Chapter 2 - "After 8 Years,, Best Friends LANG kami"

2 0 0
                                    

AFTER 8 YEARS--

[Bernardino Agusto]

"Hello? Nasaan ka na?" sabi ko sa kausap ko sa cellphone.

(Nandito na ako sa sakayan ng bus. Pumunta ka na dito!) .

"Sige susunod na ako dyan.Bye!"

(Bye!)

*tooot tooot toot*

Dumeretso na ako sa bus station at pupuntahan si Wesly. Sabay kasi kaming pupunta sa school.

Habang naglalakad ako nagpa-flashback sakin...

8 years ago. inoperahan ako. Tulog ako ng mga panahong inooperahan ako. Sabi ni Mommy always kong sinasabi ang pangalan ni Wesly. Pagkatapos ng operasyon tatlong araw akong comatose. pagkagising ko si Wesly agad ang hinanap ko.

Na-grounded pala sya sa ginawa kong pagtakas.

Pero simula non pansamantalang pwede akong mag-aral sa labas ng ospital.

Pero marami paring bawal.

Bawal ang maalat.

Bawal kumain ng matatabang pagkain.

Bawal mapagod.

Bawal ang juice.

Bawal sumali sa extra-cullicular activities.

Bawal magpagabi. Dapat diretso agad sa bahay.

PURO BAWAL.

May bakas na rin ako ng operation. Merong tahe ang dib dib ko.

Laging nirerequest ni Mommy na classmate kami ni Wesly. Para daw may taga-report sya:-) kapag may nangyari sakin... Tsss. -___- O.A. talaga ni Mommy

Fourth year na kami ngayon. Graduating na kami. 15 years old na ako. Maaaring pag-dating ko ng 16 e mamatay na ako. Pero hindi ako natatakot. Hindi talaga! Nandyan naman si Wesly. (^_^) Lalo na si Lord..

Nakita ko na si Wesly sa Bus Stop at naghihintay ng bus.

"WESLY!" tawag ko sa kanya.

Lumingon naman sya saakin.

(O////O) nakangiti sya habang lumingon saakin. ngayon ko lang napagtanto. Ang ganda nga ni Wesly.

"Nards! Halika! May paparating na bus!" (^O^) tumakbo sya saakin at kumapit sa braso ko.

Sumakay kami.Umupo kami sa pinakadulo. Doon kasi ang pinakagusto naming part ng bus.

"Sir, saan po kayo?" tanong saamin nung kundoktor.

"Nards! Bayaran mo na ako. Babayaran nalang kita mamaya!" (^O^)

"Ano ka? Naka-ilang salita ka na ng 'babayaran nalang kita mamaya'" Ginaya KO hung pagsasalita nya "pero hindi mo binabayaran?" (~o~)

"Promise! Babayaran ko na lang mamaya. Please!" (^3^) She was making her hands together like praying...

"Naka-ilang promise ka na?" (~o~)

"tsss. (-__-) Sige na please!" (T^T) then niyakap nya yung braso ko ..

"Oo na." (~o~)

sa huli ako parin ang nagbayad. Hindi ko alam kung bakit hindi nagbabayad 'tong si Wesly. Mayaman naman sila. tsss.

Pagkarating namin sa tapat ng school eh bumaba na kami. Pumasok kami at tiningnan kung anong section kami.

"NARDO!!! Section C ako!!! YEHEY!!" Sabi nya galing dun sa magulo at nagsisiksikang mga tao sa may bulletin board, tapos niyakap nya ako.

"Wow! Ako kaya?" maraming tao sa bulletin board. Baka masiksik ako. Pero hahanapin ko pa ang section ko. Lalapit na sana ako sa board kaso hinila ako pabalik ni Wesly.

Last Long LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon