CHAPTER 8

14.1K 154 1
                                    

Si Armand na ang sumunod kong tinakbuhan.

Nasa lab siya noon nang puntahan ko. Kakatapos lang ng klase nya

Ipinakita ko sa kanya ang marka ng kagat sa aking balikat.

"How did this happen?" ang tanong niya.

"Hindi ko alam. Basta nagising nalang ako na may ganyan na.."

"That is impossible! Hindi mo man lang naramdaman?" tanong niya.

Wala akong maisagot. I was guilty in all aspect.

"Please, tulungan mo akong alamin kung ano ang kumagat sa akin?"

Pakiusap ko kay Armand.

Kumilos siya.

May ipinahid siyang parang clay sa balikat ko, doon mismo sa may kagat.

Mabilis natuyo ang clay. Nang tanggalin niya, parang pustisong naisalin sa clay ang marka ng kagat.

MAs lalo ko iyong natitigan.

"Malalim ang pangil....Parang bampira."

Kinabahan ako. Hindi ako naniniwala sa mga ganoong kalokohan, and yet..."

"Sigurado akong hindi ito kagat ng tao" ang sabi ni Armand.

"Eh ano?"

May kinuha siyang isang makapal na biology book sa shelf. 

Binuksan iyon sa bandang gitna.

May ipinakita siya sa aking picture.

Picture iyon ng set of teeth ng isang hayop.

Nang icompare namin ang marka ng kagat sa balikat ko, at ang picture na set of teeth ng hayup, magkamukha iyon.

Hindi ako makapaniwala nang sabihin ni Armand kung anong hayup iyon.

"Bayakan," ang sabi niya. "Isang malaking paniki"

The Nightsly VisitorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon