Chapter 8

374 21 14
                                    

Win

Pagkatapos naming iwan si Bright sa kusina, dumiretso kami ni Sisa sa bakuran. Nandoon na sina madam, Andres, at –

"Devin?" tanong ko sa binatang nasa harap namin ngayon.

"Yow," maikli nitong sagot.

"Hi, Devin babe!" bati ni Sisa. "I'm your ate Syrid. Call me Sisa."

"Ang tinis naman ng boses mo, hindi ba sila naririndi sa 'yo?" tanong ni Devin. Hindi ko alam kung inosente ba talaga to o talagang pasmado lang ang bunganga.

Kita kong nagpipigil ng inis si Sisa.

"Ha? Ba't naman sila maririndi? My voice is like Morisette's. Kung siya Asia's Phoenix, ako naman Asia's –"

"Parrot?"

"Hummingbird, pashnea kang bata ka. Asia's Hummingbird."

Natawa na lang kami ni madam sa usapan nila. Inaya ni madam si Sisa at maya-maya, dumating na rin si Andres. Nagtulong-tulong sila sa pagi-ihaw kaya naupo na lang ako dito kasama si Devin. Wala naman na yata kaming maia-ambag bukod sa pagkain mamaya.

"Devin," kuha ko sa atensiyon niya. "Hindi pa pala kita napapasalamatan sa ginawa mo kagabi. Thank you ha."

Tinignan niya muna ako. "Wala 'yon. 'Tsaka hindi 'yon libre. Balang araw ibabalik mo rin ang pabor."

"'Di ko alam kung ano'ng pabor gusto mo, pero sige. Tatanawin ko na lang 'tong utang na loob."

"Kapag ba binayaran ang utang na loob, magiging–"

"Utang na labas na siya? 'Lul narinig ko na 'yan," sabi ko at natawa.

"Edi wow. Iba talaga 'pag may edad na, hindi na tinatablan ng jokes." Hindi ko alam kung ano'ng trip nitong batang 'to pero medyo parang gusto ko siyang kaltokan.

"Bente-sais pa lang ako boy, may edad ka diyan," sagot ko.

Biglang yumuko nang konti si Devin at humina ang kaniyang boses. "Pati pala edad, parehas kayo."

"Ha? Ano 'yon? Sino ka-pareho ko?" tanong ko. Bakit ba nabulong 'to.

"Wala wala," mabilis niyang sagot.

"Sino nga–"

"Since when did you two became so close?"

Hindi namin napansin, nandito na pala ang ugok.

Ako na ang sumagot. "Kanina lang, bakit? May problema ba do'n?"

Kaurat 'tong taong 'to. Pasulpot-sulpot. Tinangka niya pang kausapin si Devin, pero natikman niya tuloy kung gaano ka-tabil ang dila ng bata.

Natapos nang mag-ihaw sina madam at inilapag na nila sa mesa ang mga pagkain. Shuta. Isaw! Paborito ko 'to. Ngayon na lang ulit ako makakain.

Tumingin ako kay Bright. Nakatitig siya sa direksiyon ng isaw. At nakangiti lang siya.

Kahit ayaw kong alalahanin, nagreplay sa utak ko 'yong mga panahong ayaw na ayaw ng lalaking 'to sa mga street food. Kapag kumakain kami pagkatapos ng klase noon, gusto niya sa mall lagi pumunta o kaya sa bar. Pero dahil gaya ko ay mahilig din sa ihaw-ihaw sina Sisa at Andres, kami lagi nasusunod. Wala silang choice noon ni Miranda kung hindi sumunod at kumain kasama kami. Nakailang pilit pa ako sa kaniya bago ko siya napakain ng isang tusok ng isaw. At simula no'n, siyempre nagustuhan na niya ang pagkaing kalye. Ang paborito ko, naging paborito rin niya.

Ay shuta. Tama na nga 'tong nakakarimarim na pagbabalik-tanaw.

"-a friend of mine is also coming," dinig kong sambit ni Bright.

The Ex ValueTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon