II

23 11 0
                                    

The First Gen.


Naglalakad palabas si Edwin Limario, isa sa tumakbo bilang mayor ng baranggay. Gusot ang suot nitong branded na polo. Kagagaling niya lang sa motel kasama ang ilang batang babae na kanyang pinag-pyestahan.

Sa kalagitnaan ng gabi, hindi niya alintana ang dalawang pares na matang nakatutok sa kanya habang naglalakad siya patawid sa kalsada upang makarating sa kabilang linya kung nasaan ang kotse nitong may tatak na Ford. Sumisipol-sipol ito habang napalabi, nang tatawid sa kalsada hindi niya napansin ang papaharurot na kotse sa banda niya, huli na ng tumalsik siya ilang metro.

"Ta-tangna!" Impit na mura ni Edwin habang naka-kuyom ang kamao. Hindi niya magalaw ang paa dahil sa lakas nang impak nang pagbangga sa kanya.

Habang iniinda ang sakit hindi niya namalayan ang isang bulto ng taong papalapit sa kanya. Napigil ang paghinga nya ng marinig ang tunog ng isang bakal na parang hinihila. Gusto niyang lumingon ngunit dahil sa pagkabangga ay hindi niya maigalaw ang katawan.

"Si-sino ka?" Tanong nito habang iniinda parin ang sakit sa katawan. Ramdam niya na ito ang driver ng sasakyang naka bangga sa kanya. "Tangina sino ka sabi!" May halong iritasyon ang boses niya ng walang sumagot sa kanya.

Mas lumakas ang tibok ng puso niya, papalapit at papalakas ang tunog ng  bakal ang naririnig niya. Mas lalo iyong dumagundong ng umikot ang bulto ng tao sa harapan nya. Kahit na iniinda ang sakit hindi iyon ang dahilan upang makita ang isang tao na may hawak na palakol. Madilim ang mukha nito, nanlilisik ang mga mata, at may nakakatakot na ngiti sa labi.

Tila na-pipi si Edwin ng makita ang mukha ng kaharap. Nakakatakot iyon at sa tingin palang niya ay baliw ang kaharap.

"A-anong kailangan mo?" Kahit na kabado ay sapilitan niya paring magtanong. 'Sana ay may dumating para tulungan akong maka-alis dito!' sa loob-loob niya.

Lumawak ang ngiti nito na tila ba nasisiyahan dahil sa takot na nababanag sa mukha ni Edwin.

"Ano kaya ang lasa ng dugo mo?" Tanong nito saka lumuhod, nanlamig si edwin ng tignan nito ang dugo malapit sa ulo nya.

Inilapit nito ang kamay sa ulo nya, napa-igik siya dahil sa sakit ng sapilitan nitong dini-diin ang kamay sa sugat niya sa ulo. Gusto niyang sumigaw ngunit naunahan na sya ng takot, sa buong buhay niya wala syang kinakatakutan. Dahil sa koneksyon at pera ay kaya n'yang gawin lahat, ang pumatay ng walang kaalam-alam, ang magnakaw na mahigit milyon sa mga tao. Ngunit ngayon ay tila isa na syang mangmang na walang pakinabang.

Napalunok si Edwin ng harap-harapan nyang nakita ang pag-amoy at pag-dila ng dugo nya sa kamay nito. 'Anong klaseng tao 'to?'

Ngumiti sa kanya ang kaharap. "Ibang klase ang dugo mo" masayang sabi nito. "Ano kayang pwedeng iluto sayo?" Hinawakan nito ang ibaba ng bibig at tumingala na kunwari'y nag-iisip.

Hindi na kakayanin ni Edwin ang sunod na gagawin nito kaya kahit na ini-inda ang sakit sa paa ay mabilis syang tumalikod at sinubukan tumayo. Lumagutok ang buto niya sa paa dahilan nang pag sigaw niya, napabalik siya sa pag-luhod ng nakitang bali ang kaliwa nyang paa. Hindi na niya namalayan ang pag-tulo ng luha nito.

"Tsk. Tsk ikaw kasi, ba't mo pa pinipilit ang maglakad? Ayan tuloy" hinatak nito ang palakol saka umikot at hinarap sya.

Nakaluhod ngayon si Edwin at tila napahagulhol hindi na niya kakayanin ito, paano siya tatakas? napatingala siya sa kaharap saka nagmamaka-awang tumingin dito "Pwede bang iba nalang? Hu-huwag ako. Pwe-pwede akong magbigay ng ilang tao sayo. Marami ako nun. Kung hindi pera nalang, kahit limang milyon kaya kong ibigay."

CATCH ME IF YOU CAN, Mr. Officer (On-going)Where stories live. Discover now