Chapter Four

14 1 0
                                    

"YES Eclipse.. forever.."

Pagkatapos nyang sabihin yun, nag pinky-swear kami. Ang hindi tumupad, lulunok ng isang tabong pako. At syemperd, wala akong planong lumunok ng ganung kadaming pako.

Nakauwi na kami. Pagod na pagod ako pero okay lang naman. Ang mahalaga, kasama ko siya.

Kinabukasan, naalala ko na yung tungkol sa forever globe/ music snow globe namin ni Kuya.

Tinanong ko kay Nana Lucia (yaya ko mula pa bata pa ko) kung may nakita siyang snow globe. Wala naman daw.

HALA! NA-MISPLACE KO ATA! PATAY AKO NITO!

Hinanap ko siya buong araw.

Hindi ko talaga makita. Nanlalambot na ko kasi hindi talaga ako kumain ng tanghalian. Kinakatok na ko ni Nana kasi nagwo-worry na siya. Sabi ko, hinding-hindi ako lalabas ng kwarto hangga't hindi ko nakikita yung snow globe.

Ngumangalngal--opo, nangalngal na po ako sa literal na galawan--dahil nawawalan ako ng pag-asang makikita pa yung forever globe NAMIN ni Kuya DanDan.

Hanggang may kumatok sa pinto ng kwarto ko.

"Nana, hindi nga po ako kakain hangga't hindi ko po nakikita yung snow globe ko!" malakas kong sabi pero hindi pasigaw.

"Sweetheart, open the door please.." it was Kuya DanDan's voice. Pinunasan ko yung mga luha ko.

I was still sobbing when I opened the door. Basa pa yung buhok niya. Halatang bagong paligo.Then I smell the familiar scent coming from him. It calms my nerve in mysterious way..

"Sweetheart, bakit ka nanaman umiiyak?" he lowered his body to met mine.

"Kuya, nawawala yung forever globe natin." I'm still cryin'. He held me into his arms and kissed my forehead.

"Don't cry anymore, sweet. Tara, sama ka sakin. Punta tayo sa bahay.." he gently said then held my hand. I still wipping my tears.

Ipina-alam nya ako kay Nana Lucia na sa bahay na lang ako pakakainin. Bumakas naman yung relief sa mukha ni Nana Lucia.

"S..s..s-orry, N-nana.."

"Okay lang. Hala sige, pumunta ka na kina Danielle ng maka-kain ka. Kanina pa kita kinakatok, pero hindi pa rin nalabas. Malamang gutom ka na?" the concern was laced in Nana's voice.

I nodded. Sumabay pa yung pag-kalam ng sikmura ko. Ang bad ng mga alaga ko! Ngayon pa nag-paramdam kung kailan kasama ko si Kuya! Natawa ng malakas si Kuya.

Pagdating namin sa kanila, nakita ko agad na lumapit samin si Mommy Jas. Tinanong ako ni Mommy Jas.

"Yung forever  globe po kasi namin ni Kuya DanDan eh, nawawala.." mahina kong sabi.

Tinanong kami ni Mommy Jas kung saang lupalop ba daw kami nag-'DATE' ni Kuya. Umangal si Kuya, tumawa si Mommy. Hindi ko napigilang mapangiti kahit naiyak ako. Atleast, ina-acknowledge ako ni Mommy Jas bilang future wife ni Kuya DanDan. Kinikilig ako..

Pinakain muna ako ni Mommy Jas. Sumabay sakin si Kuya DanDan. Pansamantala kong nakalimutan yung tungkol sa forever globe namin.

Pagkatapos kumain, niyaya ako ni Kuya sa kwarto niya. Inunahan ko siya.

Pagdating ko, hinanap agad ng mata ko yung bagay na parati kong tinitignan tuwing pumapasok ako ng kwarto niya. Napangiti ako.

Sa night table niya, katabi ng lamp yung picture naming dalawa. LANG. Nakayakap ako sa kanya, nakayakap din siya sakin tapos kiss niya ko sa noo habang nakangiti kami parehas. Sabi niya, stolen shot daw yun ni Mommy Jas. Hindi ko naman matandaan kung saan.

Vous avez atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Feb 25, 2015 ⏰

Ajoutez cette histoire à votre Bibliothèque pour être informé des nouveaux chapitres !

When Love Fades Away (MONG's Series 1)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant