1

0 0 0
                                    

Sa loob ng isang linggo ay wala akong ginawa kundi ang gumawa ng projects na malapit na ang due. Minsan ay sa bahay ng kaklase at minsan ay sa bahay namin. 

I tried talking to Ismael through Bumble pero malimit lang siyang mag reply. It's fine tho, atleast we talk. Ilang beses ko rin siyang nakasalubong sa loob ng Campus, I'm tempted to approach and greet him pero nahihiya, dahil baka hindi niya ako pansinin. 

Ngayon nga ay linggo at napag usapan namin ng group mates ko sa isang project na dito sila sa bahay ngayon. Wala pa man ay busy ako sa pag prepare ng pagkain para sa kanila, actually nakapagluto na si Mommy ng pagkain namin bago siya umalis papuntang trabaho. Prepare ko lang kasi maya maya ay narito na ang mga kaklase ko. 

Tinawagan ko si Jake na nasa loob ng kwarto ko, si Jay naman ay nasa sala at nanunuod ng TV. Hindi ko alam kung bakit narito sila sa bahay ngayon kasi tuwing linggo ay nererequire sila ni Titang dalawin ang ibang pinsan namin, I just can't go with them today dahil may group project nga akong gagawin. 

“Bumaba kana diyan. Kumain na kayo ng kapatid mo roon” utos ko. 

Naabutan ko siyang may kausap sa telepono. Girlfriend maybe. Nakakatuwa rin kasi na ang tagal na nila noong ka-ldr niya, dalawang taon na rin siguro. Sanaol. 

“Hindi ka talaga sasama today?” pangungulit pa rin ni Jake sa akin kahit nasa hapag na kami. 

“Hindi nga. May project kaming hagawin. Kulit mo” 

“Darating si Ellie ngayon. Sumunod ka pag tapos niyo” inirapan ko siya. 

“May next time pa naman, Jake” ani ko habang nilalagyan ng kanin ang plato ni Jay. 

Kaharap nito ang cellphone ng kanyang Kuya ngayon. Nanunuod ng youtube. 

“Jay, stop na ang panunuod. Kumain kana” saway ko at kinuha ang cellphone sa harao niya. 

Aangal pa sana ang pinsan ko, pinanlakihan ko lamang ng mata. 

Nang matapos kaming kumain ay inutusan kong maglinis ng plato si Jake, si Jay naman ay lumabas, nag punta na naman sa kapitbahay. 

“Okay lang ba sayo kung ipakilala ko si Ryder kay Ellie?” tanong ni Jake. 

Nanlaki ang tenga ko dahil doon. Bakit kailangan niya pang itanong sa akin iyon? Wala naman akong say kung ipakilala niya iyong kaibigan niya sa pinsan namin. It's not like may karapatan ako para pagbawalan sila. 

“I have nothing to do with him. Why ask me?” nilingon ko ng tuluyan si Jake. Tinaasan ko siya ng kilay. 

Nagkibit balikat siya, hindi ako tinitingnan. 

“As if you didn't mourn for months because of what he done” 

I sighed. Oo nga pala, siya nga pala ang kasama ko noong nabroken ako sa kaibigan niyang gago. 

“I don't like him anymore, couz. May iba na akong gusto” ani ko, hindi maiwasang ngumiti nang maalala ang naging interaction namin ni Ismael noong isang linggo. 

“Iyong kapitbahay niyo?” nilingon niya ako kaya kinindatan ko siya saka ipinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. 

Alas dies nang dumating ang mga kagrupo ko, nakaupo sila sa sala at agad na nagkalat ang mga gamit namin doon. 

Si Jake ay nasa aking kwarto, samantalang si Jay naman ay hindi pa bumabalik mula ng umalis siya kanina. Saan na naman nag punta ang spoiled brat na 'yon? 

“Ikaw lang mag isa dito ngayon, Luck?” tanong ni Grace, isa sa kagroupmate ko. 

I nodded. Ipinatong ko ang tinimplang juice sa table na naroon saka nagpaalam na hahanapin lang ang batang pinsan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Transition Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon