CHAPTER 12

5 0 0
                                    

Enjoy reading :))
Errors ahead. Tamad po ko mag-edit sana keme lang basahin. Labeo ol

- OVERNIGHT!

Pinikit ko ng mariin ang mata ko para tumulo ang luha ko at dahil na rin sa pag inda ng sakit. Pang-ilang ulit na namin 'to at ayokong mag-reklamo. Masakit na 'yung katawan ko at feeling ko magkakapasa ako.

"Fero, tama na muna" sambit ni Pastor Lucas.

"Sige,Pas," tumango si Tatay Fero. "Okay, guys, bukas na lang ulit, ha? Same time. Godbless!" sambit niya at nag - ayos na rin ng gamit.

Inayos ko ang sarili ko at pa-ika-ikang naglakad palabas. Ang sama parin ng pakiramdam ko. Nilabas ko na ang phone ko saka tinext si Loui na pumunta na siya dito  at wag na dalhin 'yung sasakyan niya dahil 'di ko na talaga kaya mag-maneho.

Umupo muna ako sa bench at yumukod para ipatong ang ulo ko sa hita ko. Ang sakit ng ulo ko, plus may sakit ako, plus ang sakit ng katawan ko.

"Can you drive?" tanong ni Dale na tumabi sa'kin dito sa bench.

Umiling ako.

"Do you want me to drive you home?" tanong niya ulit.

Sasagot na sana ako nang may kumalabit sa'kin. Pag-tingala ko ay si Porsha 'yon na kinikilig kilig pa.

"Hindi mo naman sinabi na close kayo ni Mr. Price" kinikilig na sambit ni Porsha.

"Oo nga. Crush kaya namin 'yon" singit naman ni Mei.

"Lagi naming inaabangan 'yung magazine niya. Mygas!" Dagdag ni Hadi.

Ngumiti lang ako ng maliit at nilingon na si Dale. "Una na 'ko ha? Salamat" mahinang sambit ko at paika-ikang naglakad papunta sa kotse ko. Do'n nakatayo si Loui at inalalayan ako papasok sa passenger seat. Habang isinusuot niya sa'kin ang seatbelt ay kinapa niya ang siko ko at ang braso.

"May pasa ka" he said. He looked at me. "Pa'no ka nag-karoon ng gan'to?" tanong niya pa.

"Practice" simpleng sagot ko na lang. Pumikit na ako para 'di na siya mag tanong. Gusto ko na rin mag-pahinga. Pakiramdam ko babagsak na ako anytime. Naramdaman ko na lang na umusad na ang kotse kaya pinahinga ko na lang ang sarili ko.

Pagmulat ko ng mata ko ay gabi na. Andito na ako sa kwarto ko and there I saw Loui, nakahiga sa couch at nag-babasa.

Lumingon ito sa'kin at tumayo. "Kamusta?" tanong niya at sinalat ang noo ko. "Ang init mo parin," sambit niya at bumuga ng hangin. "Kaya mo bang pumasok bukas?" tanong niya. Pero bago pa ako makasagot ay inunahan niya na ako. "Hinde. Wag ka ng pumasok. Ako na gagawa sa mga activities kung meron man. Magpahinga ka na lang rito. Mas kailangan mo 'yun" sambit niya at pinat ang ulo ko.

Ngumiti ako. "Lika nga rito" medyo paos at nanghihina kong sambit. Lumapit naman siya kaya niyakap ko siya. "Ang sweet naman ng bebe ko" nakangiting sambit ko.

"The hell you called me?" He said then let go of the hug. Nakabusangot siya at masama ang tingin sa'kin.

Loui doesn't like to be called by any nicknames. Kaya minsan gustong- gusto ko siyang asarin ng kung ano-anong nicknames para maasar ng todo. Do'n na lang ako nakakabawi e.

"Sabi ko, salamat po Mr. Price" ulit ko at yumuko pa.

Tinulak niya ang noo ko kaya napanguso ako. Hinalikan niya ang bumbunan ko saka tumayo na. "I'll go now. Its already 8pm" he said then bid goodbye.

Sweet talaga nong gunggong na 'yon.

Medyo gumaan naman ang pakiramdam ko pero feeling ko mainit parin ako. Hindi na ako kumain ng dinner at inihiga na lang ang sakit ng ulo ko.



Always Into YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon