IMMORTAL LOVE

36 29 1
                                    

"Bawal kayo mag mahalan lucifer!" galit na sabi ng aking ama

"Ngunit mahal ko si avi kahit mag kaiba kami ng kaanyuan mahal ko siya," saad ko dito

"Hindi moba maintindihan?bawal tayo mag mahal ng hindi natin kauri." sabi nito saakin

"Mahal ko siya ama at kahit ipag tabuyan moko mahal ko siya at mamahalin ko siya!" sabi ko dito at sabay labas ng kaharian

Pag labas ko sa kaharian pinuntahan kona agad ang aking kabayo para puntahan ang aking sinta gusto ko siya kausapin saaming pag alis dito saaming bayan

"Avi aking mahal nais ko sana umalis na dito dahil maging ang aking ama ay hadlang saating mag mamahalan," sabi ko dito at sabay yakap

"Bakit pa natin babalakin umalis kung kaya mo naman patunayan na mahal mo ako kahit mag kaiba tayo ng kaanyuan." bulong nasabi nito saakin

"Paano kung ilayo nila ako sayo hindi ko kakayanin avi  mahal kita," ngisi kong sabi dito at sabay tungo

"Papatunayan natin sa kanila na karapat dapat tayo sa isat-isa." sabi nito saakin

Nag tungo kami ng aming kahariaan para patunayan na mahal namin ang isat isa kahit kami at mag kaiba ng kaanyuan

"Ama patawad hindi ko kayang iwanan ang aking mahal nasi avi!" sigaw na sabi ko saaking ama habang kami ay nag lalakad papuntang trono

"Kung ganon papatunayan nyo na mahal nyo ang isat isa." saad ng aking ama

"papatunayan ko ito aking ama lahat ng oag subok na iaatang mo saaking aking susundin," ani ko

"Kung ganon hiwalayan mo si avi ng isang buwan at meron pa hindi kayo mag kikita at bawal niyo hawakan ang isat- isa kapag ito napatunayan mo saakin papayagan ko kayong mag sama." sabi ng aking ama

Hindi ko alam ang aking sasabihin saaking ama dahil hindi ko kaya ang kanyang pinapagawa saakin

"Hari ako to si avi hindi namin kaya na hindi kami nag kikita dahil ako'y nasanay na sana ibahin nyo nalang ang inyong pag subok," sabat na sabi ni avi saaming pag uusap

"Hindi nyoba kaya ang aking pag subok kung gayon hindi kayo pwede mag mahalan!" galit na sabi ng aking ama

"Gagawin ko! Gagawin namin! Kapag ito napatunayan namin sana hindi na kayo humadlang at suportahan niyo kami para samaing pag mamahalan gagawin namin ito." sigaw na sabi ko

"Ngunit lucifer," saad ni avi saakin at sabay lingon

"Patunayan natin aking mahal para saatin din ito." sabi ko dito at sabay hawak sakanyang kamay

"Makakalabas kana at umuwi kana patawad mag kikita tayo pag tapos ng ilang buwan pangako,"

Palabas palang si avi saaming kahiraan ramdam kona agad ang lungkot ng aming nadarama masakit man pero kailangan namin sundin ang aming pag subok para sa pag mamahalan namin

"Aking mahal hintayin mo ako pangako ako'y mag babalik at mag sasama tayo pag tapos nito." bulong ko saaking sarili

-
Lumipas ang isang buwan nagawa nanamin ang aming pag subok dali dali akong lumabas ng kaharian at nag tungol sa bahay ng aking mahal

"Mahal!" sigaw ko sa kanilang bahay

"Wala na si avi diyan pinakuha siya ng iyong ama at pinunta sa inyong kahariaan" sabi ng isang matandang lalake

Nagulat ako sa kanyang sinabi kaya dali dlai akong umuwi saaming kahariaan para kausapin ang aking ama

"Ama nasaan si avi!" galit na sabi ko dito

"Si avi ba kamo eto siya." sabi nito saakin at sabay labas kay avi

"Lucifer tulungan mo ako," nag mamakaawa nitong sabi

"Ama nagawa nanamin ang iyong pag subok ano paba ang aking gagawin para ibigay mo saakin si avi!" saad ko nito habang ang aking mga kamay ay nanginginig sa galit

"Isa nalang ang aking pag subok sabihin mo saakin na tunay mo siyang minamahal" saad nito

"Mahal ko siya dilang dahil sakanyang kaganhan minahal ko siya dahil sakanyang ugali iba ako sa lahat itay ngunit siya naintindihan niya ako tinanggap niya ako ng buong buo mahal ko siya dahil sakanya ko naramdaman ang tunay na pag mamahal wala sa kaanyuan ang pag mamahal wala ito sa itsura o ano man kahit anong pag subok man ang dumating mananatili kaming matatag at lahat ng pang lalaiit na maiidikta nyo saamin aming tatanggapin alam kona labag saating utos na bawal mag mahal ang hindi natin kauri pero sakanya tumibok ang aking puso at sakanya ako napamahal ng totoo." sabi ko dito

"Kung gayon pinapayagan kona kayo mag mahalan at nakita ko sayo aking anak na karapat dapat ka mag mahal ng isang katulad ni avi," saad ng aking ama

Dali dali tinaggal ang posas na nakatali kay avi at pag tanggal nito biglaan niya akong niyakap

"Wala ng hadlang saatin." ngiti na sabi ko sakanya

"Salamat aking mahal" saad ni avi saakin at sabay halik

Lumipas ang ilang taon pinayagan na ng aking ama na mag mahal kahit hindi namin kauri naging masaya ang aming pag sasama ni avi at dikala unan kami ay nag pakasal at biniyayaan ng 2 anak na si lucifero at avianah

         Written by: Poetic_Man

ONE SHOT STORYWhere stories live. Discover now