ang puso ko?
Ganun na ba talaga ko katanga para di ka magawang kalimutan?

Iniisip mo rin ba ako?
Naging totoo ka din ba sa akin?
Minahal mo din ba ko?

Bakit kasi binanggit pa ni Lexa ang pangalan niya. Napapaisip na naman ako.

"Ok ka lang friend?" tanong ni Lexa. Napansin niya ang pananahimik ko.

Tumango lang ako.

" I saw her last week...." anya. Napalingon ako agad sa kanya na naghihintay ng sunod na sasabihin niya. "... and ... she is with cassie. "

Napayuko na lang ulit ako.

Cassie that girl !

Yung babaeng lagi naming pinag aawayan. Yung naging dahilan ng pagloloko sa akin ni Madz.

Hot 'N Cold (Lesbian Story)Where stories live. Discover now