Song: Boys do fall in LOVe.
hehehehe. :-)
Sila ang tinaguriang "THE Perfect Couple" ng aming university. Sila ang may hawak ng Title na yun simula nung 2nd year HS kami at naging sila.
Si Jessa na tinaguriang Campus queen dahil hindi lang ito maganda at matalino kundi lahat pa yata ng talent sa mundo ay nakuha na nito. Member rin ito ng cheering squad ng aming university. Kinaiinggitan siya ng lahat hindi lang dahil sa maganda siya kundi dahil inlove na inlove sa kanya ang boyfriend na si Mikael Yulo. Siya yung tipo ng babae na kahit anong hilingin ay nakukuha nito sa ganda nito.
Si Mikael Yulo na tinaguriang Campus King. Lahat ng babae siguro pati mga bading ay may crush sa kanya, pati nga mga teachers eh nagpapacute pa. Siya ay Student Council President, basketball superstar at Lead Singer ng isang banda. Mahal na mahal nito ang gf na si Jessa at masasabi kong dahil din dun eh maraming nagkakandarapa sa kanya. Hindi lang siya basta gwapo, mabait siya at humble pa.
Oh Diba? Campus King at Campus Queen. Gwapo at Maganda. Perfect!
At may isang magandang bagay pang meron si Mikael,
AKO.
^_^)v
Si Mikael Yulo ay bestfriend ko.
Ops!
Hindi ito isang "Lucky im inlove with my bestfriend" story ha dahil may jowa ako na mahal na mahal ko. Kinukwento ko lang dahil alam ko may matututunan kayo sa storyang to.
"Kellyyyyyyy!! nandiyan si Mikael sa baba.. hinahanap ka.." sigaw ng ate ko.
huh? anong meron bat napadalaw to?
"Sige ate.. pakisabi bababa na ako.. may ayusin lang ako sandali.." sabi ko.
Inayos ko muna ang mga gamit at bumaba na. Hindi nako nag abalang mag ayos dahil wala naman pakialam si Mikael sa itsura ko.
Nakita ko siyang nakaupo sa sala at umiinom ng juice. May problema na naman siguro to o kaya may sorpresa na naman para sa MAGANDANG girlfriend niya na diko alam kung bat niya pinagtitiisan.
"O magpapasalamat bako sa polluted na hangin ng environment dahil napadpad ka dito o dapat magluksa ako?" nakangiting tanong ko.
Mukhang problema yata dala nito kasi haggard eh.
"kel.. Si jessa.... " sabi nito.
I knew it! Bull's eye! sabi na nga ba.
"O bakit? ano naman problema? " tanong ko kahit alam ko na naman kung ano.
"Nahuli ko kasi siyang may katextmate na iba eh.. lalaki pa.. nung tinanong ko siya, nagalit." sabi nito.
Ay! what do you expect Mikael? Eh feeling Diyosa naman kasi yang girlfriend mo. Maghanap kana kasi ng iba! yan ang gusto kong sabihin pero ang nasabi ko ay.
"Hello! Mikael naman, okay lang naman magkatextmate noh kahit may karelasyon, ako nga eh." sagot ko na lang, baka kasi mag away lang kami pag nilait ko yung girlfriend niya.
"Pero, iba naman sayo kel eh.. alam ko sayo for friends lang talaga. Likas na friendly ka sa lahat eh." sabi nito.
Alam ko ang tinutumbok niya kasi kilala ko si Jessa, hindi nga kami close pero nakakasama ko rin siya minsan at siyempre sa mga kwento ni Mikael eh parang bestfriend ko na rin sa Jessa sa daming alam ko sa kanya. Hindi ko naman masasabing flirt si Jessa, ano lang, she loves attention. Inientertain niya yung attention na binibigay ng iba sa kanya, kahit na lalaki pa. At nakakainis rin itong Mikael nato dahil nagtitiis at nagapapakmartyr talaga, kala mo hindi na siya makakahanap ng iba, sayang ang kagwapuhan, tanga lang. Siya na gwapo, loyal samantala yung mga lalaking (mawalang galang na po) kapangitan, sila pa mayayabang at playboy, feelingero. What's happening to the world?
BINABASA MO ANG
One Shot/Short Stories
Ficção AdolescenteCompilation po ito ng mga ONE shot stories na ginawa ko. Sana magustuhan nyo. "Life is like box of chocolates. You'll never know what you're gotta get." - Forrest Gump- Enjoy reading. Property of IsulatModatCom. Thou shall not plagiarize.