P R O L O G U S

89 6 4
                                    

 

"Wag! Maawa kayo! Wag!" umiiyak na pakiusap ng isang babae habang patuloy na nilalabanan ang mga taong nakahawak sa kanyang magkabilang braso.

Ngunti sa kasamaang palad ay lubhang mas malakas ang mga iyon kumpara sa kanya at kahit anong gawin niyang paghuhulagpos ay hindi siya makawala.

"Anak! Hindi! Wag ang anak ko! Parang awa nyo na!" patuloy niyang pagmamakaawa sa mga kawal na nakapalibot sa kanya.   "Pakiusap! Ako nalang! Ako nalang...." 

"Tumahimik ka!" at isang malakas na sampal ang ipinadapo ng lalaking nasa harapan niya sa kanyang pisngi.

Hindi siya tumigil sa pagtangis at pagmamakaawa. Hindi. Hindi nila dapat parusahan ang kanyang anak. Wala iyong kasalanan. Kung meron mang nagkamali ay siya yun.. at hindi ang kanyang mahal na Luna. Siya ang dapat sisihin sa lahat.

Napalinga siya sa paligid.Marami nang tao ang nakatayo at nagmamasid sa mga susunod na mangyayari. Hindi mababakasan ni kaunting pagkahabag ang mga mukha ng mga iyon bagkus ay napupuno iyon ng kasayahan sa masasaksihang kamatayan. Siya lang ang bukod tanging naghihinagpis.

Napako ang kanyang paningin sa harapan at muling nakaramdam ng matinding galit at kalungkutan. 

Sampung metro mula sa kanya ay isang maliit na entablado na yari sa kahoy. Sa gitna ng maliit at tila marupok na entabladong ito ay may nakatayong poste na may nakausling tila isang sanga ng puno. At sa sangang iyon ay may lubid na naglalandas mula sa likurang bahagi ng entablado.

Batid niya kung ano at para saan gagamitin ang entabladong iyon.

"Hindi! Maawa kayo! Ako! Ako ang may kasalanan ng lahat!" lalo siyang nagpumiglas, hilam na hilam sa luha ang kanyang mga mata. Hindi maari... ang kanyang anak.

"Sinabi nang tumahimik ka!" at isang sipa ang pinakawalan ng lalaking may hawak sa kanan niya.

Tumama iyon sa kanyang sikmura at napahiyaw siya sa sakit na naramdaman. "Ugghh.." napadaing siya sa sakit.

"Kung hindi ka pa tatahimik---"

Naputol ang pagsigaw ng lalaki nang biglaang bumukas ang napakalaking tarangkarahan ng palasyo ng mga De Vir. At mula roon ay iniluwa ang isang eksenang lubos niyang kinatatakutan.

"ANAK!" 

Ang kanyang nagiisang anak. Ang kanyang napakagandang si Luna na wala namang ibang ninais kundi ang pagginhawa ng kanyang mahal na ina.

Ngayon ay walang habas na kinakaladkad ito ng dalawang kalalakihan na pawang nakasuot ng itim na kapa. Nababanaag mula sa kinalalagyan niya ang tatak ng De Vir na nasa harapang bahagi ng itim na kapa ng mga ito. 

Ang kanyang anak ay nadadamitan ng purong puting roba at inilugay ang mahaba at itim na itim na buhok niyon. Naalala pa niya na malimit niya iying suklayin tuwing bago matulog....

Ang maamo at napakagandang mukha nito ay hindi mababakasan ng pagkatakot at kalungkutan. Bagkus ay nakapinta rito ang isang matamis na ngit na para bang sinasabi nitong ito ang nanalo sa isang laro sa pagitan ng Buhay at Kamatayan.

"Anak! Anak ko!" pagtawag niya rito. Ngunit ni hindi man lang siya nito nilingon. Payapa lang itong nakamasid sa mga taong kasalukuyang humihiling ng kamatayan.

"Patayin siya! Patayin!"

"Taksil!"

"Isang mababang uri ng babae!"

"Hatulan ng kamatayan!"

Napuno ng ingay ang kanina lamang ay tahimik na kapaligiran. Nagkakaisa ang lahat. Nais nilang hatulan na ng kamatayan ang kanyang pinakamamahal na anak.

"Maawa kayo! Ako nalang! Ako nalang ang patayin nyo!" pagsusumamo niya, at naglulumuhod na sa pagmamakaawa. Ngunit tila ba walang naririnig at naging bato na ang puso ng mga naroroon. Wala na silang nais na mangyari pa kundi ang masaksihan ang kamatayan ng babaeng nasasakdal.

"WAG! PARA NYO NANG AWA!" 

Ngunit sa kabila nang kanyang pagmamakaawa ay ipinanhik parin sa munting entablado ang kanyang anak. Iniharap ito sa madla at iniumang ang lubid sa ulo nito. Lalong nag ingay ang mga tao at isinigaw ang kanilang nais na kamatayan.

"WAAAAGGGG!!!" lalo pa siyang nagpumiglas. Ngunit wala siyang magawa sa lakas ng mga pumipigil sa kanya.

Isang matamis at matagumpay na ngiti ang sumilay sa mga labi ng kanyang anak. Inilibot nito ang paningin sa mga taong humihiling ng kanyang kamatayan na tila ba tinatandaan nito ang mukha ng bawat isa. Sa huli ay tumigil ang mga mata nito sa kanyang kinaroroonan. Lalong lumawak ang pagkakangiti nito at marahang tumango. Tumingala ito sa kalawakan at matagal na pinagmasdan ang bilog na buwan. Matapos ay ibinaba nito ang tingin sa mga mukhang nasa paligid.

Lumuwang pa lalo ang pagkakangiti nito na unti-unting naging isang malakas at nakakapanindig balahibong halakhak.

"I benedixirit tibi.. I benedirixit tibi.." paulit-ulit na wika nito habang patuloy na humahalakhak.

"Isinusumpa ko kayo.. Isinusumpa ko kayo.. Hahahaha!!" 

Kasabay ng tila nababaliw na halakhak nito ay ang paghampas ng malakas at malamig na hangin. Namatay ang mga nakasinding sulo at kagyat na dumilim ang kapaligiran.

Binalot ng matinding takot ang mga taong naroroon ngunit wari bang itinulos sila sa kanilang kinatatayuan. Wala ni isa man sa kanila ang nakatakbo palayo sa pagkatakot.

"I benedixirit tibi... I benedixirit tibi.."

Tila lumulutang sa hangin ang mga katagang iyon at nanunuot sa kanilang pandinig.

Matapos ang tila mahabang sandali ay muling sumilay ang buwa mula sa mga ulap at tinamaan ng sinag nito ang babaeng nasasakdal.

Dilat ang mga mata nito na nakamasid sa kanila habang nakabitin sa munting entablado..

At wala nang buhay...

********

I Benedixirit Tibi is A latin sentence that means.. " I WILL CURSE YOU"

 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 12, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

EQUINOX ( The Moon's Curse )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon