ACCOUNTING EQUATION

1.5K 13 0
                                    

"BASIC ACCOUNTING EQUATION"

         A = L + OE

Assets = Liabilities + Owner's Equity

    BUSINESS = "Ikaw"

ASSET = Pag-aari "ng business"

LIABILITY = Utang "ng business" sa iba (Ex. Bank)

OWNER'S EQUITY = "Utang" "ng business" sa may-ari (owner)

#QUESTION 1
Ang "Business" at ang "Owner" ba ay IISA?
A. Oo,tama
B. Hindi, mali
C. Siguro
D. Ewan ko

Correct answer:
*MALI po yan. Para maintindihan natin ang Accounting Equation (A=L+OE)

Ang una dapat nating isipin ay magkaiba ang "BUSINESS" at ang "OWNER"

#HALIMBAWA
BUSINESS(Ikaw) = Buy & Sell ng damit

~kung ikaw si BUSINESS, kailangan mo ng "pera" pambili ng damit.

#QUESTION 2
Saan manggagaling ang pera pambili ng damit?

Answer:
- Mangungutang sa iba (Ex. Bank) P80
- "Mangungutang" sa may-ari or owner P20

Let us use the equation
L+OE = A
P80 + P20 = P100

Ang pera na ngayon ni "Business" ay P100

In simple words, ang Pera ng Business na P100 (ASSET):

Ay galing sa utang sa Bank P80 (LIABILITY), at galing sa "utang" sa Owner P20 (OWNER'S EQUITY)

A = L + OE
P100 = P80 + P20

#REMEMBER
In Form, parang ISA lang ang "Business" at "Owner"

Pero in Substance, IKAW lang si "BUSINESS" (at "parang" pinautang ka lang ng sarili mo)

Assets equals liabilities plus Owner's equity. (A = L + OE)

~ayan lang po yun, humaba lang dahil sa explanation and example

ACCOUNTING Where stories live. Discover now