UNO - Reminisce

22 0 0
                                    

"Happy birthday to you, happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday to you" ♬♬

"HAPPY BIRTHDAY SAMANTHA!" sabay sabay na bati ng mga bisita niya.

"Thankyou po" pagpapasalamat ng isang napakagandang bata sa mga bisita neto.

"Happy birthday baby!" bati ng tatay nito sabay buhat sakanya. "Ano, nagustuhan mo ba itong birthday party mo?" tanong neto sa anak.

"Yes daddy, thankyou." sabay ng pagpapaulan ng halik sa kanyang ama at pagyakap nito. "And dad, I'm not a baby anymore. I'm 7 years old na eh. I'm a big girl na, okay?"

"Hahaha. You're really such a cutie. You're always be our princess Sam. Happy birthday baby!" bati naman sakanya ng nanay niya habang binigyan naman neto ng halik ang anak at asawa.

"Woooah mommy! Imissyou mommy! *sobs* Imissyou. Bakit *sobs* ngayon ka lang *sobs* dumating? *sobs* and Where's kuya? I mith him na eh" tanong ng bata habang nakayakap sa nanay niya.

"Sorry baby. May inasikaso lang ako. Naiwan ang kuya mo Pero sabi niya babawi daw siya sayo" pagpapaliwanag neto sa anak niya. "Pero may gift ako sayo!"

"Woooah! Ano yun mommy?" Pagkamanghang tanong neto sa nanay.

Naglabas naman ng isang itim na kahon na may pulang laso ang kanyang ina at ibinigay ito sa anak. "May isang mas maliit na kahon jan anak. Bubuksan mo lang iyon kapag 16 years old ka na. Okay?"

Tumango tango balang ang bata dahil sa kanyang murang edad ay nakakainitindi na ito sa mga bagay bagay. Binuksan naman ng bata ang regalo na binigay sakanya ng kanyang ina at pagkabukas neto ay nagningning ang kanyang mga mata. (A/N Ang lalim ata sorry na XD)

"Wooooah mommy! Chuliken?! (Shuriken) Woooah, i layt it (i like it) mommy. Thankyou" pagpapasalamat neto sa nanay niya.

Binuhat naman siya ng kanyang ama ata hinalikan. "Hahaha. Tuturuan kita niyan gumamit bukas baby. Okay ba?"

"Yeth daddy! Yey *clap clap*" masayang sagot naman ng bata.

"Okayyy. So bago nun. Ienjoy mo muna birthday party mo baby ha?" at pumunta sila sa stage para sa Blowing ng candle.

*Boom!*

*Boogsh!*

*Bang!*

Pagkatapos ihipan ng bata ang kandila ay bigla namang pagsabog sa kabilang parte ng gusali at pagrinig ng putok ng baril. Lahat ng tao ay nagtakbuhan upang umalis at iligtas ang sarili nila. Ngunit nasundan naman ulit ito ng isa pang pagsabog na naging dahilan upang gumuho ang kabilang parte nito.

"Mommy! Daddy!" Sigaw ng bata habang nakikita ang kanyang mga magulang na pomoprotekta sakanya.

"Baby, mag sasabihin ako sayo ha? Lets play hide and seek okay? Pero sa labas ka magtatago okay? Alam mo naman yung hidden stairs pababa palabas diba baby? Duon ka dadaan baby okay? Magtatago ka sa mga puno baby ha? Pag may nakita kang tao magtago ka kasi isa din yun sa taya. Okay ba baby? Alam mo namang madaming puno duon tapos lalabas ka sa isang high way. Iclick mo lang ito baby." sabay bigay sa kanya ng bracelet na may button na umiilaw. "Pag nakita mo sila tita mo Evilla sasama ka sakanila, okay ba baby?"

"*sobs* Pano kayo ni mommy, daddy?" pag aaalalang tanong ng bata.

"Okay lang baby. Kami yung taya eh, diba? Osige baby. Tago kana. Magbibilang ako 1-10. Okay baby? Ingat ka. Mahal na mahal kita. Mahal ko kayo ng kapatid mo. Protektahan niyo ang isat isa. Iingatan niyo sarili niyo ha? Yung gift ni mommy wag na wag mong ibibigay sa iba. Okay baby?" sabay halik nito sa bata. "Sige baby. Game na. 1...2...3..."

"O-okay daddy"  *sabay kaway neto sa mga magulang*

"Thats my girl. Takecare, iloveyou" pagpapaalam neto sa anak.

Tumakbo na ang bata palabas at habang tumatakbo ay nakarinig na ito ng mga putok ng baril. Mas binilisan nito ang pagtakbo at nakarating na sa isang gubat. Alam niya na ang mga pasikot sikot dito dahil dito silang magkapatid pinupunta ng kanilang mga magulang paminsan minsan dahil sa mga ibang pagsasanay.

Ngunit may isang lalaking nakasunod sa bata. Tinangka nitong barilin ang bata ngunit mabilis itong nailagan ng bata. Marunong ito dahil sa murang edad ay sinanay na sila ng kanilang mga magulang. Dalawang lalaki pa ang nakasunod sa bata. Walang ginawa ang bata kundi umilag at magtago.

Pinaputukan ng lalaki ang bata at nadaplisan ito sa paa. Napaupo ang bata sa sakit ngunit ngayo'y hindi na ito umiyak.

"Ano bata. Makikipaglaro ka pa ba? *smirk*" tanong ng isang lalaki na nakatama dito.

Tumingin lang ito sa mga lalaki ng walang emosyon at nagbigay ng isang malamig at nakakakilabot na titig.

"Wala ka nang magagawa bata. Pinatay na nila mga magulang mo. Ikaw at ang kuya mo ang isusunod. Hahahahahaha" sambit ng isang lalaki.

Nang marinig iyon ng bata ay biglang napatingin ulit ito sa mga lalaki.

Hindi makapaniwala ang mga lalaki sa nakita. Ang mata ng bata ay nagiba. Ang berdeng kulay ng kanyang mata ay nabahiran ng pula. Hindi na nakontrol ng bata ang emosyon.

"Demonyo! Isang demonyo!" Sigaw ng isang lalaki. Papaputukan na sana nito ang bata ngunit...

Isa isa nitong nilabas ang mga shuriken at pinagbabato ito sa mga lalaki at sa sobrang bilis neto ay di nila namalayan na natamaan sila sa puso. Napahiga ang mga lalaki at di makapaniwala sa nangyari.

Naghihikaos na ang mga ito ng lapitan sila ng bata at hinugot ang mga shuriken at binaon ulit ito sa kanilang mga puso.

Nagulat ang bata sa nagawa. Ng kumalma ito ay tumakbo ito palabas ng gubat at tumigil sa isang high way. Pinindot nito ang button kanyang bracelet at umiiyak na umupo sa tabi.

Dumating na ang kanyang tita Evilla kasama ang mga butlers at guards neto. Nagaalalang pinuntahan ito ang kanyang pamangkin na may bahid na dugo sa kanyang magandang blusa.

"I killed them. *sobs* I KILLED THEM! Im sorry mom and dad. Im sorry tita *sobs*" sigaw ng bata.

"Ssssh. Dont be sorry Sam. Stop crying. Hindi mo kasalanan yun. Tahan na." pagpapatahan ng tita nito sa bata.

Binuhat nito ang bata papasok sa sasakyan at pinagpahinga.

Nasa kalagitnaan na sila ng biyahe ng biglang

*Boom!*

*Bang!*

*Boogsh!*

sumabog ang sasakyan na nasa likod nila. "Sht!" sigaw ng tita niya. Bigla namang nagising ang bata sa pagsabog at nagaalalang tinanong ang kanyang tita. "Tita---" ngunit hindi na nito naituloy ang sasabihin ng mabaril ang nagddrive ng sasakyan nila na naging dahilan upang mabangga ang kanilang sasakyan sa isang malaking puno. Niyakap siya ng kanyang tiyahin upang maprotektahan nito. Ngunit hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil nakaramdam na siya ng paghilo at pagdilim ng nakikita nito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 29, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bloedige Prinses (Bloody Princess)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon