Part 3

1 0 0
                                    

If Only

"A-anong mahal yang sinasabi mo? H-hindi kita m-mahal!"
Pagtatanggi ko na ikinangisi niya.
"Hindi ka magaling magsinungaling, Sandy." sabi niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.
"A-anong ginagawa mo?", kinakabahan ako. Mas lalo siyang lumapit at halos magkadikit na ang mga mukha namin. Ramdam ko ang init ng amoy mint niyang hininga nang siya'y magsalita.
"When you lie, namumula ka tulad ng mansanas at lumalaki ang butas ng iyong ilong."
Mainam niyang tinitigan ang aking mga mata at mas lalong lumapit dahilan upang lumapat ang labi niya sa labi ko.

"SANDEEEEEEEEENG!", sigaw yun ng nanay ko ah.

Napaupo akong bigla sa aking higaan, panaginip lang pala. Ano nga bang huling nangyari kahapon?

"Sandeng maghanda ka na at kanina pa naghihintay sa iyo yung manliligaw mo. Sabay raw kayong papasok sa eskwela.", sabi ng nanay kong may halong ngiting pang-asar.

"P-po? Sino yun? W-wala naman akong manliligaw, nay."
"Kyle raw ang ngalan, ay! Pagkagwapong bata, naroon sa baba at kausap ang tatay mo. Maayos na ba ang pakiramdam mo, anak? Makakapasok ka ba?"

Nagtaka naman ako sa huling sinabi ni nanay.
"N-nawalan na naman ba ako ng malay kahapon, nay?"
"Oo nak, buong araw kang walang malay. Buti nalang at naitawag ka agad samin ng manliligaw mo, buong maghapon ka niyang binantayan, anak. Pinauwi ko lang kagabi para makapagpahinga."
sabi ni nanay. Lalo akong nakaramdam ng hindi maipaliwanag na damdamin para kay Kyle.

Nagmamadali akong nag-ayos ng sarili at bumaba para harapin siya. Pagbaba ko, nakita kong nasa sala siya kausap ang tatay.

"Anak, nandiyan ka na pala. Kanina ka pa hinihintay netong manliligaw mo. Halika na at sama-sama na tayong kumain.", sabi sakin ni tatay habang ako naman ay di makapagsalita. Nginitian ako ni Kyle at sabay-sabay kaming kumain.

"Mauna na po kami tay, nay.", paalam ko at nagmano. Gulat ko'y nagmano rin si Kyle.
"Ihahatid ko din po pauwi si Sandy, tay.", sabi niya kay tatay. At ngiti't tango ang itinugon sa kaniya nito.

Naglakad kami papunta sa sakayan ng jeep.
"Sandy kumusta na ang pakiramdam mo? Kaya mo bang magcommute?"
"Oo naman. Wag kang mag-alala. Sanay akong ganun ang nangyayari. Matanong ko lang, bago ako mawalan ng malay- anong huling nangyari?", kinakabahan kong tanong. Napangiti naman siya at napahawak sa batok niya. Haha ang kyut.
"Sinabi mo sa'king mahal mo ako."
Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi niya.
"S-sinabi ko yun?"
"Hahaha biro lang. Tinanong kita kung mahal mo ba ako at bigla ka nalang nawalan ng malay."
Nakahinga ako nang maluwag sa sinabi niya.

Mabilis na tumakbo ang oras. Hindi pumasok sa klase si Carla na ikinalungkot ko. Pero kasama ko si Kyle buong araw para alalayan at alagaan ako. Paminsa'y nagbibitaw rin siya ng mga biro na siyang ikinatutuwa ko. Mas lalo akong napapamahal sa kaniya sa mga ginagawa niya.
Pero paano naman si Carla?

Habang naglalakad kami ni Kyle pauwi sa bahay ay may tumawag sakin.
Calling: Tita Candy
Ako: Hello po tita?
Tita Candy: Anak, kasama mo pa ba si Carla? Ang sabi niya kasi sakin kahapon pupunta siya sa inyo. Naisip ko naman na baka sa inyo natulog pero hindi man lang umuwi para kumuha ng gamit kaya nag-aalala ako.
Ako: P-po? H-hindi ko po kasama si Carla, tita.
Tita Candy: Jusko!

Agad niyang binaba ang tawag. Ako nama'y parang nanlamig sa takot. Kasalanan ko to.

"Sandy anong nangyari? Sino yun?", nag-aalalang tanong ni Kyle.
"N-nawawala si Carla. Hanapin natin siya, Kyle."
natataranta na ako at hindi na alam ang gagawin. Agad kaming pumunta sa barangay at nagreport ng missing person.
Tinawagan ko rin ang number niya ngunit can't be reached. Nagtanong-tanong din kami sa mga kakilala pero wala.
Sobra sobra na akong nag-aalala.

"May lugar ba kayong palaging pinupuntahan?", tanong ni Kyle.

Sa seaside. Agad ko siyang hinila papunta sa lugar na naisip ko. At hindi ako nagkamali. Nakita namin siyang nakaupo sa barrier at nakatanaw sa dagat. Ganun pa rin ang suot niya at namumugto ang mga mata niya.
Ang bestfriend ko. Hindi ko magawang lumapit dahil natatakot ako sa maaring mangyari. Nakita kong tumayo siya at nagsimulang lumakad na parang wala sa sarili.

"CARLAAAAAAAAAAAAA", sigaw ko nang makitang may paparating na sasakyan patungo sa kanya. Napalingon siya ngunit tuluyang nasagasaan ng mabilis na sasakyan.

Malabo na ang aking paningin dahil sa mga luha na hindi humihinto. Tumakbo ako papalapit sa kanya ngunit bago pa man ako makalapit ay tuluyan nang nandilim ang aking paningin.

Itutuloy..

P.S. penge tissue. Miss ko na beshy ko huhu.

if OnlyWhere stories live. Discover now