Chapter 3

10 0 0
                                    

"Steve Uwi na kasi tayo"

Pamimilit ko. Kapit na kapit talaga ako sa braso ni Steve na akala mo toko. Namataan ko din si Mikka kasama si Gwen. Wala pa ata si Laica at Krishan.

"bitiw nga Sai. Punta ka dun kay Gwen at Mikka. Kakadating lang natin uuwi na agad. May usapan din kami ni Vivien na magkikita dito."

Kanina kung ano-ano pang sinasabi para lang mapasama ako tapos ngayon ipinasa ako kina gwen. Best friend over girlfriend again, huh?. Uuwi talaga ako pag iiwan niya ako.

Ilang sandali palang dumating si Vivi. Sinalubong agad yun Steve at iniwan akong mag-isa. Pumunta nalang ako kay Mikka at Gwen.

"Kung hindi pa iniwan ni Steve 'di kami pupuntahan. Nakakatampo yun ah" madramang sabi ni Gwen. Yinakap ko nalang siya sabay kurot sa tagiliran. Ayon kinurot din ako pabalik. Sakit besh!

"Mikka, anong gift mo sa boypren mo?" Curious kong tanong. Huhulaan ko, eye glass HAHAHA.

"Perfume at kiss" kinikilig niyang anas. Gago kinilig pa! Ambaho siguro ni Jordan kaya binilhan niya ng pabango iww.

"Pag ikaw talaga nabuntis ng maaga sasapakin kita" pagbabanta ko. May tiwala naman ako kay Mikka. Alam kong alam niya yung limitasyon niya at mga priorities niya sa buhay. Pero wala akong tiwala kay jordan. Oo, apat ang mata niya pero mahahalata mo padin na gwapo. Di naman papatol si Mikka sa mukhang basahan lol. Maapili ang bruha. Ako nga kung may manliligaw sa'kin na construction worker sasagutin ko agad. Jowang jowa na talaga ako huhuhu.

"Gaga ka Sai, kiss lang ihh. Hanggang dun lang kami no hmp"

Na offend ata siya sa sinabi ko. Nanahimik nalang ako at kinausap si Gwen na busy sa kanyang selpon. Di ata makakarating yung dalawa. Boring naman. Mag wawattpad nalang ako.

"I'm glad you came"

I took a glance kung sino ang nagsalita at si Jordan iyon. Nangmagtama ang mata namin nginitian niya ako. Magsasalita na sana ako kaya lang...

"I don't want to miss your especial day, babe. Happy birthday!" magiliw na sabi ni Mikka sabay yakap sa jowa. Assuming din to  ako kaya yung sinabihan.

"Happy birthday Dan!" bati ni Gwen.

Nagpaalam din agad si Jordan at sinama si Mikka para ipakilala sa pamilya. Imagine ambabata pa nila pero meeting the family stage na agad. Mag sasanaol nalang ako hoho.

Nanahimik nalang ulit ako at nag wattpad. Mamaya ko nalang siguro babatiin si Jordan pag pauwi na. Tagal naman kumain gutom na'ko. Si Steve hindi ko mahagilap papabili sana ako ng biscuit. Hindi ko yun papansinin mamaya bahala siya.

At last, kakain na yeyy! Pansit at lumpia lang ang kinuha ko. Walang ganito sa bahay HAHAHA.

"Sure kana diyan be? Andaming pagkain oh" nagtatakang tanong ni Mikka. Magkasama na ulit kami dahil napakilala na siya sa family ni Jordan. Hinahanap nga daw ako ni Tito. Close kami nun dati.

Sobrang busy ni Jordan kaka entertain sa mga guest niya. Di nga nagawang tumingin sa gawi namin. Ngayon ko lang  napansin na sobrang puno ng pagkain ang plato ni Gwen.  Ke lakas kumain di naman tumataba. How to be you gwen? Oww alam ko na. Hindi ata nakakataba pag buraot ka HAHAHA. Gwen is known "buraot" sa grupo. Malakas kumain pero unti lang ang ambag but we never complain. What are friends for right? Or left?  Chos

"Mikka kumusta kayo kanina? Kinabahan kaba?" tanong ko sa kanya. Curious ulit ako hoho.

"Grabe yung kaba ko dai! Buti nalang mabait yung parents niya. Yung isa niya lang na tito medjo masungit." pag k-kwento ni Mikka habang kumakain. Kailan ko kaya mararanasan yun? Siguro pag uugod-ugod na ako. Wews! Wag naman sana gusto ko pang magkaanak ng lima!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Little Do You KnowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon