Enjoy reading :))
Errors ahead! Wala po akong time mag edit hehe. Sorry sa wrong grammars and wrong spellings. Pati na rin sa typos. Senya bobo langsz :>
-MAHINA
"Anong nangyare sa'yo?" I asked while helping him.
Inalalayan ko siya para makaupo sa sofa saka sinarado ang pinto. Lumapit ako sakaniya at pinagmasdan ang itsura niya.
Disaster mars.
"Nakipag-away ka ba?" Tanong ko ulit.
Hindi siya sumasagot. Pumipikit-pikit na 'yung mata niya at halatang hinang-hina na siya. Tatanungin ko pa sana ulit siya pero nakarinig nanaman ako ng katok mula sa pinto namin. Tumayo ako at naglakad papunta sa pinto para pagbuksan ang kung sino man ang kumakatok. Pagbukas ko ay napanganga ako dahil sa itsura nitong dalawa.
"Anong nangyare sainyo?" tanong ko.
"Hinahabol kami," sagot ni Roi. "Andiyan ba si Leo?" tanong niya.
"Pasensya na Keign, wala kaming mataguan ngayon, e. Buti na lang alam ni Leo ang bahay niyo" sambit ni Gin.
Pinapasok ko na sila at pina-upo sa sofa. Kumuha ako ng cold compress at kinuha ko na rin ang first aid kit. Bumalik ako sa sala para asikasuhin sila.
Kung andito lang sila Papa, patay ako non. Dami pang lalake.
Rip DK.
"Ano bang nangyare?" tanong ko nang matapos kong lagyan ang band aid ang mga mukha nila at linisin.
Ang dudungis mare!
"Hinahabol kami nung nakaaway ni Leo sa Marikina," paliwanag ni Gin. "We're actually at the bar celebrating Jamie's birthday—my cousin—lumabas kami para mag-usap privately, pero bigla kaming pinalibutan nung mga lalake na nakaaway ni Leo. Ayon, nakipag-away kami, buti na lang nakatakbo kami" hinihingal parin na sambit ni Gin.
Napahilot na lang ako sa sentido ko sa sinabi ni Gin. Juiceko! Ano ba naman kasing pinaggagawa ng mga 'to? Mula Marikina hanggang dito umabot 'yung away nila.
Sinamahan ko silang makarating sa kabilang bahay para makapag-pahinga na. Sinabi ko rin na may ibang damit naman do'n sa bawat kwarto kaya kung gusto nilang magpalit ay pwede lang. Si Leo pinatulog ko na lang sa kwarto sa sala, at sila Roi at Gin sa taas na since tatlong mga lalaki lang rin naman ang naka-occupy do'n.
Bumalik na ako sa kwarto ko at nakita kong tulog na sila. Naglatag si Shane,Pauline at Lara sa sahig ng foam at comforter. Si Seinnah naman ang nasa kama ko. Napangiti ako. Lara, Shane and Pauline loves sleeping on the floor. Mas maluwang at mas nakakatulog raw kasi sila. Ewan ko ba, may kama naman sila sa kwarto nila pero gusto nila sa sahig. Iisang comforter lang ang ginamit nila para sakanilang tatlo. Nang lapitan ko sila ay natawa ako. Yung paa ni Lara nasa beywang ni Shane. Ang kamay ni Shane ay nakapatong sa mukha ni Lara habang si Pauline naka-baliktad na.
Apakakulit ha?
Humiga na ako sa kama ko at tumabi na kay Seinnah na mahimbing ang tulog. Halata naman. Lahat sila humihilik na. Pinikit ko na ang mata ko at hinayaan ang antok na kainin ako.
BINABASA MO ANG
Always Into You
Teen FictionHow can you unlove a person? How can you forget about the memories? How ?