Chapter - 17 This Can't Be Happening

190 12 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

Ng matapos ang klase ngayong araw magkakasama kaming lahat dito sa room. Napansin ko din na tahimik si Nicole at laging nakadikit si Jimin sa kanya.

Nakaupo ako sa upuan ko habang nagcecellphone ako. "Larice!!" Napabalikwas ako sa kinauupuan ko sa sigaw na yun.

Napaangat ako ng tingin at napangiti sa nakita ko. "Karl, anong ginagawa mo dito?" Nakangiti kong tanong kay Karl. At lumapit sa kanya sa may pintuan ng room namin.

"May gagawin kaba? Magmal---."

"We have something to do, Bro." Nagulat ako ng biglang magsalita si Jungkook kaya lahat kami ay napatingin sa kanya.

"Ow!! Sorry." Sabi ni Karl.

Binalik ko kay Karl ang tingin ko. "Ay hindi naman. Mabilis din kaming matatapos, kaya masasamahan kita." Nakangiti kong sabi sa kanya.

Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Sige, itext mo nalang ako, ha!" Sabi ni Karl.

Tumango ako. "Sige." At bago siya tuluyang makaalis nakipag fist bomb ako sa kanya with matching hug kuno.

Bumalik ako sa upuan ko at naupo. "Magstart na tayo." Sabi ko kay Jungkook.

"Ayuko. Tinatamad pa ako." Seryoso niyang sabi.

"Pero kase aalis ak---."

"I don't care!!" Madiin niya sabi.

Nagulat naman ako ng magtawanan ang mga kaibigan niya, napansin ko din ang tingin ni Klea sakin. At kita ko sa mata niya ang lungkot. Tumango nalang ako sa sinabi ni Jungkook at nagcellphone nalang ulit.

Nagulat ako ng may biglang pumalupot sa braso ko at ng tignan ko si Mica lang pala. "Bakit?" Tanong ko kay Mica.

"Napansin ko na nagseselos si Jungkook kay Karl." Sabi niya habang nakangisi. Tinanggal ko ang pagkakakapalupot ng braso niya.

"Lubayan mo ako, besty." Sabi ko kay Mica.

"Totoo nga!! Ang sama pa ng tingin niya kay Karl kanina hindi mo ba nahalata?" Pangungulit ni Mica.

Napahinga ako ng malalim. "Besty, lubayan mo ako sa ganyan mo, ah! Walang gusto sakin si Jungkook. Wala!" Pairap kong sabi sa kanya.

Sumimangot siya. "Nagsasabi lang naman kase ako ng totoo. Nakuwento nga sakin ni Jin na kinukuwento ka daw ni Jungkook sa kanil---." Hindi kona pinatapos ang sasabihin ni Mica.

"Gusto mo bang sapakin kita. At teka nga, bat ba nagiging close kayo ng Jin na yan, ha?!" Inis kong sabi sa kanya at tanong na din.

"Besty, malamang sa alamang magkatabi kami kaya magiging close kami." Sagot ni Mica sakin at ngumiti.

Pinaninkitan ko siya ng mata kaya umiwas siya ng tingin. "Kilala kita, besty. Matagal na tayong magkaibigan." Sabi ko sa kanya, napakamot si Mica sa ulo niya.

"Wala talaga, besty. Kaya lang kami naging close kase magkatabi kami. Period." Sabi ulit ni Mica.

Napairap ako. "Bat kami ni Jungkook magkatabi pero hindi naman kami close." Taas kilay kong sabi kay Mica

"Eh!" Sabay kamot si Mica sa ulo niya. "Besty, alam mo naman na mortal enemy kayo diba. Simula't sapul magkaaway na kayo. At pano naman kayo magiging close kung yung katabi mo laging nakadukdok at tulog." Prangkang sabi ni Mica.

Sabagay may point si Mica dun. "Fine!! Basta wag na wag ko lang namalalam na kayo na ng Jin na yan, ah! Mga playboy yang mga yan, besty. Mahirap sumugal ng walang kasiguraduhan." Seryoso kong sabi kay Mica.

Kaya sumeryoso din ang muka niya. "Promise." Sagot niya at ngumiti sakin at nag-apir kami.

"Good."

*Ff*

"Jungkook!! Baka gusto mong tumulong!" Sigaw ko kay Jungkook habang nakaupo sa upuan. Nagjojobus na kase kami, sila Mica at Jin bumukod sila ng room.

"I'm not interested." Sagot ni Jungkook.

Napahinga ako ng malalim at napakamot sa ulo ko. Hindi kona siya pinansin at tinalian kona ang white t-shirt ng laste at nagstart na akong magjobus.

Habang nagjojobus ako nagulat ako ng biglang pumilantik ang laste sa may mata ko pa at nalagyan din ako ng jobus. "Ouch!!" Sigaw ko at mabilis na tumayo at napakuskos sa mata ko.

"What happen?" Tanong ni Jungkook at ramdam ko ang pagtayo niya sa upuan niya at lumapit sakin.

Tinanggal niya ang kamay ko sa mata ko at medyo ibinuka niya ang mata ko sa may talukap at dahan dahan na hinipan ito. Medyo lumalayo pa ako sa kanya. "Wag ka ngang malikot." Sabi ni Jungkook.

Hinipan niya ulit ang mata ko. "Masakit pa ba?" Tanong niya sakin.

Pinikit pikit ko ang mata ko at medyo masakit pa ng unti. "M-medyo nalang." Sagot ko sa kanya.

"Okay. Pumikit ka muna saglit at dahan dahan kang dumilat." Nagdadalawang isip pa akong dumilat kase alam kong siya lang ang makikita ko.

At alam ko din na magkalapit ang muka namin kase pagnagsasalita siya nararamdaman ko ang hininga niya sa muka ko. At aaminin ko na mabango iyon, pati ang pabango niya mabango din.

Dahan dahan akong dumilat nung una medyo blur pa. Pero nung tumagal dahan dahan ng lumilinaw. Napahinto ako ng marealize na magkalapit na magkalapit ang muka namin isang dangkal lang ang layo ng mga muka namin sa isa't isa.

Nagkatinginan kami sa mata at ramdam kong pinagmamasdan niya ako. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa, ewan ko ba kung bakit. Parang sariling katawa kona ang tumataridor sakin pagdating kay Jungkook.

Nagulat ako ng umiwas siya ng tingin kaya dun lang ako nakaiwas din. Umubo muna siya at lumayo na sakin. "Mag-iingat kana sa susunod." Sabi niya habang nasa baba ang tingin.

"Okay."

"Excuse me." Sabi niya at lumabas ng pinto. Tatawagin kopa sana siya para tulungan ako sa pagjojobus kaso nakalayo na siya kaya hinayaan kona lang.

(Jungkook's POV)

Pagkalabas na pagkalabas ko ng room sumandal ako sa may pader at huminga ng malalim napatingala ako. Tapos napahawak ako sa puso ko, bat ganun ang lakas ng tibok ng puso ko? Tumakbo ako papunta sa CR at pagdating na pagdating ko dun ay naghilamos ako.

"What happening to you?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin. At nakahawak sa dibdib ko, ang lakas ng tibok ng puso ko. Why?

Nagflash back sakin ang tingin niya kanina. Pagdilat na pagdilat niya ng mata nagkatinginan kami. Gusto kong umiwas ng tingin pero hindi ko magawa, tapos lalong lumalakas ang tibok ng puso ko sa mga tingin niya.

"What happen to you? Shit!" Sigaw ko sa sarili ko habang nakatingin sa salamin.

Napailing ako. No. This can't be happen!! I can't fall inlove. This is not love, it's just nothing. Yes. Wala lang to. Wala lang to. Naghilamos ulit ako at lumabas na ng CR paglabas ko nakita ko si Klea na kasama si Renzo.

Si Renzo ay kaibigan ni Namjoon na medyo kaclose na din namin. Mabilis akong bumalik sa room namin. Pero nagulat ako ng sarado na ito, binuksan ko at wala na si Larice sa loob. Mukang mag kasama na sila ni Karl ngayon. Buwiset! Lumabas nalang ako at umalis na din ng school para umuwi sa mansion.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now