Pagkatapos ng mahaba habang asaran namin ni kuya nagawa pa naman nyang akong ihatid sa school ko. Di rin naman kalayuan ung University na pinapasukan nya kaya hindi hassle kung ihahatid man nya ako.
Hindi naman ako mahilig mag aral e. Ni hindi nga ako nagta top sa klase e. Mga asignments at quizzes kinokopya ko lang sa mga kaibigan ko. Minsan sariling sikap pero madalas tulungan. Kaya pumapasa pa rin ako. Isa lang naman dahilan ko kung bakit ang sipag sipag ko pumasok sa school na to e. Maliban sa mga kaibigan ko na halang ang kaluluwa pagdating sa kalokohan andito din kasi si Eyn. Si crush.
And as if on cue, dumaan sa harap ko ung sasakyan nya. Grabe kahit ung kotse nya ang gwapo na tignan kasi sya ung gumagamit. Ano kayang feeling nung mga sinasakay nya sa passenger’s seat nya. Isipin mo onting inches away ka lang sa kanya. Amoy na amoy mo ung pabango nya. Kitang kita mo ng malapitan ung mukha nyang sobrang gwapo at sobrang kinis akala mo nagpapaderma araw araw. Ung kamay nyang nasa steering wheel habang seryosong seryosong nagda drive. Grabe ang hot.
Un nga lang hindi na aappreciate nung mga sumsakay sa passenger’s seat nya kasi naman panay kaibigan nya lang ang nakakasakay dun. At lahat sila lalaki. Maliban nlang kung may bakla sa kanila. Pero I doubt kasi kilalang player mga yun e. Sya lang hindi. Ni hindi ko nga sya nakitang may kasamang babae sa school e. At pabor sa akin yun syempre naman walang sagabal kung sakali mang magpapacute ako kay Eyn diba.
Lumabas sya ng sasakyan nya at as usual naka poker face lang sya. Sabay sabay nagbulungan ung mga nasa paligdid ko. Ang gwapo nya daw tsaka ang hot tsaka ang sarap nya daw papakin. Ay! Grabe ang landi. Pero agree ako. Shoot! Ung mata nya shemay baka malusaw ako kung tititigan ako ng mga matang un. Matangos na ilong tsaka OMG yung lips perfect. Haay grabe kumpleto na araw ko. Kasisimula palang e pwde na akong umuwi. Yes. Ganyan ako katamad.
Nagbabalak palang akong umalis may humila na sa kanang kamay ko dahilan para umikot ako paharap sa kanya.
“Alam mo onti nalang iisipin ko na talagang baliw ka. Nakita mo lang si Eyn uuwi ka nanaman. Jusko!”
Mehehehe. Si bakla lang pala. Sayang nahuli nya ako.
“Aray ko Baldo ha. Masakit yung kamay ko.”
“Yuck! Tigil tigilan mo nga pagtawag sakin ng Baldo. I’m Dyosa.Dyosa ng ka-“
“bayo. Hahahaha! Tumahinik ka nga dyan Baldo. Sinsira mo namn ung araw ko e. Nakita ko nga si Eyn babylab ko tapos ikaw bigla kong makikita sus! Para akong pinagsakluban ng langt at lu- Araaay!”
“Pipinuhin ko pa lalo tong kurot ko pa dika tumigil dyan.”
“Hindi na nga. Ayan na o tatahimik na. Aw aw aw. Kainis to. Nanira na nga ng araw nanakit pa.”
Aamba pa sya nang isang kurot “Op tama na. Masakit kaya Baldo. Hahahaha!” at tinakbuhan ko yung unggoy na yun. Syempre papasok sa loob ng school. Nahuli na ako e. Baka kung anong kabrutalan gawin sakin nun pag di ko sya sinunod. Pano ba naman kasi maskuladong tao tapos vakler. Kaya bagay sa kanya ung pangalang Baldo. Na hindi nya namn totoong pangalan. Tawag ko lang sa kanya.
Haggard tuloy akong pumasok sa loob ng room. Kainis tong baklang to. Pinagpapawisan ako di pa nagsisismula ang first period.
BINABASA MO ANG
So ano TAYO NA?
Teen Fictiona story of an obsessed girl and her oh sooo handsome crush. Sa mga mahilig mag daydream na magkakatuluyan sila nang mga crushes nila, this suits you. hihi! Sabay-sabay tayong mag-imagine na magkakatotoo tong sinusulat ko. Hahaha Lahat tayo may righ...