Part 2

2 0 0
                                    

If Only

"Sige Kyle mag-usap tayo. Alam mo ba kung saan ako pupunta ngayon? Kay Carla. Sa bestfriend ko na umiiyak dahil nasaktan mo. Ano pa bang gusto mo?", buong loob kong sambit.
"Ikaw ang gusto ko. Gusto kong bigyan mo ako ng pagkakataon para maipakita sayo na mahal kita." , sagot niyang puno ng sinseridad. Nakikita kong totoo lahat ng sinasabi ni Kyle. Nararamdaman kong mahal niya ako. Pero hindi pwede, mahal ko siya pero mas mahalaga ang pagkakaibigan namin ni Carla.
"Anong mahirap intindihin sa 'HINDI KITA GUSTO?', Kyle? At saka nakikita mo ba? Hindi ako maganda! Mas maraming magaganda at matinong babae diyan. Si Carla, siya. Maganda, maputi, makinis. Diba yun ang gusto niyo? Matalino din siya, talented. Lahat ng meron ako, meron din siya. Kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako?!" , nangingilid na ang luha sa mga mata ko dahil alam kong kasinungalingan na hindi ko siya gusto. Walang anu-ano'y mas lumapit siya sakin, dahilan para mapaatras ako nang bahagya. Marahan niyang iniyuko ang sarili niya at tinitigan ako sa mata.
"Yun ba ang dahilan? Tingin mo hindi ka maganda? Tingin mo hindi kita magugustuhan kaya pinilit mo ako kay Carla?..", hinawakan niyang muli ang kamay ko't inilapat sa dibdib niya. "..Sandy, ikaw ang nilalaman nito. Hindi dahil sa itsura mo, maganda ka. Pero hindi kita minahal dahil lang dun. Mahal kita dahil ikaw si Sandy. Hayaan mo akong patunayan sayo na mahal kita, pakiusap.", dagdag niya na siyang lalong nakapagpatibok ng puso ko.
"K-kyle.."
Wala akong ibang masabi dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko. Kusang kumawala ang mga nangingid na luha mula sa mga mata ko. Dahil sa magkahalong lungkot at saya na nararamdaman ko.
"Shh don't cry, Sandy please.", saad niya't hinaplos ang aking pisngi upang pawiin ang mga luhang dumaloy dito. Pagkatapos ay mas lumapit pa siya ngunit sa pagkakataong ito'y hindi na ako nakaatras pa. Sa pagitan ng maliit na espasyo'y sinakop ng kaniyang mga bisig  ang aking katawan. Hindi ako makagalaw sa aking kinatatayuan sapagkat sa halos dalawampung taon ko sa mundo ay ngayon lamang ako nayakap ng isang lalaki. Lalaking mahal ko pa nang lihim.
"I don't want to see you cry, Sandy. All I want is to see your beautiful smile. I want to take care of you and love you everyday. Please give me a chance.", bulong niya sa tainga ko habang nakayakap sakin. Gusto kong sabihing mahal ko rin siya. Gusto kong um-oo. Gustong-gusto kong yumakap pabalik. Ngunit si Carla, masasaktan siya lalo. Ayokong mangyari yun.

Akmang sasagot na ako nang biglang..

"Kyle? Sandy?"

Kitang-kita kong lumuha si Carla habang nakatingin samin ni Kyle na magkayakap. Agad akong kumawala sa pagkakayakap at akmang lalapit kay Carla.

"Huwag kang lalapit.", puno ng galit ang mga mata niya.

"I-it's not what y-you think, b-beshy.", sabi ko't humakbang papalapit sa kaniya.

"SINABI KONG HUWAG KANG LALAPIT DAHIL BAKA KUNG ANONG MAGAWA KO SAYO! HUWAG MO KONG MA-BESHY AHAS KA! PINAGKATIWALAAN KITA, MINAHAL KITA. KAPATID NA ANG TURING KO SAYO, SANDY! PERO AHAS KA!"
sigaw niya't tuluyang tumakbo palayo.
Ni hindi ko na siya magawang habulin dahil sa sakit na nararamdaman ko mula sa mga sinabi niya. Napaupo ako sa sahig dahil sa panghihina. Lumapit si Kyle sakin para itayo ako pero pinigilan ko siya.
"San-"
"Umuwi ka na.", sabi ko pero hindi niya ako pinakinggan.
"SABI KO UMUWI KA NA."
"Hindi Sandy.  Dito lang ako. Sasamahan kita. Tutulungan ko kayong magkaayos ni Carla. Hayaan mo akongng alagaan ka."
"Ano pa bang gusto mo? Nakita mo ba kung gaano siya kagalit sakin? Tinawag niya akong ahas! AHAS BANG MAITUTURING NA PINIGILAN KO ANG SARILI KO SA TAONG MAHAL KO PARA LANG SA KANIYA?", dala ng emosyon kong sabi.
"A-anong sabi mo? Pinigilan mo ang sarili mo sa taong mahal mo? M-mahal mo ako?"

Napatingin ako sa kaniya dala ng pagkabigla sa mga sinabi ko. Sinabi ko ba talaga yun?

Itutuloy..

if OnlyWhere stories live. Discover now