𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗗𝗘 𝗧𝗛𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗪𝗔𝗡𝗧 𝗧𝗢 𝗘𝗡𝗖𝗢𝗗𝗘.

0 0 0
                                    

(Errors ahead)

Pumasok si Kayn sa locker room nila ng pag bukas niya ng kanyang locker ay nahulog ang isang papel.

"Kayn love letter na naman ba?" tanong ng kaibigan niya na si Shaine.

"Ata beh nako sino kaya to" 

"Code na naman yan noh" sinisilip na sabi ni Shaine.

"Oo beh code na naman eh hindi ko naman alam kung anong code to" sabi niya habang tinitignan ang kapirasong papel sa kamay.

"14 24 15    12 24 44 13 23"
Ayan ang nakalagay sa kapirangot na papel na haway ni Kayn.

Pinag kibit balikat nalang nila ang letter at nilagay sa bag ni Kayn ng may na pansin silang tumakbo palabas ng locker room.

"Hala sino yun?" gulat na tanong ni Kayn.

"Baka ayun yung secret admirer mo"

"Hmpp hindi nalang kasi mag pakilala eh" kamot ulong sabi ni Kayn.

Sabay na umalis ang dalawa papunta sa kanilang classroom.

___

"Ano ba yan ang bilis naman matapos ang lunch di man lang ako nakakain" nagmamaktol na sabi Kayn.

"Eh panong hindi ka kakain eh mas inuna mo pang humarot sa jowa mo beh"

"Lunch time lang naman kasi nag kikita hays nako pabayaan na nga" nakasimangot na sabi ni Kayn.

Nasa pintuan na sila ng classroom nila ng makita ang isang pirasong papel na nakapatong sa desk ni Kayn.

"Uy may love letter ka na naman Kayn"

"Nako sana kasi mag pakilala na siya" sabi ni Kayn habang papunta sa kanyang pwesto at tinignan ang kapiranggot na papel.

"Pumunta ka sa may likod ng building mamayang 5pm"
"32 11 32 11 44 11 54 25 11 33 11"
Ayan ang nakalagay sa papel.

"Punta ka daw baka mag papakilala na" kinikilig na sabi ni Shaine.

Napaisip naman si Kayn kung pupunta siya dahil may lakad pa sila mamaya ngunit gusto niya ring makilala ang secret admirer niya kaya na pag pasyahan niya na sumipot sa takdang oras.

___

Alas cinco na ng hapon ng makarating si Kayn sa likod ng building, nag ikot ikot muna siya ng makita niyang wala pang tao sa kanilang tagpuan.

"Ang tagal naman nun pa-Vip siya na nga may gusto sa'kin ako pa pag hihintayin" naiinis na sabi ni Kayn ng may biglang sumitsit sa likod niya.

"Sino yan?!?" sigaw niyang sabi.

"HAHAHAHA sumipot ka talaga" natatawang sabi ng isang nakakatakot na boses.

"Sino ka ha?!"

"Well ako lang naman ang sinasabi mong secret admirer mo HAHAHAHA" malakas na sabi ng lalake.

"Di-diba may gusto ka sakin" nanginginig niyang sabi.

"Nag kakamali ka dyan, inigaw mo sakin si Josh" galit na sabi ng lalake.

"Anong inagaw? Wala naman akong inaagaw akin naman si Josh ha" nakasigaw na nalilito niyang sabi.

"Akin siya nung una pala ako ang mahal niya!"
sabay turo sa kanya ng lalake at hinabol habang hawak ang matalim na kutsilyo.

Nag simulang mag habulan ang dalawa habang na nginginig sa takot si Kayn habang ang lalake ay parang baliw na tumatawa
"Ano ba itigil mo to natatakot na ako baliw kana!" sigaw na sabi ni Kayn ng bigla siyang nahablot ng lalake at sinabunutan.

Kinaladkad ng lalake si Kayn papunta sa isang upuan at doon inuntog ng malakas.

"Tama na please" nag mamakaawang sabi ni Kayn.

"Awa? inagaw mo sakin si Josh" sigaw niyang sabi at sinaksak ng kutsilyo ang kamay ni Kayn na nasa upuan.

Paulit ulit niyang tong sinaksak ng matanggal ang isang darili ni Kayn. Hinawakan ng lalake ang mukha ni Kayn at ginuhitan ng kutsilyo ang magkabilang bibig ng babae.

"Diba palagi kang naka ngiti sa kanya ayan mas maganda pag ganyan ang ngiti mo" natatawa niyang sabi habang pinapanood ang dugo na umaagos sa kanyang kamay.

Sunod niyang itinurok ang kutsilyo sa leeg ni Kayn at unting unting nilalaslas ang leeg. Hindi pa na kuntento ang lalake at sinaksak ang dibdib ng babae at pinag lalagyan ng x mark ang dibdib.

"Ayan ang napapala ng mga babaeng umaagaw sa'king mahal" natatawang sabi ng lalake habang inaamoy ang dugo sa kanyang hawak na kutsilyo.

𝗧𝗛𝗘 𝗖𝗢𝗗𝗘 𝗧𝗛𝗔𝗧 𝗬𝗢𝗨 𝗡𝗘𝗩𝗘𝗥 𝗪𝗔𝗡𝗧 𝗧𝗢 𝗘𝗡𝗖𝗢𝗗𝗘.Where stories live. Discover now