Chapter - 22 Friend Zone

160 13 0
                                    

(Larice Joyce's POV)

"Klea, paki talian mona tong white t-shirt." Sigaw ni Mica kay Klea.

"Okay!!" Sigaw din ni Klea.

5:20 na ng hapon at tapos na ang class nila. Nasa isang bakanteng room kami dito sa campus at dun gumawa ng mga kailangan nilang gawi para sa fun run nila sa sabado

"Larice!! Nasan naba sila Jungkook?" Nagulat ako sa sigaw ni Armee.

"H-huh? E-ewan ko." Sagot ko kay Armee.

Shit bat ba ako nauutal ganun na ba talaga yung nararamdaman ko kay Jungkook? Pero ang alam ko crush lang yun at paghanga lang ang crush. Parang puppy love ganun, haist ano bang nangyayari sakin.

Habang ijinojobus ko ang mga white t-shirt. Napatalon ako ng may biglang pumiga sa pisngi ko. Napatingin ako sa buwisit na nanggulat sakin at pumisil sa pisngi ko. Ganun nalang ang kaba ko at pag-init ng pisngi ko ng makita ang may gawa nun.

Mabilis akong umiwas ng tingin at itinuon sa ginagawa ko ang atensiyon ko. Medyo lumayo din ako sa kanya ang lakas ng tibok ng puso ko hanep. "Hindi ka man lang ba magha-hi sakin." Nagulat ako ng sabihin niya yun.

Hindi ko siya pinansin at tinuloy ang ginagawa ko habang binababad ko ang damit sa jobus nagulat ako ng bigla niyang agawin ang damit sakin. Kaya mabilis akong napatayo sa kinauupuan ko ngayon.

"Ano ba!!" Sigaw ko sa kanya.

Ramdam ko din ang pagtingin samin nila Gianna pati na din ang mga pinsan ng lalaki nato na nasa harap ko ngayon at iniinis nanaman ako. Tinanggal na nila ang tingin samin kaya naupo ulit ako sa lapag kung nasaan ang banyerang pinaglalagyan ko ng jobus.

Kumuha ako ng ibang white t-shirt at itinali yun tapos nagstart ng magjobus. Nagulat ako ng maupo siya sa tabi ko pero hindi ako nagpahalata at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Itinuloy niya ang white t-shirt na hindi ko natuloy.

"Hi." Bati niya sakin.

Hindi ko pa rin siya pinapansin at pinagpatuloy ang ginagawa ko. "Anong oras ka uuwi?" Tanong niya sakin.

"Hindi ko alam Jungkook." Sagot ko sa kanya.

"Are you ok?" Nag-aalalang tanong ni Jungkook sakin.

Tumango ako sa kanya. "Yes." Maikli kong sagot.

"O-okay." Sabi niya.

*Ff*

"Eto ba bibilin natin?" Tanong ni Jungkook sakin.

"Hindi yan!!" Sigaw ko sa kanya at nagpapadyak na ako at napakamot pa sa ulo.

"Wag kang nagagalit." Natatawa tawa niyang sabi.

"Kanina ka pa kase!" Inis ko sigaw sa kanya.

"Eh, eto ba ok nato diba?" Tanong nanaman niya at itinaas ang kinuhang Alaska.

Napahinga ako ng malalim at napakamot sa ulo. "Ibalik mo yan sa pinagkuhanan mo. Nestle cream ang hinahanap natin." Inis kong sabi sa kanya.

Nasa mall kami ngayon at naggo-grocery para sa lulutuin naming carbonara at spaghetti. Para may kainin kami mamayang gabi, baka kase gabihin kami sa paggawa ng mga task na ibinigay samin ni ma'am, eh!

Naglakad lakad kami at naghanap ng nestle cream para sa carbonara. Tapos hahanap din kami ng pastang malapad yung pettuchini. Para mas sumarap yung carbonara. Tulak tulak ni Jungkook ang cart nagulat ako ng huminto siya

Napatingin ako sa kanya. "Bakit?" Takang tanong ko.

"Sakay ka dito." Nakangiti niyang sabi at itinuro ang cart na tulak tulak niya.

Napakunot ang noo ko at napatingin sa cart tapos umiling. "Ayuko!!" Madiin kong sabi sa kanya.

"Sige na." Pamimilit niya sakin.

"Ayuko nga, eh! Kakulit mo ba." Pairap kong sabi sa kanya at naglakad na palayo sa kanya.

Habang naglalakad lakad ako at naghahanap ng pasta na pettuchini nagulat ako ng bigla nalang akong tumaas. Nagulat ako ng bigla akong buhatin ni Jungkook na pang kasal tapos nagulat ako ng ilagay niya ako sa cart. Parang hindi nagsink in sa isip ko ang ginawa niya at tulala lang ako ngayon.

Ramdam ko din ang pagtulak niya ng cart at tanging naririnig ko lang ang lakas ng tibok ng puso ko. Bigla akong bumalik sa reyalidad at napatingala ako sa kanya, ngunit wala sakin ang tingin niya diretso lang ang tingin niya at paminsan minsan ay tumatawa siya. Baliw ba to?

Nakatingin lang ako sa kanya at nagulat ako ng humagikgik si Jungkook, napatawa ako. Para siyang may iniisip at para siyang may iniimagine, tumawa nanaman ito at umiiling iling pa ang gago.

Habang tumatawa siya natawa din ako bigla na medyo napalakas. Nawala ang tawa niya sa muka at dahan dahang ibinaba ang tingin sakin. Natawa ako lalo at biglang mamula ang muka niya. HAHAHA his blushing.

"Baliw kaba?" Natatawa tawa kong sabi sa kanya.

Napalunok siya at nag-iwas ng tingin. "A-ayun yung hinahanap mong pettuchini." Pag-iiba niya ng usapan.

Tinulungan niya akong bumaba sa cart at ng makababa na ako inayos ko ang suot ko. Nagulat ako ng may biglang nagclick at nagliwanag. Ng tignan ko may mga bata na parang high school siya at may iba na college din at mga nakauniform pa sila halatang hindi pa nakakauwi. Kahit medyo pagabi na.

Pinicturan nila pala kami ni Jungkook. "Ate, ang gwapo ng boyfriemd mo." Sabi nung isang bata na high school pa lang.

Natawa ako at tumingin kay Jungkook. "Hindi ko siya boyfriend." Sabi ko.

"Di kami naniniwala sa inyo. Ang sweet ninyo kaya kanina pa, sinusundan nga namin kayo, eh! Bagay na bagay kayo." Sabi pa nung isang bata na kaibigan ata nung babaeng nagpicture samin.

"M-magkaibigan lang k-kami." Wala sa sariling sabi ko.

At nangtignan ko si Jungkook ay bigla siyang nag-iwas ng tingin parang nalungkot ang mga mata niya kaya napayuko nalang ako at tumingin sa mga bata at ngumiti. "Sige, bye na." Sabi ko sa mga bata.

Ngumiti ang mga bata sakin. "Sayang magkaibigan lang pala kayo ate. Bagay pa naman kayo." Sabi ulit yung bata. Natawa nalang ako.

"Hello! Di sila bagay no." Nagulat ako ng magsalita ang isang babae na college student.

Hindi ko nalang pinansin at naglakad na papunta sa mga pasta. Sumunod naman sakin si Jungkook. Kaso tahimik lang siya, tinignan ko siya habang nakakunot ang noo.

"Ang tahimik mo?" Tanong ko sa kanya.

"Nafriend zone ako, eh!" Sabi niya.

Natawa naman ako. "Baliw." Sabi ko sa kanya.

"Baliw sayo." Bulong niya pero di ko narinig.

"Ano?"

"W-wala!! Bingi mo kako." Sabi niya at hinila na ako para magbayad.

_larayxssss_

Mr Playboy Is Inlove (BTS Series #1)|Jeon Jungkook||Complete|Where stories live. Discover now