Story #2

13 2 0
                                    

TOO LATE TO APOLOGIZE🍀
Romance/Tragic
DstnyVn_07

"Babe! Ba't ganyan suot mo sa date natin!", reklamo ko na naman sa boyfriend ko.

Ganito na lang siya palagi. Nakakapagod. Ako yung nahihiya para sa kaniya. Magda-date kami, naka short lang siya tapos nakasimpleng T-shirt lang habang ako, naka dress. Akala niya siguro, sa karenderya lang kami kakain. Hay naku!

"Uhmm babe, sorry. Wala kasi akong magarang damit. Hayaan mo mag-iipon ako", tugon niya naman.

Bakit ba kasi pumatol ako dito. Alam ko naman na hindi ako kayang buhayin nito.

"Halika! Sama ka muna sa bahay! Pahiram ko na lang muna sa'yo iyong damit ni kuya!", inis na sabi ko sa kaniya.

"Wag na babe, nakakahiya"

"Nahihiya ka pa pala!? Kaya pala ganiyan suot mo!?", sarkastikong sabi ko.

Tumingin siya sandali sa damit niya at nahihiyang tumingin sakin.

"Hayaan mo na lang babe. Hindi naman sagabal to sa date natin", sabi naman niya.

Hayst!

Napabuntong-hininga na lang ako. Wala na kong magawa kaya inaya ko na lang siya na tumuloy na sa date namin.

Sumakay kami sa taxi— na ako naman ang magbabayad pati date namin. KalaIaking tao, ako pa pinagbabayad!

Sa wakas, nakarating rin kami sa sikat na restaurant. Bumaba na kami sa taxi at dumiretso na sa loob.

Napahanga ako nang nakita ko ang loob nito. Chandeliers all around. Mga magkasintahang alam mong mayayaman. As I've seen their clothes, naala-ala ko na naman and damit ng boyfriend ko. Parang basahan lang yung sa kaniya kumpara sa iba. Nakakahiya!

Pumasok na kami, and as we entered the restaurant, agad na nag bulong-bulungan ang mga tao habang nakatingin sa amin na mas ikinahiya ko pa lalo.

"Hindi ba sila nahihiya, naka t-shirt tapos short lang dito"

"Ginagawa ng lalaki yan dito?"

"So poor"

Binalot ako ng hiya. Tumingin ako sa boyfriend ko nang may nakita akong likido sa mata niya at tuluyan ng tumulo iyon. Inaya ko muna siya lumabas. Hindi ko na hinintay ang sagot niya at dali daling kinaladkad siya palabas.

"Look what you've done! Nang dahil sayo napahiya tayo! Sabing magbihis kasi!", galit na sambit ko sa kaniya pagkalabas agad.

Nakayuko lang siya habang patuloy sa pagtulo ang mga luha niya.

"Okay! I'm done with us Ray! Hindi ko na kaya!", pagpapatapos ko sa'min.

Gulat siyang napatingin sakin at nadagdagan pa ang mga luha niya.

"Pero, babe—", agad na pinutol ko yun.

"Alam ko naman na hindi mo ako mabubuhay! Alam ko naman na wala kang kakayanan. Nakakahiya ka. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumatol sayo!", harap-harapan kong sabi sa kaniya sabay talikod.

"Sandali, Reign!", saad nito pero pinagpatuloy ko lang ang lakad ko. "Oo na!", sigaw niya na napatigil sakin. "Oo na! Papakawalan na kita! Oo na! Aaminin ko na!", pagpatuloy niya kaya lumingon muna ako sa kaniya sandali sabay cross arm. "Wala akong maipagmamalaki sayo sa ngayon. Hindi kita kayang buhayin ngayon dahil umaasa palang ako sayo. Sinasabi ko na ayaw kong gumastos ka pero ikaw naman ang namimilit! Hindi kita pinipilit na gumasta ng malaki. Ang sabi ko kahit simple lang. Sinasabi ko naman sayo na babawi ako. Babayaran ko lahat ng pinaghirapan mo sa'tin! Kaya nga nag-iipon na ko eh!"

ONE-SHOT STORY COMPILATIONWhere stories live. Discover now