Chapter VI

2K 49 0
                                    

Sinalubong sila ni Manang Karing, ang mayordoma ng pamilya Sebastian,bata pa lang si Hensley ng makilala niya ito, dahil madalas silang nagpupunta sa bahay na to noon pa man, nasa America ang magulang ni Andrew doon na sila nanirahan simula ng mag-asawa ang panganay nitong anak.

  ''Halikayo nakahanda na ang hapunan'' saba'y yakap Kay Hensley''

''Pilitin mo makakain anak, para magkalakas ka, hindi magugustuhan ng kuya mo na makita kang ganyan'- pagsusumamo ng matanda.

''Ikaw din Andrew kumain ka ng makabawi ka ng lakas''

Pagkatapos ng hapunan ay inihatid na ni Andrew si Hensley sa guest room.

'' gudnyt Hensley'' masuyo niyang hinagkan ang noo ng dalaga.

Tumango lang siya at sinarahan na ang pinto.  Ito ang kwartong madalas niyang tulogan noon pa man,   kulay pink ang dingding at may mga disenyong bulaklak.   Humiga siya at napahikbi,   kay saya nila noon pag-bumibisita sa bahay na ito,   takbuhan,asaran at sasawayin sila ni  Manang Karing.  Noon, kumpleto pa sila, ngayon solo na siya.

Nasa ganun siyang pag-iisip,kaya't di niya namalayan katabi na pala  niya si Andrew at inaabot sa kanya ang tasa ng tsaa na tinimpla nito,

''inumin mo ito para makarelax ng isipan.Kinuha niya ang tsaa at ininom.

''salamat'' tangi niyang nasabi.

Hindi agad umalis si Andrew ,  nahiga ito,  yakap yakap si Hensley,at  masuyo niyang hinahaplos ang buhok nito.   Ikinuwento niya ,at binalikan ang masayang alaala ng kahapon,   tumutulo na rin ang luha niya habang nagsasalita,  nakatulog silang magkayakap.   Naunang nagising si Hensley, at dahan-dahang inalis ang kamay ng binata na nakayakap sa kanya.    Pinagmasdan niya ito habang natutulog.    Kaybuti nito, at alam niyang nasasaktan din ito sa pagkawala ni Brent. Maaaring hindi na sila muling magkikita o magkakasama nito ngayong wala na ang taong nagbubuklod sa kanila.   Bumaba siya,at pumunta sa veranda .

Kay presko ng hangin dito,malawak ang lupang nasasakupan ng pamilya Sebastian, malaki ang kabahayan,gawa sa modernong arkitektura, pati mga gamit ay moderno.Hindi ang ganda o laki ng bahay ang ikinatutuwa niya dito, may sense of home ito, ang Amoy ng pine tree, usok ng chimeneya, Amoy ng pagkaing niluluto.lahat ito'y nag-aanyaya  para mamalagi dito,noong bata pa siya nasabi niya kay Andrew dito na siya titira. ''Pakasal ka muna sa akin para makatira ka dito'' ang sagot ni Andrew. Mga  kaisipang bata ,.....

''Good morning sweetie''bati ni Andrew,pinagmamasdan mo ba ang iyong tahanan at kapaligiran'' 

Namula si Hensley, nababasa ba ni Andrew ang nasa isip niya,tiningnan niya ang mukha nito,nangungusap na tumatawa ang mga mata nito,.

''Mrs. Sebastian, nakahanda na po ang almusal natin'' pagbibiro ng binata.Lalong namula ang dalaga at tinitigan niya si Andrew.

  ''Oops,wag mo akong tingnan ng ganyan, nagbibiro lang, masyado  na kasi tayong malungkot, magagalit niyan kuya mo,baka sapukin ako,sabihin pinapaiyak kita palagi'' cheer up'' saba'y yakap sa kanya.

''Andrew, babalik na ako ng Manila mamaya''. 

''Anuuuu'' ''wag muna, mag rest ka muna dito kahit mga ilang araw pa''. ''Kung inaalala mo  ay ang trabaho mo, tatawagan ko ang boss mo''sagot ni Andrew. 

''Nakakahiya sa iyo, maaabala ka''

''Kaylanman di ka abala sa akin, tandaan mo yan Hensley, if you need anything andito lang ako,ipapasyal kita mamaya, sige na kahit for just a few days lang'' pagsusumamo ni Andrew. 

   ''Okay, for just a few days'' sagot ni Hensley

Andrew, My Brother's BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon