Kanina pa tumutunog ang alarm clock kong kulay pink pero hindi ko 'to pinapansin at nagpatuloy lang ako sa paghilata sa kama.
Parang wala akong enerhiyang bumangon. Napagod ako nang sobra sa paglilipat namin kahapon. 'Tsaka isa pa, ayaw kong makita ang pagmumukha ni Bright unang-una sa umaga.
Sandali nga. Hindi talaga bagay ang pangalang "Bright" sa taong 'yon. Why not tawagin natin siyang... Burayt? Total mukha naman siyang bur-
"Win." Ay shuta.
Hindi ako kumibo.
Bahala ka diyan. Ano namang nakain mo at binubulabog mo 'ko eh ang aga-aga pa.
"Someone left a package for you. Might as well get it here before I throw it in the trashcan."
Aba, gagong to a.
Dali-dali akong tumalon paalis ng kama, naghimalos, at agad binuksan ang pinto.
"Saan ang package?" tanong ko nang hindi man lang siya tinitignan.
"Uhm," sagot niya at tumikhim. Ano ba problema nito?
"Ano, nabulol ka na ba oh nabingi? Sabi ko, saan ang package?" pagu-ulit ko. Pero hindi pa rin siya sumagot, kaya naman tinignan ko na siya at nagtaka ako bakit hindi siya nakatingin sa mukha ko. Sa baba. Sa baba ang tingin niya.
Unti-unti, binaba ko ang tingin ko at muntik na akong mawalan ng ulirat dahil sa nakita ko.
Wala akong suot na kahit ano!
Mabilis pa kay Flash akong tumalikod, pumasok ng kwarto, at ibinalibag pasara ang pinto.
Narinig ko ang marahang pagtawa ni Bright sa labas, at hindi ko na alam kung lalabas ba ako at sasapakin siya oh ibaon na lang ang sarili ko sa kama.
"Why do you act all flustered?" tanong niya mula sa labas. "It's not like first kong makita 'yan. Remember when -"
"Sige ituloy mo!" pagbabanta ko. "Isinusumpa ko hindi ka sisikatan ng araw!"
At tinawanan niya lang ako. "I'll leave the thing here. Just take it later. And put some clothes on when you're inside the house. As much as I love seeing your expó, baka may ibang makakita. We both don't want that."
"Dami mo pang sinasabi! Layas na!" bulyaw ko habang nagsusuot na ng desenteng damit.
Shutang kamalasan oo. Hindi ako tinatantanan.
Pagkatapos magbihis, kinuha ko na ang package mula sa pinto. Hindi ko muna binuksan at nilagay ko na lang sa may tabi ng kama.
Paglabas ko, wala akong naabutang tao sa sala. Mukhang umalis na papuntang trabaho ang gago.
Mabuti naman.
Nagluto ako ng pang-umagahan dahil mamaya, lalabas din ako. Kahit wala akong trabaho, hindi naman puwedeng humilata na lang ako sa kama maghapon. Kailangan ko pa ring maghanap ng bagong pagkakakitaan.
Dati akong sales manager ng isang malaking kompanya. Okay naman do'n, maayos ang rate at okay lang din ang working conditions. Pero 'yon nga, bigla na lang akong sinibak kahapon sa hindi ko malamang dahilan. Pakshet na boss namin. Kapag nakita ko siya sa may kanto gi-gripu-han ko talaga 'yon.
Ang hirap pa naman maghanap ng trabaho sa pahanon ngayon. Mas madali siguro kung natuloy ako sa pagdo-doktor, pero dahil nga sa nangyari 8 year ago, napilitan akong magbago ng kurso. Pero hindi lang 'yon, umuwi din kaming probinsiya ng nanay ko. Kung hindi dahil sa pangyayaring yon. Kung hindi dahil kay -
"Win, dear!" Ano na namang ginagawa niya dito?
"Ang aga-aga, Madam, ba't ka naparito?" bungad ko sa landlady namin. Pinuntahan ko siya sa may sala at as usual, namumutok na naman ang pula niyang labi at unat na unat ang kaniyang bangs.
BINABASA MO ANG
The Ex Value
Fanfiction"Can we really find the value of 'ex' without knowing the 'whys'?" This is a story of two ex-lovers. They met. They separated. And now they meet again in the most unexpected time and place. Who would've thought that the apartment Win wanted so badly...