Can This Be Love?

17 1 2
                                    

"Hayst, ampogi talaga ni kras. Kelan nya kaya ko mapapansin?"

"Huy! Nangangarap ka nanaman dyan ng gising. Di ka mapapansin nun sa kakatitig mo sakanya."
Nawala ako sa pagde-daydream dahil sa bulyaw ng BFF kong si Kate.

"Kate naman e. Panira ka lagi ng moment." Ani ko habang nag aayos ng mga gamit.

Unang araw pa lang ng eskwela, as usual, magkaklase parin kami ng best friend Kong si Kate na laging sumisira ng trip ko tuwing pinapangarap ko si Justin.

Si Justin lang naman ang aming classroom heartthrob. Ay mali, campus heartthrob pala. Kasali kase sya sa banda--vocalist at guitarista pero paminsan minsan ay nagki-keyboard din.
Madalas sila tumugtog sa campus namin tuwing may events.

O, diba. Sinong hindi mag kaka-crush sa kanya?

At ako naman si Jenny. Sige, pagbibigyan kita. Alam kong gusto nyo rin malaman ang napaka ganda kong pagkatao at mukha. Charot! Walang ganon.

Kayumanggi ang balat (parang caramel, alam mo yun haha), di katangusan ang ilong, medyo matangkad, mahaba ang pilik mata at may mangilan-ngilang pimples. Oh, bakit? Natural yun sa teenager. Psh. 🙄

Simpleng babae lang ako. Yung tipong hindi pansinin pag nakahalo sa crowd. Kahit nga mag lakad ako sa gabi, ni hindi ako aamuyin ng aso. Joke. Syempre nasasabihan din naman ako ng mga tambay o ng mga construction worker na miss ganda noh. O kaya pag bumibili ako ng fishball o namamalengke. "Ganda" tawag nila sakin. Atsaka maganda naman din ako sabi ng nanay ko. 🙈

Yun nga lang, may pagka nerdy ako. Aral bahay lang lagi. Dagdag mo pa ang napaka kapal kong salamin.

Oh well, medyo nage-enjoy naman akong  ipakilala ang aking sarili. Balik na sa kwento.

So, ayun nga. 4th Yr college na kami. Since 1st Yr college, magkaklase na kami ni Kate kaya no choice kami maging bestfriend ang isa't isa.

Si Justin naman, crush ko na mula freshmen days. Classmate narin namin sya noon pa man pero hanggang nakaw tingin lang ang lola nyo.

Aba syempre! Kailangan nating maging dalagang Filipina noh. Pakipot konti. Naks. Pero mula first year hanggang ngayon, parang hangin lang akong dinaraan raanan ni Justin. Hmp, if I know, natotorpe lang yun sakin. Haha. Ganda ko kaya. **Insert boses ng nanay ko: ("maganda ka kaya anak. Mana ka sakin e.")

"OK, class. Since first day of class ngayon, let us introduce ourselves muna."

Nagsimulang magpakilala ang aming guro...
"blah blah blah..."

"OK, ngayon kayo naman. Mag simula tayo sa iyo."

Nagsimulang magpakilala isa-isa ang buong kase. Karamihan naman ng kaklase ko ngayon ay naging kaklase ko narin. So, medyo pamilyar na kami sa isa't isa. May mangilan ngilan lang na bago.

Nang dumating na ang turn ni crush.

"Sus.... tulala ka nanaman." pang-aasar ni Kate

"Siyet. Ampogi nya talaga. Kelan nya kaya ko mapapansin? Huhu."

"Alam mo, Jenny, you do the first move na kaya. Graduating na tayo, oh. Try to take the risk. Malay mo naman, pareho lang kayo nagkakahiyaan pero type nyo rin naman ang isa't isa."

"Oh---OK. Tama ka nga nga. S---sige. Mamaya, try ko lapitan na sya at makipag kaibigan."

**dub dub.. dub dub.. (heartbeat yan, wag kang ano!)

"H--hi, Justin. Pwede maki-share ng table?"
Lakas loob kong tanong sa kanya habang hawak-hawak ang pagkain ko sa pantry.

"Sure." Tipid na sagot nya.

"S--salamat." **katahimikan**
(mag-isip ka ng pag uusapan nyo, self)
"Hmm, ambilis lang ng panahon noh. Parang kelan lang mga freshmen lang tayo. Ngayon, graduating na." panira ko sa katahimikan

"Oo nga e." tipid ulit nyang sagot

"S--salamat nga pala at kinausap mo narin ako. Mula first year kase, di talaga tayo nag usap maliban kung maging magka grupo.

**katahimikan**

"S--sure kabang OK lang na kasabay mo ko ngayon kumain? Parang ayaw mo ata ako kausap. Sige. Alis nalang ako. Baka gusto mo mapag isa?" ani ko

"OK lang naman. Nanibago lang ako kase ikaw palang nag iisang babae na lumapit sakin nang ganto. Yung iba kase parang takot na takot sakin." pigil nya sakin

"Mukha ka naman kase talagang masungit. Kung di ka lalapitan at kakausapin, di ka rin talaga magsasalita noh? Libre lang naman magsalita. Sige ka, baka mapanisan kalang ng laway nyan. Eeeww baho nun."
Tuloy-tuloy kong sabi nang bigla akong mabalik sa ulirat at kinabahan pano ko nasabi sakanya yun nang parang close na agad kami.
**napatitig sakanya dahan dahan**

Pag-angat ko ng tingin, nawala ang daga sa dibdib ko nang makita sa unang pagkakataon na ngumiti sya. Siyet. Laglag panty si inday.

"Ah, eh,.. Joke lang naman yun. Hehe. Sorry, feeling close ba ko?" tanong ko sakanya

"OK lang." tipid uli nyang sagot

Nag-iisip uli ako nang magiging topic namin nang biglang nag ring ang cp ko. Alarm pala. Balik classroom na uli.





Bittersweet MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon