Grade 7

20 4 0
                                    

"Congrats! Mamimiss kita Kuru!" sabi ng mga matalik kong kaibigan sa araw ng graduation. Hindi ako makapaniwala na makakapag-aral na ako sa private. Ano kaya feeling nun? nakaka-excite!

"Hello! San kang school galing?" tanong sa akin ng classmate ko.

"Sa Liberato Damian Elementary School, dun lang yun, malapit dito" 

"Gusto mo sabay tayo umuwi?"

"Hala! Sige, umuulan pa naman. Wala kasi akong payong eh!"

Habang naglalakad kaming dalawa sa parking lot ay may biglang nangyare. Sumabit yung buhok ko sa payong ni Kuya. Nakakainis!

"Aray ha!" sigaw ko at lumingon sa kanya.

Shet! Ang cute naman ni kuya! Short lang pero cutie pie. Ano kaya pangalan neto? 

Nang nakita ko ang kanyang I.D lace ay napagka-alaman ko na grade 7 sya kagaya ko. Ang swerte naman oh! 

"Cringgggg!"

Hala break time na, baka makita ko si kuya cutie pie sa ground. 

"Sama ako sa inyo ngayon break time! May hinahanap kasi ako, di ko alam name nya pero 1st crush ko dito sa PCC"

"Sige! Sino ba yun? Turo mo naman pagnakita mo, baka kilala namin"

Sadly wala... wala akong cutie pie na nakita.

"Wait lang kuru! Samahan mo naman ako magintay sa service ko bago ka umuwi, kwentuhan muna tayo!"

"Okey!"

At habang nakikipagkwentuhan kay chez ay bigla kong nakita si cutie pie na naglalakad at tila may hinahanap. 

"Uy Chez! Kilala mo ba yon? Yung kuyang nakacolor brown na bag?"

"Oo, bakit crush mo?"

"hehehe oo, ano name non?"

"William Zaid, kaso tahimik yan"

"Ok lang, hahaha salamat!"

Pagka-uwi ko ay dali dali ako nagbukas ng aking Facebook para mahanap ko ang account nya. Then boom! Siya nga ung nakikita ko sa PCC. 

Habang tinitignan ang kanyang mga pictures ay napansin ko na taekwondo pala sya. 
Shems! May sports pala sa PCC! Gusto ko din sumali kasi mahilig ako sa martial arts. Nung bata kasi ako lagi kami nanonood ni papa ng movie ng Jackie Chan kaya ayun naimpluwensyahan din ako.

"Chez! Yung William Zaid na sinabi mo kahapon, ano section nya?"

"BHS ata yun?"

"Hindi naman sya BHS kase nakauniform sya nung nakita ko sya."

"Ewan ko basta nakikita ko lang sya."

"Class! Pila na, pupunta tayo sa simbahan kasi ililibing na si Bishop." sabi ng teacher ko.

Nang natapos kami sumilip sa kabao ni Bishop ay umakyat na kami pabalik sa classroom namin. Habang paakyat sa hagdanan ay nakasalubong namin yung section ng Digos.

Sinubukan kong hanapin kung andon si William.

"Hahahaha" sabi ni William sa classmate nya.

Hala! Tumatawa sya! Siya nga! Digos pala section nya. So bale classmate nya ung classmate ko nung grade 6 na si Kurt? Hmmmm maganda maganda..

"Hoy Leilia! Samahan mo naman ako sumilay kay William!"

Happy CruxxDove le storie prendono vita. Scoprilo ora