Fairytale <3

407 11 2
                                    

.......and they rode off to their castle where they live happily ever after.

"Sis!?" kinakalabit ni Sandy si Marie. 

"Ano ba?! wag moko iniistorbo dahil busy ako sa pagchachat dito eh.." paangil na sagot ni Marie na may OA mega concentrate at kinikilig pa habang nakatitig sa monitor ng laptop nito. Nasa isang sikat na coffee shop ang dalawa na may katapat na restaurant sa kabilang street. 

"MARIEEEE!" sabi ni Sandy, medyo napalakas ang pagkakasabi niya kaya tumingin ang ibang nandun sa coffee shop sa dako nila. Napahinto si Marie sa pag iinternet.

"ano ka  ba? ang lakas ng boses mo.. eskandalosa ka talaga." saway ni Marie sa kaibigan.

"Di ka kasi nakikinig. Tingnan mo yun o." nginuso ni Sandy at..

biglang lumaki ang mata ni Marie sa nakita. Tila umakyat lahat ng dugo niya sa ulo niya.

OH! THE DOUCHE BAG IS HERE! 

"Sabi ko na nga ba!! Yang Jowa ni Krissy ay sobrang taksil na nilalang talaga. Aarghh!! kapal ng mukha ng unggoy na yan! Siya pa may ganang maglandi at maghanap ng iba ha.!! " sabi ni MArie na nanggagailiti sa galit. 

"Si Krissy lang naman ang tanga eh tsaka martyr, hindi ko alam bat niya naisipang magshopping ng kamartyran." naiinis na sabi ni Sandy. 

"Halika.! sugurin natin yang pangit na lalaking yan at ng makita niyang hinahanap niya. Kung si Krissy eh nauuto niya, well, not us.!" sabi ni Marie. 

"Huwag ui. Baka iba na naman isumbong niyan kay Krissy, mas mabuti pa tawagan natin si Krissy at papuntahin natin dito para siya mismo makakita at malaman niyang manloloko talaga yang aswang na yan." kalmadong sabi ni Sandy sabay kuha ng cellphone at tinawagan si Krissy. 

*Krissy's POV

"Hi sis! Napatawag ka?" masayang sagot ko habang inaarrange ang mga pinamiling pagkain na lulutuin ko  bukas dahil anniversary nila ng Boyfriend na si Jerome. 

"Sis! pumunta ka dito sa **** coffee shop.. nakikita namin ngayon ang jowa mong makadate isang seksi chick." rinig kong sabi sa kabilang linya.

Mabilis pa sa alas kwatrong lumabas ako ng bahay At sumakay ng taxi.

Ilang beses na siyang pinagsabihan ng mga kaibigan niya tungkol sa boyfriend niya. Hindi gusto nina Sandy at Marie si Jerome. Sabi kasi ng mga ito mukhang playboy raw ang boyfriend niya at tila hindi gagawa ng maganda, pero hindi siya nakinig. Kasi kilala niya si Jerome, kababata niya ito, mabait si Jerome at isa pa mahal na mahal siya nito. Nangako ito na hindi ito maghahanap ng iba at sabi nitong siya lang ang babaeng mahal nito at wala nang iba. Hindi lang minsanang may nakakita rito na may kasamang ibang babae pero ilang beses rin nitong sinabi na kaibigan lang nito iyon o di kaya ay pinsan.

Narating niya ang coffee shop na sinabi ng mga kaibigan niya.

Pumasok siya at nakita ang mga kaibigan.

"Hay! mabuti na lang at mabilis kang nakarating. Tingan mo! Ayun ang boyfriend mo!" tinuro nito ang isang restaurant. Nakita niya, si Jerome at may kasamang seksing babae. Sumasakit ang dibdib ko sa kasweetang nakikita.

Shucks!! Grabe!

Baka pinsan lang niya yan?

Tanong ko sa sarili.

"SAbi kasi sayo eh.. MAnloloko yang Jerome na yan. Ano sasabihin niya ngayon? Pinsan? Kababata? baka sabihin niyang nanay niya yan at maniniwala ka pa rin?" litanya ni Marie.

Tiningnan ko ang galit na mukha ni Marie, haay tama nga ito. 

"Teka Girls, napaka unfair naman yata naitn kung dahil lang may kasama siyang kumakain eh ijajudge na natin agad2x. Mas mabuti pang puntahan ko siya at i.confront."  sabi ko kahit na sobrang gusto ko ng umiyak. 

"Mabuti pa, pagkatapos nilang kumain eh saka natin puntahan. Let's observe first." sabi ni Sandy. Sumang ayon ako sa suhestiyon ni Sandy. 

Nakita kong pinapahid pa ni Jerome ang sulok ng bibig nung babae. Sh**! Sarap buhusan ng tubig! 

"Sis?" sabi ni Sandy at hinawakan ang kamay ko.

"Ok lang ako." sabi ko. Paglingon ko ay tapos ng kumain ang dalawa at nagbabayad na si Jerome.

Tumawid at kasunod ko sina Marie at Sandy. Nakaakbay pa si Jerome sa babae at ang babae ay parang ahas na nakapulupot dito. Hindi yata sila napansin dahil hinalikan pa ni Jerome ang labi nung babae. Ah!! 

"Hindi ka kaya malunod sa ginagawa mong pamamangka sa dalawang ilog?" sabi ko.

Napalingon si Jerome at tila nawala ang lahat ng dugo nito sa mukha o kaya ay nag evaporate ang kaluluwa nito at nauna na sa impiyerno. 

"O bat di ka nakapagsalita ngayon Jerome? sino yan? LOLA MO?" sabi ni Marie. 

"Magsalita ka Jerome. Makikinig ako sa paliwanag mo. Siguruhin mo lang na maayos yan at matatakpan ang lahat ng nakita ko kanina." sabi ko. Hindi ko alam san nanggaling ang lakas ng loob ko. 

Tumingin si Jerome saken at ngumisi. 

"Matagal ko na gustong sabihin sayo na gusto na kitang hiwalayan kaso naaawa ako sayo. Kasi, pakiramdam ko dahil sa pagiging pakipot mo eh wala nang lalaki na papatol sayo." sabi ni Jerome habang nakatingin sa mata ko. 

"ANG KAPAL TALAGA NG MUKHA MO!!!" susugurin sana ni Marie si Jerome pero pinigilan ko lang.

Yun pala. Dahil pakipot ako? Dahil tinatanggihan ko siya tuwing gusto niyang may mangyari saming dalawa. At sa babae nato niya nakukuha ang hindi niya makuha saken. How Pathetic. Hindi niya matanggap na hanggang halik lang siya. Minsan na rin nitong tinanong kung bakit ayoko eh mahal ko naman siya, yun raw kasi ang pinaka da best na way para maExpress ang feelings. Tsk. Pero lagi kong sinasabi na hindi pako handa para sa bagay na yun.

Respeto.

Yun ang gusto kong maintindihan niya sa pagtanggi ko. Pero, mukhang hindi niya kayang ibigay yun.

"Huwag na SIS. Magsasayang ka lang ng effort at energy sa mga taong walang kwenta. Madumihan pa yang kamay mo sa paghawak sa balat niya" sabi ko. 

Nakikita ko ang shock sa mukha ni Jerome. 

"Bakit? Akala mo ba hindi ako marunong lumaban? hahaha.. nakakatawa ka Jerome. Naaawa ka saken? Huwag. Mas maawa ka sa sarili mo dahil sa pinaggagawa mo. Bakit? Masakit ba sa PRIDE mo na hanggang Halik ka lang saken? Na hindi ka nakakaScore? kawawa ka naman. Pero alam mo, mabuti na rin yang ginawa mo, pinapakita mo lang na hindi ka karapat dapat sa pagmamahal ko. Buti na lang hindi ko binigay sayo ang gusto mo dahil yun lang pala ang habol mo." sabi ko sa kanya.

Tapos ay binalingan ko ang makating babae na ang sarap ipakamot kay Wolverine.

"At ikaw Miss. GOODLUCK sayo. Pumulot ka na lang ng basura, yung bulok pa at umaalingasaw pa ang baho. SAyong sayo na yan kasi ang mga nabubulok, hindi narerecycle." sabi ko.

Tumalikod ako.

"Let's gO Girls."

Tila nabunutan ako ng tinik. 

Nilingon ko sina Marie at Sandy, ngumiti sila. 

"Way to go Girlfriend!!! woooohhh " sabi ni Sandy at tumawa kaming tatlo. 

"Cinderella found her Prince without taking off her clothes...

So can you." 

TEXT msg.

One Shot/Short Stories Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon