PART 2: IT’S NEVER TOO LATE TO APOLOGIZE🍀
Romance
DstnyVn_07Eto na ata ang pinakapinagsisihan ko. Ang sakit talaga eh. What if kung kami pa nun? Ano kaya ang buhay namin ngayon? What if pinanindigan ko ang pagmamahal ko sa kaniya? Daming "what if's" ko sa buhay na alam ko naman na hindi na masasagot kasi nga ang tanga ko. Pera lang ba talaga ang habol ko? Sana may chance pang magbago. And I'll try my best to grab that chance.
-----
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Hindi talaga ako makapaniwala. As in hindi. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot. Kyaaahhhh! Okay, ikuwento ko na!*Flashback*
3:00 pm. Andito ako ngayon sa mall nagshoshopping. Busy na naman sa kakapili— kahit di naman ako pinili... nang nadatnan ng aking mata ang isang pamilyar na babae. I think, I've already seen her before. Saan kaya iyon? She looked at me and smiled. Kaya kahit nagtataka ako nagsmile na rin lang, bastos naman ata pag inignore lang. Tapos, lumapit siya sakin. Hinawakan niya ako sa balikat sabay hagalpak ng tawa.
"HAHAHAHAHA!", lakas na tawa niya na ikinatataka ko. Kaya kahit awkward, nakitawa na lang din ako kahit peke. Tumigil na siya sa kakatawa sabay punas ng luha. "Remember me, Keisha?", sabi niya na ikinalaki ng mata ko. Kaya pala pamilyar eh!
"Ahhh. Kaya pala pamilyar ka! Kanina pa ko nag iisip kung kilala ba talaga kita. Kamusta kayo ni Ray?", tanong ko.
Tumawa na lang sya ulit ng malakas na kinainis ko pero tumigil din agad.
May sayad ata?
"Prank lang iyon!", sabi niya na mas ikinatataka ko.
"Anong prank? Di kita maiintindihan!", inis na sabi ko.
"Ganun na ba talaga ka bata iyong itsura ko para mapagkamalang girlfriend niya, fiancé rather? I'm his sister", sabi niya sabay tawa ulit.
Mas lumaki pa ang mga mata ko. Baka biro lang to! May sayad na nga talaga tong si Keisha.
"Hahaha. Joker ka rin pala Keisha! Mana ka talaga sa kaniya no. You're really meant for each other talaga. Hahaha!", sabi ko sa kaniya na dahilan upang tumawa ulit siya.
"Eto na ikuwento ko na!", sabi niya. Kaya kahit 'di ako naniniwala nakinig lang ako.
"Remember, in the restaurant?", tanong niya kaya tumango ako bilang sagot. "Dahil glass naman iyon, makikita naman ang sa labas diba?", tumango lang ulit ako. "Nakita ka namin papasok pa lang. Sabi ni Ray magtatago raw ako tapos magkunwari raw akong fiance niya. So as her supportive sis, ginawa ko naman. So sa CR ako nagtago pero nakatingin parin ako sa'yo. Parang naghahanap ka ng mauupuan. At tama ang hinala ko, na mapapansin mo siya. Nakita ko sa itsura mo na pinipilit mo pang nirerecognize yung itsura niya but then tumakbo ka sa kaniya. And that point alam ko na nakilala mo siya. Kinukuwento ka talaga sakin niyan. Nakita kita, yakap-yakap mo na siya habang may binibitawang salita. Pero di ko marinig yun. So pinaupo ka niya habang umiiyak ka. Naawa na ko sayo kasi nga para ka ng ewan don kakaiyak. Ilang minuto rin ang nakalipas, lumabas na ko. Tapos ayun, alam mo naman ang sunod. Hahahahaha!", paliwanag niya sabay tawa ng malakas.
Hindi talaga ako naniniwala. Kailangan na talagang ipamental to si Keisha!
"It's up to you if maniniwala ka o hindi. Basta ito last na sasabihin ko sayo. Mahal ka pa nun. Araw-araw, iniistalk ka palagi sa social media acc. mo. But promise me, just don't hurt him again if nagkabati kayo", sabi niya.
YOU ARE READING
ONE-SHOT STORY COMPILATION
AcakBored? Here! Read and Enjoy my free one-shot stories! ©2020 All rights reserved. Plagiarism is a crime.