Love-hate Thing

1 0 0
                                    

Nagmamadali akong tumayo at akmang aalis na nang biglang may humawak sa braso ko. Siyet. Si Justin...

"wait," pigil nya sakin.

"Ah, eh, ene be keshe yen? Bitewen me nge ke, nekekehiya oh," pabebe kong sagot.

"Huh? Pinagsasabi mo?" mataray na sagot niya sakin.

"Kanina ka pa nakatulala dyan. Sabi ko tara na." dagdag pa nya.

**Siyet. Barado si inday**

Imagination ko lang pala yun. Hahahaha. Kainis.

"Ambilis naman netong maglakad. Iniwan na ko. Sus."

**pag-balik sa room**

"Oh, kamusta naman ang pag lapit mo sakanya kanina?" usisa ni Kate.

"Hmm, OK naman. Matipid nga lang syang magsalita. Nahihiya siguro sakin. Char."

"Tuloy-tuloy mo lang yan. Malay mo, madevelop kayo haha," udyok niya pa sakin.

**uwian**

"Bye, Justin!" sigaw ko sakanya na may pagka feeling close.
*sana pansinin nya ko, sana pansinin nya ko. Sana magba-bye din sya sakin..*

Yun!

Ni hindi man lang lumingon ang hayup.

😭😭😭

**pag-uwi sa bahay**

"Hayyystttt! Kainis!!!!!! Ni di nya man lang ako pinansin nung uwian. Kala ko ba close na kami?"

"Huy! Anong dinadrama drama mo dyan, inday?" bulyaw ng aking nanay.

"Kerengkeng ka pa dyan. Di ka crush ng crush mo noh. Hahahaha"

"Ma, naman!"

At nakatulog nalang akong di ko namalayan.

**kinabukasan**

"Kate, sabayan ko uli sya mamaya. Atsaka nagbaon ako ng niluto kong ulam oh. Baka magustuhan nya."

"Sige, lang. Push! Keri ko naman kumain mag isa mamaya," saad nya.

"Haha love you, bes. Salamat at supportive ka sa kalandian ko."

"Anu pa nga ba - _ -"

Ang swerte ko lang sa kaibigan tulad ni Kate. Di tulad ng iba dyan na mismong BFF pa nila ang nanga ahas sa kanila.

**at the pantry**

"Uy, Justin. Nagbaon pala ko ng niluto kong ulam. Share tayo," wagas na ngiting alok ko sa kanya.

Tinignan nya lang ang dala ko sabay upo nang walang imik.

"Tikman mo to, oh. Masarap yan. Niluto ko yan nang may halong pagmamahal."
*Ooops, mali. Sumobra ata sinabi ko.*

Tumitig sya sakin nang may kunot sa kilay na tula ba nagtatanong anong pagmamahal ang sinabi ko.

"Ah, eh, este, niluto ko yan kahit medyo mahal na mga rekados. Gusto ko kase matikman mo.. ah, ang luto ko. Hehe," palusot ko.
*sana umubra*

"OK," tipid nyang sagot.

*Walastik talaga oo. Wag kang susuko, self. *

"Ano, masarap ba?" buong pag asang pag aantay ko ng sagot nya.

"Ok lang. Medyo maalat."

Nawala bigla ang mga ngiti ko sa labi. Mukhang di ata sya nasarapan.

"A--ah, ganun ba. Sige, sa susunod babawasan ko ang alat."

**katahimikan**

"Hmm, pansin ko lang, bakit nga pala lagi kang mag isa? I mean, wala kabang friends na kasabay kumain?" panira ko sa katahimikan.

"Wala lang. Mas gusto ko lang mag isa. Ayoko kase nang maingay," may diin sa sagot nya na para bang gustong ipamukha sakin na maingay ako.

"Ah--eh, hehe ganun ba, " nauutal kong sabi.

"S--sige. Di nako magsasalita," dagdag ko.

**katahimikan**

Bittersweet MemoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon