I SIGHED proudly as I watched the party which we organized in our mansion getting hyped up. It was successful! Halos lahat yata ng inimbita ko ay nakadalo at nakikipag tawanan na sa mga kakilala nila dito sa party. I am glad that they are having fun.
Actually, this is a charity party. Ang mga nakalap kong pera galing sa ticket fee na medyo may kamahalan ay mapupunta sa mga biktimang nasalanta ng bagyo sa Batanes. Pero yung iba ay sa mga DJs, bartenders, etc. that helped the party become livelier.
The party we're having is far from formal. Many of my schoolmates are chugging their alcoholic drinks like there's no tomorrow. Some are playing beer pongs, cards, darts and billiards.
May isa pa akong nakitang grupo ng mga lalaki na mukhang magkakaibigan na vini-videohan ang tropa nilang naiyak. Napakunot ang noo ko doon, heartbroken eh? Paulit-ulit pang nasigaw ng 'Umuwi ka na, baby. Mahal pa kita huhu!'
Lalong lumakas ang hagalpakan nilang magkakaibigan sa gilid ng pool. Kahit ako napailing nalang at napatawa sa nakita. Awit yon, lods.
Speaking of kaibigan, naglakad na ako at tinahak ang pasilyo papunta nasaan sila. May kalakihan ang mansion na ito na kasalukuyang tinitirhan ko, pero pinahintulutan ko lang ang mga dumalo na hanggang first floor lamang sila kasi malawak naman at sakop pa ang napakalaking pool.
Nakakabinging tugtog ang sumalubong sa akin pagkapasok ko sa isa sa living room na tila naging nightclub na, halos lahat kasi ng nandoon ay nag sasayawan. Nakatabi na ang mga muebles na maaaring mabunggo at mabasag. Pati ang stainless sofa that was created with a solid finish and a numerous curves that created a W shape design ay nakatabi na din. Making the room more expansive. Enough for these party goers to make this a dance floor.
"Hey! Lurienne, right? This party is damn lit," harang sa akin ni George, one of the varsity player in our school.
''Yep! Thanks. Salamat sa pagpunta." I chirped, and fixed my maroon dress partnered with Dr. Martens ankle boots.
''Heard this is a party for a cause? I would like to donate, and help too.'' He said again, with a bit of shyness. I acknowledge him and give him information on how to donate. At nagpaalam na din pagkatapos. Thought he was a jock at first, but there is more than meets the eye, I guess.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad, many were greeting me and thanking me for inviting them. Madami ding gusto mag donate kaya lalo akong natagalan. Dami nilang pera eh, sana all. Pero ayos na din, madaming tao ang matutulungan. Barya lang naman sa kanila ang pera. Sayang at hindi ako nakautang, biro ko sa sarili habang papunta sa likod ng mansion.
Doon nakita ko ang mga kaibigan ko na lumalamon at paunti-unti lamang ang inom. Nakabilog sa blanket na kala mo'y nag pipicnic. Ang weird nila, party nga eh, tas makikita kong para lang silang nagpipicnic dito sa damuhan?
Siguradong mamaya pa maghahasik ng lagim ang mga ito. Lumapit ako sa kanila at nakikuha din ng potato chips at nachos na kinakain nila.
''Hoy! Akin yan eh! Give me that, favorite ko 'yan!" iritang sabi ni Yury sa lagi nyang kaaway na si Tyler. Nag aagawan kasi sa iisang softdrink, e ang dami-dami naman noon sa beverage refrigerator sa may kusina. Ang bobo lang. Parang mga aso't pusa, kulang nalang may mag bigay ng kutsilyo dahil talagang mukhang magpapatayan sila.
''Kiesha, towel oh. Ang ikli ng suot mo, gaga!'' sambit ni Cain, at umupo na din sa may blanket. Tinanggap naman yun ni Kiesha at tinakpan ang hita nya.
''Oh, ayan na pala pasimuno ng party na 'to eh!" sigaw ni Kiesha, kaibigan ko din. Maliit pero ang lakas ng boses. Pumalakpak pa s'ya, nag mukha tuloy siyang sea lion. Anliit nya kasi diba, tapos suot pa nya ay kulay grey na satin long sleeve mini dress. Cute naman.
YOU ARE READING
Comfort Crowd
Teen FictionWhere can you found your comfort in this tiresome world? Once you found it, what are you gonna do with it? These questions always run on Calden Deswood's mind. A one shot story.