Chapter 4: THE LADY IN RED
Chenity
I open my eyes when the light of the sun touches my face. Ayokong bumangon dahil sa tinatamad ako. But I have no choice. Pumipikit pa ang mga mata ko ng bumangon sa maliit kong kama. Napadaan ako sa maliit na vanity mirror kaya kita ko ang pamamaga ng braso ko. I yawned and continue walking. Kumuha ako ng Ice cube sa ref at ibinalot sa tela upang ilagay sa braso ko. Ang lakad namin kagabi ay naging chaotic, nasa hospital tuloy yung lalaking witness sa pagkamatay ng mag-ina ni Edwin.
Napatitig ako sa bintana habang dinadampian ng yelo ang braso ko. I sigh when I realize that my job right now is dangerous. Wala e, I still do this job kahit kapalit pa ang kaligtasan ko. Lumaki akong magulo ang kinagisnan and as much as possible I don't wanna see a kid growing up in a life like mine. Kaya siguro ako nag pulis, dahil gusto kong tulungan ang mga inosente.
Nabaling ang tingin ko sa braso na namamaga parin. Thanks to Ara at hindi ako namatay kagabi dahil sa inihagis nong taong naka hoodie. Kung hindi siguro ako naturungan ni Ara nasa hspital na sana ako kasama si Alcris.
I groaned when my phone rings, it's early in the morning! Sino naman ang tatawag sa akin? I almost rolled my eyes when I read the caller Id.
Shan's Calling....
Ano naman ang kailangan ng tukmol na 'to? Mag ra-rant dahil overnight siyang nagbantay kay Alcris?
I answered the phone, "hello Sha-"
"Chenity! Pumunta ka ngayon sa hospital bilis!" Halata sa boses nito ang pangamba.
Na-alarma ako at mabilis na binitawan ang yelo saka nagmamadaling kinuha ang towel para maligo. "Bakit anong meron?"
"Nandito siya kagabi."
"Sino?"
"Pinatay niya si Alcris. Kailangan ka rito dahil may nakuha kaming impormasyon."
Nagmamadali akong lumabas sa taxi at tinakbo ang pasilyo ng hospital. Nagkakalat ang mga pulisya at ang yellow tape na may caution sa labas ng kwarto ni Alcris. Naroon sila Nathan at mukhang naghahanap ng maitutulong.
"Chenity!" Sigaw ni Marina ng makita ako. Lumapit ako sa kanila at naki-usyuso.
"Kailan pa raw?"
"Nakita ni Shan ang bangkay ni Alcris kaninang madaling araw. Nakuha na ang bangkay pero hindi pa nila nilinis dahil nag request kami ni Reij na tignan ang crime scene."
"Shan anong nagya-"
"'Wag mo munang kausapin si Shan. Hes not okay, mabui nga at tinawagan ka niya. I think he's blaming his self." Sabi ni Reij saka ito pumasok sa loob ng kwarto.
I look at Shan who is sitting on one of chairs, namamaga ang ilalim ng mga mata nito habang nakatingin sa malayo. Kahit ako, sisisihin ko rin ang sarili dahil sa hindi ko nagampanan ang inutos sa akin. Pumasok ako sa loob at bumungad sa akin ang nagkakalat na tuyong dugo; mula sa kama hanggang sa sahig. Hindi ko pa nakikita ang hitsura ng pagkamatay ni Alcris pero nasasabi kong grabi ang ginawa sa kanya.
Kasama ko sa loob ng kwarto si Reij, Shan at Marina. Roon ko lang napansin na wala pa si Ara.
Lumapit ako kay Marina na may hawak na camera. "Si Ara nasaan?"
"Mamaya pa si Ara, may importanteng pinuntahan." Iniwan ako nito upang kumuha ng litrato.
Lumapit ako sa kama at tinignan ito ng mabuti. Nang mapansin kong may buhok ay tinawag ko si Nathan.
YOU ARE READING
CATCH ME IF YOU CAN, Mr. Officer (On-going)
Mystery / ThrillerIsabella De Guzmano was found dead at De Guzmano property. Years later, there are brutal killings happening in one town that causes the mayor to make a move. He told the Senior police and law firm to build a group that contains police, a lawyer, and...