Chapter 2

8 0 0
                                    

Maghapon kong hindi pinansin si Steve sa loob ng classroom. Mag-isa na naman akong maglalakad mamaya hayss. Kung sana lang talaga tinulungan niya akong ilakad sa kuya ni Vivi, May boyfriend na ako ngayon. May maghahatid na sana sa'kin pauwi kasi may motor yun HAHAHA. Echos lang. Di ko ipagpapalit na makasabay maglakad yung Steve ko.

Saan kaya sila ni Vivi pupunta? Di man lang ako sinama. Mag isa nalang akong naglalakad  ngayon kumakain ng fishball. Nakasalubong ko pa nga sa daan si Jordan at nakuha pa akong ngitian. Creepy apat yung mata hoho.

Matiwasay akong nakarating sa bahay. I do my thing on the kitchen bago nag palit ng damit.

Medyo madilim na sa labas bago ako natapos mag walis sa sahig. Si mama nagbabantay sa maliit namin na tindahan. Si papa naman sinamahan si mama sa loob, kakauwi niya lang galing trabaho. Maglalambingan na naman yung dalawa panigurado. Ackk I want that kind of relationship. Nag-aaway pero naaayos din agad. Hirap sa buhay pero nagsisikap. Kulang man ang napag-aralan 'di naman kinulang sa pagmamahal. My parents and kuya are my greatest treasure. So lucky to have them.

" Te Grace si Sai nandyan po ba?"

Nabosesan ko agad yung tao kaya lumabas ako. Si Steve nga at kasama si Vivi at omooo andito si Jack yung kuya niya. Sa sobrang tuwa ko tinalunan ko si Steve at niyakap ng sobrang higpit. Muntik pa nga kaming matumba.

" Hoy Zyni umakto ka ngang tao. Para kang unggoy makapulupot sa may jowa na ah"

To naman si papa kulang nalang sabihin na pokpok ako. Walang malisya to samin mga tol pero paglingon ko sa kuya ni Vivi nakangiwi na ito. Bad shot brad!

Tinawanan ko nalang si papa at nagpaalam na pupunta kami sa may plaza. Malapit lang yun dito sa bahay kaya naglakad lang kami. Safe naman tong lugar kaya no probs. Kasabay ko palang maglakad si Jack pero di naman niya ako kinakausap. 3 years older siya sa'kin at ka-edad niya si kuya. Boring naman nito nainggit tuloy ako sa mag jowang nasa harapan namin na nag ho-holding hands.

"Uhm---"

May sasabihin sana ako kaso nakakahiya. Baka di niya ako imikin hmpp. Habang naglalakad naisip ko bigla si gray. Miss ko na yun huhuhu.

"May sasabihin kaba Sai?"

Oh my god! Oh my god! Penge electric fan. Ackkkk kilala niya'ko! Siyempre lang no dapat niyang makilala yung future wife niya! Chuar patay ako kay papa pag narinig niya isip ko.

" Tatanong ko lang po bakit ka napasama? Pinapabantay po ba ulit si Vivi kuya?"

Syett self ang formal mo naman. Kuwari magalang pero na rape ko na siya sa utak ko hoho.

"Ah hindi naman. Pinilit kasi ako ni Vivi. Alam mo na, college life masyadong busy. I need to chill daw minsan"

Buti naman di ako linaglag ni Steve. Maaasahan talaga yun hihi. This is the first time na nagkausap kami at nagkasama. Kinikwentohan lang ako lagi ni Steve na minsan sumasama yung kuya ni Vivi at lagi ko din siyang pinipilit na ipakilala ako.

Kung hindi siguro ako nagtampo-tampuhan kanina di niya ako isasama. Ayaw niya talaga pag di ko siya pinapansin. Kaya nagiging spoiled ako sa kanya ih HAHAHA.

Hindi na nasundan yung usapan namin ni jack hanggang sa makarating kami sa plaza. Kausap ko ngayon si Vivi at yung mga boys naman bumibili pa ng barbecue.

"Sai may comeback daw yung Bts mygoshh!!"

Aray ko naman! Sa sobrang excited niya niyogyog niya ng malakas yung balikat ko. Buti hindi nabali hoho.

" Oo meron.  Yung buhok dun ni Jin ay pink tapos blue naman kay V mylabs! May pinalabas na na trailer, panuorin mo. "

Pag k-kwento ko naman. He stan Jin and I stan Taehyung. They're all so handsome and talented mygosh! Nag tuloy tuloy pa yung kwentohan namin hanggang dumating yung boys. Pag kausap mo talaga si Vivi hindi ka ma bo-bore. She's currently Grade 12 STEM student. Yes, mas matanda pa siya ng isang taon sa'min ni Steve pero hindi naman halata kasi baby face siya.

Little Do You KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon