Third Person POV
Tahimik na namumuhay ang magpi-pinsan na pare-parehong tagapagmana ng yaman ng mga San Diego ngunit nagulo ito ng dumating ang mga Fernandez sa buhay nila.
Angelica Monique San Diego's POV
"UGHHH! Ano ba Veronique?!" naiinis na sabi ni Angelique habang kami ni Veronique ay tinatawanan lang siya.
"Akala niyo nakakatuwa?! Kung kayo kaya lagyan ko ng bigote gamit ang eyeliner?! Damn the both of you!" Dagdag niya na lalong nakapagpatawa sa amin.
Pasagot na sana kami nang bumukas ang pinto at pumasok si Mommy na hindi naaalis ang tingin kay Angelique.
"Ang kukulit niyo talaga pero anyways here is the food" malambing na sabi ni Mommy habang inaabot ang isang tray ng cookies at tatlong basong juice.
Hindi pa umalis si Mommy at nakipagkwentuhan pa saamin hanggang sa mag gabi at bumaba kami sabay sabay para magdinner.
Kervin Anthony Fernandez POV
"Kailangan niyo nang ikasal pagkatapos ninyo mag-aral para maipasa ko na ang inyong mga mana dahil hindi na ako bumabata pa" Putol ni Daddy sa pagkain naming lahat.
"Pero Dad gusto ko ay ipapakasal ako sa babaeng mahal ako at mahal ko din" angal ni Kiel na sinegundahan pa ni Kierro
"Kung papayag ba sila then go, hindi ko kaya pipigilan" sabi ni Dad na nakapagpangisi sa dalawa. Inilingan ko nalang ang mga kakulitan nila.
Ako ang pinakamatanda sa aming tatlo sumunod si Kierro at ang bunso naman namin ay si Kiel. Pare-pareho kami ng School kahit hindi kami pare-pareho ng room at grade level dahil ito ang gusto ni Dad. Ako ay Second Year College, si Kierro naman ay nasa First Year habang si Kiel ay nahiwalay saamin ng building dahil siya ay Senior Highschool palang Grade 12 to be specific.
"Dad matutulog na po kami" saad ko at sabay-sabay kaming tumayo para umakap kay daddy at sabay-sabay na umakyat para pumasok sa aming mga kwarto. Magkasama kami ni Kierro sa iisang kwarto habang si Kiel ay nasa kabilang kwarto naman.
"Tommorow is your First day as College Kierro so you better sleep early bro" saad ko habang nagbabasa ng libro.
"Yeah, goodnight kuya" pinatay niya na ang lamp sa gilid ng kama niya at tinigil ko na din ang pagbabasa at ginawa ang ginawa niya matapos ay natulog na ako
______________________________________________
A/N: Matagal ako mag UD kaya pag nainip ka ikaw na magsulat.
YOU ARE READING
The Fighters of Love : Isabella & Kierro
Teen FictionWe fight We became warriors We survive IN THE NAME OF LOVE