"You look good today." he said while looking at me with a smile.
"Ikaw din naman, sobrang saya ko ngayon."
"All i want is to make you happy, you deserve it because i love you. Siguro kung papapiliin ako ng magiging next girlfriend ko, ikaw parin ang pipiliin ko."
He kissed my hand and still hold it.
Hindi ko namalayan kanina pa ako nakatulala dito habang nakaupo sa loob ng Jollibee. May usapan kami ni Liam na magkita dito. 30 mins na akong nag hihintay pero wala parin sya. I called him so many times but his phone was just ringing, no one answering it.
Sa paghihintay ko sa kanya kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko na mga memories naming dalawa na hindi na namin masyadong nagagawa ngayon.
Biglang nag ring ang cp ko, may tumatawag. "Hello"
"Hello baby..." isang matamis na ngiti agad ang lumabas sa mga labi ko.
"Bakit ka napatawag?"
"Hmm may ginagawa kaba?"
"Wala naman, bakit?"
"Labas ka muna sa bahay nyo silip ka sa gate."
"Huh anong meron--"
Biglang binaba ang tawag kaya wala akong nagawa kundi ang bumaba nalang. Pagkabukas ko ng gate nakatayo sya sa may gilid may dalang bulaklak at mga pagkain.
"Hala wait di pa ako naliligo."
"Hahahaha okay lang, di na ako mag tatagal hinatid ko lang talaga ito sayo." He kissed my lips gently.
"Babye, ingat ka iloveyouuu."
Hindi ko namalayan, may kaunting luha na tumulo sa aking mga mata. Nasan kana ba? halos mag 1 hour na akong nag hihintay pero hindi parin sya dumadating. Sa sobrang inis ko umuwi nalang ako, alam kong hindi na sya dadating, malabo na.
I go to my room, i locked the door and cry. Baka may emergency lang kaya di sya nakapunta. Pero paulit ulit nalang. I just prefer my self for his reason later.
After an hour i received a message.
:Sorry nakalimutan ko, bawi nalang ako bukas.
Wth! He forgot about me? it just once in a week why did he forgot? wala akong magagawa kung hindi ang intindihin sya.
"Goodmorning." he came in the house.
"Tara pasok."
Pumunta ako sa kusina para kumuha ng maiinom nya habang nag hihintay sa sala. Bakit parang nakapang alis sya? Wala naman kaming usapan na aalis kami.
"Naghintay ako sayo kahapon ng halos 1 hour."
"Sorry Macy."
"M-macy? what's the purpose of our endearment?"
"Promise babawi ako sayo."
"Tell me, anong mali sakin? Lagi nalang tayo ganito. Mahal mo pa rin ba ako? May iba kana ba?"
Sunod sunod yung tanong ko, kusang tumulo ang luha sa aking mga mata. Sana nagkakamali lang ako ng iniisip. Hindi na kami tulad ng dati, nagbago kana hindi na ikaw yung dating kilala ko. Wala na yung dating tayo...